KABANATA 19

538 19 4
                                    

Congrats

[Sophia]

Nag sasaya kaming mabuti sa loob ng sasakyan na dala ni nico. May driver din syang isinama incase daw ay antukin kaming lahat. Ilang oras din kase ang byahe at ang iba pa sa amin ay may hangover pa mula kahapon.

Pinag gigitnaan ako ni cullen at cormac dito sa likod. Si kalix ay katabi ang driver, si timber at nico naman ay nasa unahan namin.

Masyadong malaki ang dalawang ugok sa tabi ko kaya medyo naiipit ako. Humilig ako sa matipunong balikat ni cullen at dahan dahang pumikit.

Naramdaman ko ang marahan niyang pag akbay sa akin at ang pag ayos ng ulo ko sa kaniya hanggang sa nalunod na ko sa antok.

Nag bubulungan ang mga tao sa loob ng kotse ng magising ako. Nahihilo ako at tila masusuka, pero napigilan ko naman.

Sinilip ko ang katabi kong si cullen at tulog din ito. Lahat sila ay gising pwera sa amin. Sinapo ko ang ulo ko ng umikot lalo ang paningin ko.

Tangina susuka pa ata ako! Kinalabit ko si cormac na nag mumunimuni. Isinenyas ko sa kaniya na ipa- itigil muna ang sasakyan na agad naman niyang nakuha.

Dali dali akong lumabas doon at isinuka ang kinain ko kanina. Panay ang duwal ko hanggang sa abutan na 'ko ni timber ng tubig.

Mabilis ko iyong kinuha ng matapos sa kakaduwal. "Okay ka lang?" Tanong niya at itinaas ang buhok ko bago hinagod ang likod ko.

Timango ako at pinunasan ang bibig. Muli kaming pumasok sa sasakyan ng kumalma na ako. Nang tabihan ko si cullen ay naalerto agad ito. "Wag mo ko susukahan! Si kalix ang sukahan mo," pang aasar nito.

Inirapan ko sya. Wala ako sa mood makipag asaran sa ulupong na ito. Kinuha ko ang compact mirror ko sa bag, sinilip ko ang aking mata bago iyon itapat sa labi kong namumutla.

Mabilis ko iyong kinagat kagat. Putlang putla ata ako ngayon ah? Kinuha ko ang liptint ko at nilagyan ang labi at pisngi ko. Baka mapagkamalan pa akong may sakit.

Nang makapag ayos ng muka ay nag simula na akong mag pi-picture. Isinasama ko ang kambal na napipilitan lang sa mga pinag gagagawa ko.

Isinunod ko sina timber, nico at kalix. Hangggang sa makarating na kami sa aming destinasyon! Ang burnham park! Para kaming mga nakawala sa hawla ng makababa sa sasakyan!

Kanya kanyang picture at pose kami doon. Nag yaya rin silang mag boating na hindi naman namin pinalampas. Picture doon, pircture dito. Ayon ang aming ginagawa hanggang sa makaramdam na kami ng gutom.

Kumain kami sa restaurant na napili nilang kainan. Hindi naman ako mapili sa kakainan, basta kung saan masarap edi doon!

That trip was awesome! Hindi namin lahat napuntahan ng tourist spots, pero ayos lang dahil na enjoy naman namin ang klima doon at ang magagandamg tanawin.

Nakarating kami sa condo ni nico ng mag mamadaling araw na. Ang kambal ay antok na kaya inokyupa na ang isang kwarto ng condo ni nico.

Si timber ay pumasok na rin sa kwartong tutulugan namin. Habang si nico at kalix naman ang mag kasama sa kwarto nya. Mabuti nalamang at ayos na ang mga kwarto ng condo ni nico.

Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Ang akala ko ay ako lamang ang naroon kaya halos napatalon ako ng makita si nico na kumukuha rin ng baso nya.

"Walang hiya ka!" Sigaw ko at hinampas pa siya dahil sa pag kakagulat.

Mahina siyang tumawa bago kinuha ang pitcher sa lamesa. "Did you enjoy?" Mahinang tanong niya at nilagyan na rin ng tubig ang baso ko.

Tumango ako. "Halos mapuno na nga yung cellphone ko sa sobrang daming picture."

Sandali pa kami roon ng nag sabi na akong tutulog na. "Good night!" Paalam ko sa kaniya at tutungo na sana sa kwarto namin ni timber pero hinila niya ang kamay ko.

