Naalimpungatan ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Kinusot ko ang aking mata at binuksan ito. Tinignan ko ang nasa labas ng bintana at nakita ko ang mga maberdeng halaman.
Bumaba ako sa higaan at sinuot tsinelas ko. Laking gulat ko ng mapagtanto ko na nasa ibang kwarto na ako.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at napag-isip saglit kung pa'no ako nandito.
What the heck is goin' on?
Nilibot ko ang aking mga mata at napagtanto ko na modern-kubo ang instraktura ng kwarto. May iilang picture na nakasabit sa pader ng kwarto ngunit malabo ito. Mga makalumang retrato na ang iba ay kumukupas na ang tinta.
May isang malaking kabinet sa gilid, meron ding mesang may salamin na may upuan at sa ibabaw ng mesa, may mga suklay, alcohol, libro, at iba't ibang cream na para sa katawan.
Lumapit ako sa may isang bintana at binuksan ko ito. Napatingin ako sa langit, mukhang uulan naman. Kanina lang, nakikita ko pa ang masiglang araw at ngayon unti-unti itong nilulusaw ng makulimlim na langit.
Hinila ko ang upuan at pinagmasdan ang paligid.
Nakakamangha ang ginawa ni God na 'di magawa ng ibang siyentipiko. Magaan sa pakiramdam na ganito ang bungad sayo. Mga makukulay na bulaklak, malinis na bakuran, maberdeng dahon at matikas na kahoy, at mga tunog ng ibon.
Biglang bumukas ang pintuan at niluwal nito ang isang lalaki. Ngunit 'di ko masyadong makita ang pagmumukha niya. Sabay ng pagsara niya ng pintuam ay ang pagbuhos ng mahinang ulan.
"Gising ka na pala, ito pinaghandaan kita ng kape. Masarap 'to, may sariwang gatas ito ng baka" napangiti nalang ako at kinuha ang inabot niyang kape.
Tinikman ko ito at muling tumingin sa labas. In fairness masarap ang kapeng ginawa niya.
Ramdam ko na humila siya ng upuan at tumabi sa gilid ko, hinayaan ko lang siya at pinagpatuloy ang pag-inom ng mainit na kape habang tinatanaw ang kalikasan.
Naghari ang katahimikan at binasag niya ito sa pamamagitan ng pagtikhim.
Napalingon ako sa kanya at ngayon kitang-kita ko na ang kanyang mapupungay na mata na may makurbang eye lashes, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis na labi at bumabakat rin sa kanya ang ang kanyang jawline.
Shems! Lord kung panaginip man 'to sana naman magkita kami sa personal.
Agad naman akong umiwas tingin ng biglang nagtama ang mga mata namin. Tinuon ko nalang ulit ang aking atensyon sa labas at dinama ang malamig na hangin.
" Alam mo ba kung may araw pagkatapos ng ulan?" tugon niya.
Napatingin nalang ako sa kanya saka umiling at muling humigop ng mainit na kape.
" Dahil bawat lunos na mangyayari ay may magagandang magaganap sa hinaharap. Gaya ng ating buhay, bawat luha na pinapatak ng inyong mata, pagkatapos maghihilom ang sugat nito at matatakpan ito ng ngiti at masasayang ala-ala. "
Ramdam ko na nakatingin siya sakin. Napa ayos ako ng upo at tumango lang sa kanya saka tinignan ko ang mga dahon ng punong nara na sinayaw sayaw ng mahinang hangin.
" Ngunit kung bagyo naman ang dadayo, makakaya pa ring pagtakpan ng mahal na araw ang mga sugat nito. " napatawa siya ng mahina. Agad naman akong napatingin sa kanya at binigyan ng tingin na naguguluhan.
" Ang bagyo ay nagbibigay ng pinsala. Pagkatapos ng iilang araw, may iilang tao na bumabangon at tumitingin sa maaliwalas na dako. Ang pinsalang iyon ay nanatiling ala-ala ngunit matatakpan rin ito ng panibagong kabanata ng ating buhay. Ang ibig kong ipahiwatig sayo, ang mga masasamang nangyari sa inyong buhay ay maghihilom ang sakit nito ngunit magiging peklat ito na mananatiling ala-ala sa iyong buhay. Makakaya mo ring matakpan ito kapag palagi kang positibo sa buhay at laging nakangiti. Di mo iniinda ang mga masasama at malulungkot na pangyayari sa iyong buhay"
YOU ARE READING
Mantén La Calma, Lorry
JugendliteraturLorry, a young lady who always dream about a mysterious guy who always help her whenever she was in trouble of her dream. Not until one day, they met abruptly in a place where Lorry dream of. What if, that unexpected countenance is only part of her...