Agad napabangon si Lorry mula sa kanyang higaan. Napatingin siya sa kanyang braso at paa na ngayo'y wala na siyang nakikitang sugat, putik o kahit gasgas. Napahawak siya sa kanyang noo at pilit na inaalala ang kanyang panaginip na gumugulo pa rin sa kanyang isipan kung bakit napapaniginipan niya ang gano'ng klaseng panaginip lalo na't inaalala niya na wala naman siyang nabasa o napanood tungkol sa ganoong senaryo. Dahil madalas sa mga panaginip na nangyayari ay ang mga bagay na muling naalala o nasilayan ng tao bago matulog o mga bagay na iniisip o ginagawa ng bawat indibidwal sa loob ng isang araw.
Pilit na inaalala ni Lorry ang mga nangyayari. Napagtanto niya na kapag 'di natapos ang kanyang panaginip ay napapaniginipan niya muli at nagpapatuloy ang daloy sa kanyang panaginip.
Napaisip si Lorry ng mabuti. Tila nagugulimihan siya kung bakit paulit-ulit na nagpapakita ang lalaki sa kanyang panaginip. Kadalasang lumalabas ito kapag naiipit si Lorry sa isang mahigpit at magulong sitwasyon ng kanyang panaginip. Simula noong walong taong gulang ang dalaga, napapaniginipan na niya ang lalaking yun.
Bagamat lagi niyang napaginipan ang lalaking yun, ni isang tagpo sa totoong buhay ay 'di niya nakasalubong ang misteryosong lalaki. Ang mga senaryo kung saan nakikita niya ang mukha ng misteryosong lalaki, yun lang din ang bagay ang naalala niya at ang ibang senaryo ay unti-unting nabubura ng kanyang isipan.
Naalala niya pa rin sa ang unang panaginip kasama ang misteryosong lalaking yun.
Labing dalawang taong nakalilipas...
(Taong 2008)Dahil sa tinding pagod, agad pumunta ang batang babae sa kanyang silid. Sa loob ng kanyang katamtamang laki na kwarto, naroon ang double-size na kama na kulay puti at dilaw kasama na ang mga unan at kumot nito na may printang mga bulalak na mirasol (sunflower) dahil mahilig si Lorry sa mga bulaklak na mirasol simula no'ng nasa tatlong taong gulang na siya. May munting study table na maayos nakalagay sa ibabaw nito ang iilang libro, gamit panulat at pangkulay, at papel. Sa itaas ng kanyang study table may maliit na shelf kung saan nakalagay ang mga paborito niyang libro tungkol sa mga Prinsesa dahil mahilig rin ito sa mga kwentong Prinsesa. Sa gilid naman, katabi ng pintuan may malaking kabinet na kulay dilaw rin kung saan nakalagay ang kanyang mga damit, sapatos at mga kolorete para sa buhok. May parihabang salamin na may desenyong bulaklak na mirasol na nakalagay sa gilid ng kabinet. Sa kabila naman, may iilang instrumenyo ring nakalagay, gaya ng biyolin, pluta, gitara at ang paborito niyang ukelele (isang maliit na gitara na nagmual sa Hawaii noong 1880 na may apat na kuwerdas ) na dinisenyuhan niya ng mirasol.
Si Lorry ay isang tahimik na bata kapag ito'y nakakasalumuha sa iba. Mailap itong makakausap ng ibang bata. Tila kinukulong niya ang kanyang sarili sa ibang bata. Gustuhin man niyang makipaglaro sa iba, ngunit mas pinili niyang manatili sa isang lugar kung saan hindi matao . Nililibang niya ang kanyang sarili sa pagababsa ng mga kwentong pambata, pagpinta, at pagpapatugtog ng ukelele. Kapag may mga reunion namang nagaganap, tahimik lang din ito. Kaya nababahala ang kanyang inay at itay dahil lumalayo ang loob nito sa mga tao. Pinapakita lang ang kanyang pagkapilya at pagkamasayahin sa loob ng kanilang bahay kung saan nando'n lamang ang kanyang itay, inay,at ang kanyang kuya na nasa labing apat na taong gulang.
Agad siyang nagpalit ng damit pambahay at binuksan niya ang electricfan saka humiga sa kanyang higaan. Nag-iisip ng mga bagay-bagay ang dalagita hanggang sa 'di niya namalayan na nakatulog na siya.
~
Naggising si Lorry sa isang palarauan sa loob ng parke. Agad siyang napabangon mula sa sapin na inilatag sa damo. Pinagmasdan ng bata ang kanyang paligid. Maraming bata ang naglalaro sa seesaw, swing, monkey bar at maliit na bridge.
YOU ARE READING
Mantén La Calma, Lorry
Teen FictionLorry, a young lady who always dream about a mysterious guy who always help her whenever she was in trouble of her dream. Not until one day, they met abruptly in a place where Lorry dream of. What if, that unexpected countenance is only part of her...