KABANATA 29

666 25 0
                                    

I love you

[Sophia]

Alam kong naka tulog na ako sa bisig ni nico kagabi. Ayokong makita siyang umaalis sa tabi ko o patungo kung saan ang kwarto nya. Basta ipinikit ko ang aking mga mata at itinulog ang pagod sa pagiyak ng mahiga kami sa kama.

Payapa ang tulog ko at walang naramdamng sakit at bigat sa aking dibdib. Sa isiping napatawad na namin ni nico ang isa't isa ay isang napaka laking ginhawa para sa akin.

Ang mga mata kong pagod ay unti-unti kong iminulat. Mabilis ko din iyong ipinikit ng masalubong ang nakaka silaw na liwanag mula sa bintana. Kinapa ko ang gilid ko, kinakapa kung naroroon pa si nico.

Pero nagulat ako ng may humigit sa kamay ko at ibinaon ang muka ko sa kaniyang leeg. Hindi ko na kailangang alamin kung sino iyon, dahil sa amoy pa lamang nito ay kilala ko na.

"Nico.." bulong ko.

"Hmm?" Namamalat ang boses na ungol nito.

Lihim akong napangiti. Mag damag ko syang katabi! Nag sumiksik lalo ako sa kaniya, pakiramdam ko ay kulang pa dahil may kaunting espasyo pang natitira sa pagitan namin.

Nanatili ako ng ilang oras sa bisig niya. Kahit hinihila ulit ng antok ay pinigilan ko ang sarili. Gusto na lamang damhin ang init ng kaniyang katawan.

Gumagaan ng sobra ang pakiramdam ko sa tuwing nasa ganito kaming sitwasyon. Ang mararahang dampi ng kaniyang labi sa aking ulo ay mas lalong nag pa-antok sa akin.

"Wala ka pang balak bumangon?" Bulong ko.

"Mamaya ng konti," aniya. Tumango ako at nilasap ang natural na mabango niyang amoy. Mag pagawa kaya ako ng ganitong amoy ng pabango? Grabe, nakaka adik!

Sininghot singhot ko pa iyon. "Ang bango mo..." nahihiyang sambit ko.

"You too."

Hindi ko na napigilan ang sarili at muling inamoy ang leeg nya. Walang hiya hiya ko iyong sininghot. "Stop sophia," bulong nya. Pero hindi naman ako pinipigilan.

"Bakit?" Masuyong tanong ko.

"You're making me horny!" Bulong niya. Medyo nagulat pa ako sa sinabi nya. Bigla nalamang pumasok sa isip ko ang mga senaryo ng pag tatalik namin noon! Hindi ko akalain na sa loob ng limang taon ay maaalala ko pa iyon!

Sabagay, nung kabataan ko nga naaalala ko pa. Paano pa kaya itong limang taon pa lang ang nakalipas?

Namula ang pisngi ko ng mag tama ang mga mata namin. Parang may spark sa mga mata namin na kung mag tititigan pa ng matagal ay mag babaga agad ito hanggang sa maging apoy!

Fuck! Eto nanaman ako sa kalandian ko! Hindi pa kami ayos na ayos ni nico. Nag sisimula pa lang namin ngayon ayusin ang mga pagkakamali namin noon tapos eto na ang papasok sa utak ko? Puro maka mundong pagnanasa?!

Ganoon din kaya sya? Natauhan ako ng maramdaman ang matigas na bagay sa hita ko. Nang tumingin ako doon ay napasinghap ako sa pagka bigla!

"N-nico!" Sabi ko. Gulat sa ipinaramdam nya.

"I know. Don't worry, I won't do anything. It's just my morning erection,"

Lumunok ako. Wala sa sarili ko pang kinagat ang labi. Dahil kahit boses nya ay nang aakit! Tangina sophia mag hunusdili ka!

Pumikit ako ng mariin at akmang tatayo na ng bigla siyang kumubabaw sa akin. Nanigas ako sa kinahihigaan ko at nanlalaki ang matang tinignan sya.

"Nico!" Sambit ko at inilagay sa dibdib nya ang kamay ko.

Playing with Fire (Narvaez Series #1)✔Where stories live. Discover now