Prologue
"Ma! Ma! Gusto ko po lobo," sabay pa-cute kay Mama.Andito kami sa paborito naming parke na pinupuntahan pagkatapos ng simba.
"Okay sige, bibili ka niyan basta wag kang magpapabili ng pagkain."
Grabe naman si Mama, minsan lang e.
"Hon, sige na pagbigyan mo na. Nag-iisa lang 'yan e", sabay buhat at halik sakin ni Papa sa pisnge.
"Kayo talagang dalawa, oh eto na. Palagi na lang kayo bumibili ng lobo na 'yan. Nakakain ba iyan ha? Kumain kayo ng bagoong mamaya! Bahala kayo!" natawa na lang kami ni Papa.
"Halika palangga, sasamahan na kita."
Kaya love na love ko si Papa e, love ko rin naman si Mama kaso masungit kasi talaga siya hehe.
Pumunta na kami ni Papa doon sa mama na nagbebenta ng lobo.
"Manong, pabili nung pula", sabi ni Papa.
Iniabot naman ng mama agad ang lobo sa akin.
"Salamat po", sabi ko. Tinanguan naman ni Papa yung mama senyas na nagpapasalamat siya.
"Pa! Seesaw tayo, dali!" nakangiti kong aya kay Papa.
"Sige 'nak, paunahan ta--" biglang nag-ring phone niya.
"Wait lang palangga ha? Mauna ka na doon sagutin ko lang ito, okay?" paalam niya sakin.
"Opo", sabay ngiti ko sa kaniya.
Habang papunta ako sa seesaw may nakita akong lalaking bata na naroon na at naglalaro ng kotse-kotsehan niya, pinarampa-rampa niya pa nga e.
Hinahawakan kong mabuti ang lobo ko habang naglalakad baka kasi pagalitan na naman ako ni Mama kapag nabitawan ko.
Nung nakarating na ako sa seesaw, tinitigan ako ng bata.
"Why are you here? Leave. Now." sabi niya sakin. Ang taray ha, bading siguro 'to tapos english english pa.
"Bakit sayo ito? Sayo?" mas mataray kaya ako, tse. Hindi nga lang ako marunong mag-english.
"I hate balloons," sabi niya naman sakin.
"Ayaw rin naman sayo ng mga lobo," pang-iinis ko sa kaniya.
"You annoy me. Go away! You stink!" sigaw niya sa akin.
Aba?! Ano daw?! Anong stink? Iinom yun ni Papa kapag nasa work siya e atsaka bobo sting yun!
Nakapamewang akong lumapit sa kaniya habang hawak hawak parin yung lobo.
"Hoy ikaw! You don't--" naputol sinasabi ko kasi hinila ni Mama braso ko at naging dahilan para mabitawan ko yung lobo.
"Uuwi na tayo anak, halika na," sabi ni Mama sakin habang hinihila niya ako palabas ng parke.
"Ma! Sandali! Yung lobo ko po! Atsaka asan si Papa?" nilingon ko si Papa at nakita kong may kayakap siyang babae.
Si Tita Iza yun ah, partner ni Papa sa work niya. Bakit uuwi kami? Iiwan namin si Papa? Bakit naghu-hug sila?
"Ma! Si Papa pa! Wait lang!" pinipilit kong alisin pagkahawak niya sakin.
"Kapag sinabi kong uwi! Uwi!" sigaw sakin ni Mama pagharap niya.
Bakit namumula mata ni Mama? Umiiyak siya?
-----------------------------------------------------------------
6:36 am
Thursday"Frans! Bangon ka na jan! Francine! Hoy! Papunta na si Hazel! One week palang kami baka mapagkamalaan kang kabit kita!" sigaw ng kuyukot na tao habang katok nang katok sa pintuan.
Dahan-dahan kong iminulat mata ko.
Pft. Thank you, Jack.