Ikatlong Kabanata

7 0 0
                                    

2 hours with Riel for me was just trying to avoid his gaze, trying to avoid the movie kasi alam kong OA ako mag react kaya nilalaro ko nalang si Scout. Gosh, this baby is my savior.

"Tara na?" Tanong ko pagkatapos ng movie.

He nods and stands up. Agad akong umakyat sa taas dahil nakay daddy pa ang susi ng sasakyan.

"Dad, alis na kami."

Lumabas si dad papunta sa garahe. Kinuha ko sa kwarto ang bag kong may extra shirt, pulbo at wallet at saka sumunod kay daddy.

Pagdating ko sa garahe, pinapasok na ang motor ni Riel. Pinapa warm up na rin yung sasakyan.

"May cash ka jan?" Tanong ni dad.

"Wala po." I pouted. Kahit meron naman, but konti lang naman. Hehehe.

He nodded and got his wallet from his pocket behind. Binigyan niya ako ng 5k. "Magpa gas kayo." Utos niya.

"Okay."

Umalis na kami, nasa front seat ako, nakayakap sa throwpillow at akala ko pinaka awkward na yung kanina sa bahay, mas awkward pala ngayon! Shet!

"Who did your hair?" He asks habang tumitingin sakin.

"Uhm, kasambahay namin." I answered briefly.

I connected my phone sa speakers and played some songs.

Shit. Sumabay siya ng pagkanta. He can freakin sing! Pare, every moment, mas lalo akong nagkakacrush sa kanya. Like, shet.

Imagine me and him 15 years later in a car ng walang patutunguhan, just driving around.

Dumating na kami sa school. Meron nang pitong sasakyan kasama ang sedan ni Mr. Martinez. We parked beside the other cars in the open field. Agad akong bumaba at niyakap sina Blair at June.

"Shet ang awkward namin. Kanina pa siya sa bahay mga 6:30 pa." Bulong ko sa kanila ng mabilisan habang nakayakap.

"Ayieeeee." Tili ng dalawa at agad ko namang kinurot.

"Okay, since everyone is here already, why don't we go now kasi sa haba ng traffic baka maabutan tayo ng tanghali." Sabi ni sir Martinez. "But before that, let's all gather here to pray."

We all bowed down our heads and prayed. Pagkatapos ay pinapasok na kami sa sasakyan. I hugged June. "Ingat kayo."

"Kayo rin. See you there."

Sumakay kaming pito sa Terra. Nasa shotgun seat na naman ako.

"Magdrive ka ng maayos, Castriel ah!" Sabi nung isa pang college officer na si Nikko.

"Alam ko." Magara niyang sagot.

30 minutes later, medyo malayo na ang narating namin but traffic kasi ewan ko lang. Haha. We are all silently singing along the songs. We are probably not comfortable with each other yet.

"TJ, kamusta na kayo ni Kurt?"

I got caught off guard. Napatigil ako sa pagkanta. I didn't know what to answer. Nakakahiya, asang asa ako noon, wala lang pala.

I turned around and smiled to Princess. "Wala namang kami."

I saw Castriel's eyes darted on my side a little.

"Talaga? Diba lagi naman kayong kasama noon? Hinahatid ka niya pauwi, nanonood ka ng laro at practices niya, chine-cheer ka niya sa kada sayaw mo."

Shet. Hahaha. Akala ko nga rin eh. I turned to Blair, siya lang talaga ang makakapag ligtas sakin ngayon.

Blair sighed. "Porke't laging nagkakasama, hinahatid pauwi, chine-cheer, may relasyon na agad?" Biro niya.

HumalingWhere stories live. Discover now