Na alimpungatan ako dahil sa ingay sa labas, napahawak agad ako sa ulo ko dahil sa sobrang dami kong nainom kagabi. Hinanap ko agad ang phone ko para tingnan kung anong oras na, tanghali na pala shit. Tumayo ako at inayos na ang higaan ko pumunta muna ako sa cr para mag mumog at maghilamos.
"What?! No I don't like him... Just shut up" pagsisigaw ni Laura sa labas.
"You sure?"
Napakunot agad ang noo ko ng narinig ko ang boses ng isang babae, lumabas agad ako at nagulat ako dahil nandito sina Josh at si...... Janne!
"Janne!! Oh my god!" tumakbo ako sakanya at hinug siya. I missed this girl so much!
"Oh my!.. I missed you" she hugged me back and she pat my back.
"Kailan ka lang dumating? Why you didn't call me" humiwalay nako sa yakap nya at umupo sa sofa.
"I just arrived here kaninang 8 and gusto ko kayong e-surprise..... Surprise!" Tinaas nya pa ang dalawang kamay nya at tumawa ng malakas.
Napailing nalang ako at tumayo para kumuha ng tubig sa kusina, napatingin ako kay Josh at napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Halatang antok na antok pa siya dahil sa kanyang magulong buhok naka dekwatro pa habang nanood ng Tv.
"Uy Laura ba't nandidito yang si Josh?... And ikaw okay kana ba? Parang kagabi lang ata kita nakita na ganun kalasing, you okay?" napatingin siya sakin habang nagluluto ng pananghalian namin lumapit ako sakanya para tulungan siyang ihanda ang mga plato at pagkain.
"Siya ang nagkuha kay Janne sa Airport siya ata yung tinawagan ni Janne. Poor kiddo... And about last night, naglaro kasi sila ng Truth or Dare and sumali ako, I chose Dare kaya pinainom nila ako ng mga Drinks! " Umupo na siya sa lamesa kaya pinuntahan ko na sila Janne para kumain.
Lumapit ako sakanila at hinampas ang mga unan. Nagulat si Josh at matalim ang tingin sakin nga naman wag nyo talagang guluhin ang antok na tao, bumelat ako sakanya he just rolled his eyes di ko na siya pinansin at hinampas ko ulit ng unan si Janne dahil nakatoon parin yung attention nya sa Tv.
"Stop it!" she shouted
"Kain na po Madam. " tumayo na sila at pumunta sa table,sumunod lang din ako sakanila.
Habang kumakain ay sobrang daldal ni Janne parang hindi nauubusan ng Topic. She was talking about her Vacation in her province, kaya pinabayaan nalang namin. Damn! I miss her kaingayan!
"Guys alis tayo ngayon ah! Don't worry treat ko naman okay?" she said.
"Ayun! Sige G ako, kayo ba?" napabaling ang tingin ko kay Josh at nag-Nod ako.
"Ngayon na? Hindi kaba Busy ngayon Janne? Kagagaling mo lang ng province ah....Akin na nga yung Ketchup" sabi ni Laura kaya binigay naman ni Janne.
"Nope, tutal wala namang class so let's just have fun" Nag-Nod lang si Laura at binilisan ang pagkain.
"Did you know guys na yung volleyball player dun sa province namin is may gusto sakin! Like O My Gosh!" napahawak nalang ako sa tenga ng sumigaw siya. Bat ang high neto ngayon?
"Janne pwede bang wagka munang magsalita" Josh suggested.
"Why? Alam mo Josh you are just envy kasi walang nagkakagusto sayo!" she shouted again.
Eto nanaman ang away ng mga bata. Tumingin ako kay Laura na nakatingin nadin pala sakin at sumenyas na may panibagong gulo nanaman tung dalawa, napairap nalang ako at bumalik sa pagkain ng lunch at ganun din si Laura.

YOU ARE READING
Cross Our Paths
Teen FictionYana is just a normal, beautiful, party, outrageous girl who studied in UST. But one day everything changed when she met this guy. The guy that who broke a thousand heart.