simula.
"Kel kunin mo na lang" si Ley na walang tigil sa kasusunod saakin papasok sa opisina para lang kumbinsihin akong kunin ang misyon na ayaw ko.
"ayoko nga sabi ei" sagot ko at nilapag na ang mga file paper sa lamesa at binuhay na ang computer at minanipula na.
"yan ka nanaman ei, wag mong idamay ang trabaho sa lovelife mo. I mean pagkasawi mo tsk!" binalingan ko sya at sinamaan ng tingin, isa nalang mapipikon na ako sa babaeng ito ei.
"pag di mo tinikom yang bibig mo tatahiin ko na talaga yan" mahinahon ngunit may diin na sabi ko saknya, mukha namang natinag sya dahil nanahimik na.
"ang brutal mo talaga kahit kelan ei no?" aniya at inirapan ako. "bakit ba ayaw mong kunin yon?" dugtong niya pa.
"kung ayaw mo akin nalang" dugtong niya ulit ng di ako sumagot saknya. Tumayo sya at akmang aalis na nang magsalita ako.
"kukunin ko yon wag kang atat" utas ko tumayo narin para pumunta sa office ng head admin.
"yown takot ka lang pala maagaw ei" ani Ley at humagalpak. Di ko sya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"thank god, mabuti at napag-isipan mo agad agent_A" sabay abot saakin ng teleportation ball ni agent_O. Ang head namin.
Tango lang ang sinagot ko at isinilid na ang bilog na bagay na makapagdadala saakin sa nakaraan.
Kinakailangan kong sagipin ang lalaking dahilan ng pagkasawi ko sa pag ibig. Sya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
"walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong pagsabayin kaming dalawa." sigaw ko sa mukha ni Haris. Nakita kong napapikit sya ng mariin ng sigawan ko sya.
Kinuyom ko ng aking kamao handang suntukin ang pagmumukha niya, ngunit hindi ko magawa dahil nanginginig ito sa galit. "walang kami ni Cleo, Kel maniwala ka, please trust me. Ikaw-". Agad ko syang sinampal. Kapal ng mukha matapos ko silang makitang naghahalikan sa likod ng campus, itinatanggi niya pa ang lahat ng iyon.
"I do, Haris. I trust you but you broke it" nag uunahan sa pagtulo ang aking mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Pinalis ko agad iyon ng makitang itinaas ni Haris ang kanyang kamay upang daluhan ako ngunit diko iyon pinaunlakan imbes pinagpatuloy ang pagsasalita. "let's break up" mahinang tinig ang lumabas saaking bibig siguro dahil narin sa kanina pa ako umiiyak at wala ng lakas pa.
"no!" may diin saknyang pagkakasabi. Diko iyon pinansin at tinalikuran na sya. "let's talk, please pag usapan natin to Kel, let me explain" tinitigan ko ang kanyang kamay na hawak ngayon ang aking pulupulsuhan, pinipigilan sa paglayo. Walang ekspresyon ko syang binalingan saka hinawi ang kamay saknyang hawak nia.
"bumalik ka nalang sa babae mo, tutal wala naman na tayo. Ngayon malaya ka nang makipaglandian sa kaibigan kong mapangahas!" muli'y tumulo ang aking mg taksil na luha, marahas ko iyong pinalis at muling tumalikod hindi na hinayaan pang mag salita ang kausap.
Tumigil ako ng nasa sapat na layo at distansya na kaming dalawa. "ang mga lalaking tulad mo ay dapat hindi iniiyakan pa" ako. Sapat na iyon upang marinig nia, muli ay lumingon ako upang makita sya. Ito na ang huli naming pagkikita.
Awang ang mga labi at namumula ang mga mata niyang galing sa pag-iyak. Kumaway ako at ngumiti ng pilit. "see you when I see you.....Harter" at iniwan na sya.
Mariin kong hinawakan ang sling ng aking bag at mabilis na naglakad patungo saaming SUV.
Paalam aking mahal.

YOU ARE READING
Sweet Night
FantasiaAkiella Elandra Constancia o mas kilala bilang Kel ay isang traveler mula sa future pabalik sa past upang baguhin at ilayo sa kapahamakan ang isang tao na kinakailangan ang kanyang tulong upang ito'y hindi malagay sa panganib. Si Harter Severiuo For...