Agad ko siyang nilingon. "What?" Tanong ko.

Nag aalinlangan itong nag salita at kumamot pa sa ulo nya. "Can I have a good night kiss?"

Hindi ko naitago ang gulat ko ng sabihin niya iyon. Hindi pa man ako nakaka sang-ayon ay hinalikan na niya ako. Segunso lang at tumigil na siya.

Isinandal ang noo sa noo ko. Gusto ko syang tanungin kung ano ba kami? Bakit ganito nalang siya kung ituring ako. Pinagmasdan ko ang mapungaw niyang mga mata.

Natatakot ako. Baka pag tinanong ko siya kung ano ba kami ay biglang magbago ang turing niya sa akin. Ayokong masira ang pag kakaibigan namin.

I love him, pero hindi ko kayang isugal ang pagkakaibigan namin dahil lang dito sa nararamdaman kong ito. Marahan kong tinapik ang kamay niyang nasa pisngi ko bago ngumiti dito at tuluyang naglakad patungo sa kwarto namin ni timber.

The next days, naging abala kami sa school. Maraming kailangang gawin kaya heto kami at kanya kanyang gawa ng projects, assignments at kung ano-ano pa.

Naiistress na ko! Gusto ko nalamang iyakan yung mga notebook at projects ko. Isinubsob ko ang ulo sa armchair.

Tulugan ko nalang kaya 'to? Pagod na ko sa trabaho, pagod pa din ako dito? Pwede bang kahit sandali tumigil ang oras? Pag pahingahin naman ako kahit 1 week lang?

Bumuntong hininga ako bago muling simulan ang mga kailangan kong tapusin. Pagkatapos nito tutulog talaga ako buong maghapon!

Mahirap, pero nag tyaga akong tapusin ang mga assignements and projects ko. Nakakatuwa dahil ginalit ko muna ang sarili ko bago tapusin ang mga ito kahit labag man sa aking kalooban.

Naipasa ko naman iyon lahat ng tama sa oras. Mabuti nalamang at nahikayat ko si nico na gumawa at sabayan ako. Kaya nakapag pasa rin siya ng kanya.

Nakanguso akong umiinom ng milktea. Para akong nasa alapaap habang ninanamnam ang flavor niyon. Thanks to nico kung hindi pa ako mag tatantrums ay hindi ito bibile ng pagkain namin.

"You look so cute today! Anong kinain mo?" Tatawa tawa niyang puna sa akin.

Inirapan ko sya. "Wala kang pake!" Pag tataray ko at kumuha ng fries na nasa unahan ko.

"I have a good news," he grinned then wiggled his eyebrows.

I eyed him sharply. "Ano?" Tanong ko habang umiinom ng milktea.

"Me and charlotte are tryin' to get back together," masiglang aniya. Kita ang pagkinang sa kaniyang mga mata habang sinasabi ang tungkol sa pag babalikan nila ng kasintahan.

Marahan akong tumango. I don't think that's a good news. Wala bang nararamdaman sa akin si nico? Libog na libog lang ba sya at ako ang napag lalabasan?

I don't get him. May pagkakataong umaasta siyang kakaiba. Yung parang higit pa sa pag kakaibigan ang gusto niya.

He is kissing me like there is something on it! We are making love like we he has some feelings for me!

"That's good for you then... congrats. In advance," sabi ko nalang kahit parang may pumipiga na sa dibdib ko.

Ngumiti ito at malayo ang tingin. Kitang kita ang pagmamahal sa kaniyang mga mata. I know he loves charlotte so much nasaksihan ko ang pag mamahalan nilang dalawa.

Nag tubig ang mga mata ko. Mabilis ko iyong pinigilan. Ano ba ito! Lagi nalamang ganito kabilis kung magluha ang mga mata ko!

Matamlay ako habang nag lalakad kami pabalik sa classroom. Wala akong gana ngayong mag-aral. Gusto ko sanang matulog nalang muna para malimutan ang nararamdaman ko ngayon.

Idinaan ko sa pagsubsob sa table ko ang sakit na nararamdaman. Wala akomg balak kausapin si nico at baka tungkol nanaman kay chatlotte ang banggitin niya.

Lalo lamang sasama ang pakiramdam ko.

-kimmy-

Playing with Fire (Narvaez Series #1)✔Where stories live. Discover now