003

20 1 0
                                    

Karelle
Matapos namin magmerienda sa labas ni Migs nung first day, napapadalas nang maulit iyon. Ganun na kasi ang nakagawian namin. Sa dinami dami ng times na nagmemerienda kami sa tapat, ni isang time hindi namin nakakasama si Pao kaya naman tinanong ko si Migs haha.
"Bakit parang napapansin ko, hindi pa natin nakakasama si Pao sa tuwing kakain tayo?" tanong ko kay Migs dahil nacucurious na talaga ako. "Hindi kasi mahilig maglalabas si Pao, school bahay lang talaga siya. Kaya kung hindi mo napapansin, sa classroom lagi lang siyang tahimik at nakikinig." Paliwanag ni Migs. Kaya pala, dumating ako sa point na tinanong ko sa sarili ko kung kambal ba talaga sila dahil napaka iba nila sa isa't isa. Grade 5 kami nagumpisa kumain sa tapat at wala namang nangyayaring bago samin kahit ngayong garde 6. Hanggang dumating na ang pinakahihintay naming araw, GRADUATION.

Migs
Graduation na namin, siyempre dapat maayos ang mga mukha namin dahil paniguradong maraming picture picture doon. As usual, nauna paring natapos si Pao. We're on our way to the School Theater and excited na kami. Pagdating namin, naghintay lang kami ng ilang minutes bago magsimula. Umpisa agad ng ceremony ay ang paglalakad namin papuntang stage para kunin ang dipaloma namin. "Let's all welcome, the graduates for the batch 2011-2012." Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ang sarap pala talaga sa feeling ng maggraduate. Dahil unang section kami, una kaming tinawag. "Bulan, Karelle Anne, With Honors." Si Karelle ang mauuna sa amin dahil una ang mga babae at siyempre B ang surname niya. "Mamauag, Kiel Janmariv, With Honors." Si Kiel naman ang isa pa naming kaibigan na hindi rin mahilig maglalabas. Hinintay namin matapos matawag ang mga girls at yung mga naunang boys samin, hanggang matawag na kami. "Guico, Miguel Benjamin, With Honors" iba ang feeling ko nung natawag ang pangalan ko. Magkasunod lang kami ni Pao kaya pagkatapos ko, siya na. "Guico, Paolo Benjamin, With Honors" lahat kami With Honors at yun yung goal naming magkakaibigan para walang naiiwan samin o naoOP "Congratulations, graduates" pagtatapos nola. After ng graduation ceremony, nagpicture picture lang kami bago umuwi.

Pao
"Ma san tayo kakain?" tanong ko agad kay mama dahil gutom na ako. "Nagpareserve ako sa Fortune." Parang alam ni mama ang favorite namin ni Migs. Dumeretso na kami agad doon. Kumain lang kami at umuwi para magpahinga dahil napagod kami, sulit lahat ng review namin. Dahil gusto ni Mama na magfocus sa studies, kinukuha niya mga phones namin tuwing weekdays at binabalik lang kapag weekends na. Dahil tapos na graduation namin, she let us use our phones.

~~to be continue~~

FOLLOW ME ON TWITTER:
@kaleyfurr___

Between to BitwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon