Aest's POV
"I'm sorry." bungad ko dito.
Ang mapupungay na mata mula sa pagkagising ay sinalamin ang taka at gulat. Bumangon ito para umupo galing sa pagkakahiga para lumebel sa akin.
"Good morning, baby." nakangiting bati nito bago ako niyakap saka hinalikan sa pisngi.
"I'm sorry." ulit ko dito bago yumuko. Pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa mata ko. Kakagising lang nito pero ito agad ang bungad ko sa kanya.
"For what baby?" takang tanong nito bago hinawakan ang baba ko para itaas at magtama ang mga mata namin. Pilit kong iniyuyuko ang mukha ko pero hindi ako nagtagumpay kaya nakita niya ang nangingilid na luha sa mga mata ko, nakita ko ang pagdaan ng gulat at lungkot sa mata nito.
"We've talked about this." paalala ko dito bago binawi ang tingin ko sa kanya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa.
"We didn't." madiin na sagot nito tila nakukuha na ang gusto kong ipahiwatig.
"I'm sorry." ulit ko, mga mata ay nakaiwas pa rin sa gawi niya.
"Don't say that." mahinang tugon nito.
"I'm sorry." Ulit ko
"Why?" nagsusumamong tanong nito.
"I don't know."
Upon hearing my answer naramdaman ko na tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama at saka dumiretso sa gilid ko.
Nakikita ko ngayon ang pamumula ng mukha at katawan nito, halatang pinipilit na itago ang emosyon na nagpupumilit lumabas.
"How did this happen?" tanong nito habang pinipilit salubungin ang mga mata ko na pilit kong iniiwas sa kanya.
"Naggising na lang ako ng wala na." halos pabulong na sagot ko bago napagdesisyunang salubungin ang tingin nito.
Nakita ko ang pagbabago ng mukha nito, ang kaninang taka at lungkot ay napalitan ng labis na kalungkutan, he looks miserable. Ako pa ang dahilan ng pagiging miserable nito.
"Ano?" pagmamaang-maangan nito.
"I woke up and It's gone." ulit ko.
Iniwas nito ang tingin nito na naging hudyat ng pagtulo ng luha ko, alam kong umiiyak din siya kahit nakaiwas ito sa'kin dahil kita ko ang pagbaba at pagtaas ng balikat nito.
We've been together for 7 years now, I hoped and prayed that we will grow old with each other, we've had so many trouble and made many mistakes to each other but at the end of the day we will always see the good in us, in each other and in this relationship. I almost believe in forever not until I woke up one day and realized that I don't feel the same anymore.
I gave myself time to confirm it, I stayed for 2 months even if I don't feel the same anymore. He was consistent, stable and good for me. I wanted him to be my last and my always. I doubted my feelings when I felt like it wasn't the same anymore.
I didn't know how, what and why this happened.
I was so happy and contented with him.
We've had so many plans for our future.
The house, travels and even wedding and kids.
"What's wrong? Is it me?" nanghihinang tanong nito habang ang mga mata ay nakapako na sa'kin. Pain is all over his face, there are signs of tears in his face and tears still forming in his eyes. What have I done to the man that I really loved?
"No, there's no problem with you. You are perfect the way you are, please." sagot ko bago pinunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo galing sa mga mata niya.
"Then why?" kalmadong tanong nito.
"There's no why, hindi ko alam." sagot ko habang isa-isa nang tumutulo ang mga luha sa mata ko.
"Ok tayo e, sobrang ok natin kaya hindi ko alam bakit ganito. I tried, I really tried to fixed it kaso wala. Tangina ni hindi ko nga alam kung paano ipapaliwanag yung nararamdaman ko." Umiiyak na na paliwanag ko.
"Hindi ka na ba masaya?" mahinahong tanong nito habang nakayuko.
"I was really happy when you and I happened. I loved you to the point that every thing you do makes my heart ache with joy." I answered.
"Ngayon? Masaya ka pa ba?" tanong nito habang nakayuko pa rin.
I don't know if I can answer this, kasi parang 'pag sinagot ko 'to mawawala yung seven years, lahat ng ala-ala ko sa kanya, even the future that we've talked about. Lahat 'yon mawawala.
I've thought about this for months, kung kaya ko ba mamuhay sa mundo na nasanay na akong kasama siya? Sa lahat ng bagay, lugar at minsan ay tao naaalala ko kung nasan siya don, lagi siyang nasa tabi ko non, tumatawa o kaya ay pinapatawa ako.
Pero masaya pa ba ako?
Kung napapasaya pa rin ba niya ako sapat na rason pa ba 'yon para manitili? Yung saya ba na maibibigay niya sa'kin kaya ko pa rin bang tumbasan? Masaya pa rin ako sa kanya pero hindi ito yung klase ng saya na nararamdaman ko dati, nung mahal ko pa siya. Kaya ko rin siyang pasayahin pero hindi ito yung klase ng saya na mapaparamdam ko sa kanya katulad ng dati, nung mahal ko pa siya.
I was silent for minutes, I was drowning in my thoughts when I heard him sobbing, umiiyak na siya, yung wala nang pagpipigil, he broke down infront of me.
I searched for emotions pero awa yung nakita ko, the least thing that he needs right now. I can't comfort him kasi ako yung rason nito e, wala akong karapatan.
"I'm not happy anymore." sagot ko.
Nakita ko kung paano niya pinakalma ang sarili niya at pinilit magsalita.
"I'm sorry." he cried.
----------
😞