Bahay, parke, paaralan,
Mga lugar na madalas kong pinupuntahan,
Makahanap lang ng taong pwedeng pagsabihan,
Pagsabihan ng mga problemang kinakaharap,
Masasayang nangyari sa buong araw at mga gustong matupad na pangarap.Makalipas ang ilang mga araw,
Tumigil na ang pagmumukmok at pag-iyak na sobrang babaw,
Nakilala ka sa di inaasahang pangyayari,
Pero kahit ganon, ang lungkot ay napalitan ng abot tenga'ng ngiti.Unti-unting nakakalimutan ang mga problema,
Nang ika'y makilala,
Nung una'y kaibigan lang kita,
Kaso di alam na nahulog na pala.Gustong ipahayag ang nadarama,
Kaya lang nauunahan ng hiya,
May halong takot na baka mauwi lang sa wala,
Ang pag-aming natatabunan ng 'BAKA'.At ngayon ang takdang oras,
Dahil sapat na ang ipong lakas,
Aamin sayo ng biglaan na parang wala ng bukas,
Itotodo ko na parang ito na ang wakas.Gusto kita este 'Mahal na mahal kita',
Di makagalaw nang masabi sayo yan ng harap-harapan,
Tumigil ang mundo pati na rin ang orasan,
Binabalot ng katahimikan ang buong kapaligiran.Gulat nang ikaw ang magsalita,
Sinabing 'pasensya ka na, di kita kaya-'
Mahal ko, anong sabi mo,
Hindi kayang ano?.'Di kita kayang mahalin'
'Sana ako'y iyong patawarin'
'Iba ang aking mamahalin'
'Hindi ikaw dahil hanggang kapatid lang ang aking turing'.Tulala nang matauhan ay tumakbo,
Tumakbo ng mabilis habang ang luha'y tumutulo,
Naguguluhan ang isip hanggang may napagtanto,
Na hindi lang naman siya ang lalaki sa buong mundo.Kahit minahal ko siya ng todo,
Kaya ko pa rin siyang kalimutan para makabalik ako,
Makabalik sa dating ako,
Sa kadahilanang nahulog at napamahal ako,
Dun pa sa maling tao.~Keott_kulotzkieee✒️💌🦋
Ito na yung new update. Still, comment and vote pa'ren para sa next poem ko. Bye guysssss. :>
© All rights reserved 2020
YOU ARE READING
Maling Tao [POEM]
PoetryPara sa mga taong marupok echos hahaha para sa mga taong nasaktan love y'all.