Kissing Luke

105 2 0
                                    

I wrote this story way, wayyyy back InternetSerye days! Year 2011, I think? If you don't know what it is, it's a website sort of like wattpad but is independently made by Filipinos.

I'll be posting my old stories here as well. Check out my works! I hope you'll have fun reading them as I has fun writing them. Tee-hee!

---

“Why haven’t you kissed me yet?”

Kumabog ang dibdib ni Luke nang marining ang sinabi ng kanyang nobya. Nilingon niya si Angela na nasa harapan niya. Nakadukwang ito sa table at diretso ang tingin sa kanya.

“What?” hindi niya ipinahalata dito ang epekto ng sinabi nito sa kanya. Ibinaba niya ang libro sa table para ibuhos ang lahat ng atensyon niya dito. Inayos niya ang salamin na dumudulas pababa sa kanyang ilong.

Bumuntong hininga ito at nangalumbaba. “Ang sabi ko po, bakit hindi mo pa ako hinahalikan? Limang buwan na tayong mag-on pero hanggang ngayon hindi parin tayo nagki-kiss.”

“Nahalikan na kaya kita.”

“Hindi sa lips.”

Aminado naman si Luke na mahina ang loob niya pagdating sa mga ganoong bagay. Kung hindi nga lang siguro “outspoken” si Angela ay hindi magiging sila. Torpe siya kaya hindi niya madiretso noon ang nararamdaman niya para dito. Swerte lang niya at pareho sila ng nararamdaman. Nagtapat ito sa kanya at naging sila.

Tila nabahala si Angela sa sandaling pananahimik ni Luke. Ano kaya ang nasa isip nito sa sinabi niya? Siya man din ay nagulat sa sarili niya dahil nakaya niyang tanungin ito ng ganoon. Hindi naman sa atat na siyang mahalikan nito... nag-aalala lang siya. Paano kung ang dahilan pala ay dahil hindi na ito interesado sa kanya? Tutal siya ang nagtapat dito noon, baka wala lang itong lakas ng loob na magkipaghiwalay ngayon.

Hindi naman sa pinagdududahan niya ang nararamdaman nito sa kanya. Sa tagal ng pagsasama nila, alam na niya kung paano ipakita ni Luke ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi man nito sabihin, nakikita naman niya iyon at nararamdaman.

“Luke, ayokong mag-ala Rica Peralejo, ah. Alam kong kaya mong pigilin ang sarili mong halikan ako bago pa man ang kasal natin pero wala akong tiwala sa sarili ko. Alam kong hindi ka intimate pero please, isang kiss lang?”

“Fine.”

Pinigil niya ang kanyang excitement habang naghahanda ito. Huminga ng malalim si Luke at dumukwang papalapit sa kanya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ramdam niya ang unti-unting paglapit nito. Napakapit siya sa gilid ng table, pinipigil niya ang mapatili sa sobrang emosyon.

Nagkaroon na siya ng ilang boyfriends noon pero walang seryoso. Nene pa kasi siya noon kaya lagot siya kapag sineryoso niya ang pag-ibig. Kung sakali, hindi naman iyon ang first kiss niya, pero hindi niya alam kung bakit hindi pa nga nagdadampi ang kanilang mga labi ay gusto nang maghumiyaw ng puso niya.

Hinintay niya ang papalapit na labi nito. Ayan na... malapit na...

“I can’t do this.”

Dumilat siya at nakita niya si Luke na nakasandal na. Ang lahat ng emosyon niya kanina lang ay nawala sa isang iglap na parang tinangay ng malakas na hangin. Ang ngiting kanina pa niya pinipigil ay hindi na nailabas, bagkus ay napalitan na ng pagsimangot.

“Bakit?” hindi niya na itinago ang tampo sa tono ng pananalita. “Isang kiss lang hindi mo pa maibigay?”

“Kasi...”

“I don’t need you’re explanation!” tumayo na si Angela para umalis. Sobrang naiinis na kasi siya. Hanggang ngayon, hindi parin niya maintindihan ang takbo ng utak ng nobyo niya. Hinabol siya ni Luke hanggang sa labas. Hinawakan nito ang braso niya at hinarap siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kissing Luke (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon