Kabanata 10

657 16 0
                                    

Kabanata 10

Warning

Pagod ang katawan kong ibinagsak ito sa kama at mariin na ipinikit ang mga mata. Kakatapos lang ng duty namin at hindi pa nga ako nakakapagtanggal ng combat boots ko. Tanging ang uniporming jacket pa lang ang tinanggal ko at naiwan lang ang army shirt ko kanina nang papasok na ako sa suit na tutuluyan ko.

It was from the building of DIA kung saan tumutuloy rin ang ibang crews ng airline at pati na rin kami. The airline provides us a place to stay, kaya hindi na kami nag-hotel pa. And it's more convenient.

Biglang pumasok sa isip ko si Santi at ang pagnguso nito kanina kaya gulat kong dinilat ang mga mata ko at pinilig ang ulo.

'Takte! Why naman bigla-bigla na lang siyang nagpa-pop up sa isipan ko!?'

Napabuga ako ng hangin bago bumangon sa kama at dumiritso sa bathroom para maligo. Ang maligamgam na tubig sa bathtub ay halos magpapikit sa mga mata ko dahil sa sarap nito sa pakiramdam. It relaxes every viens of my body.

I let myself in the hot water for more than 30 minutes. Kaya nang matapos akong magbihis ng isang tight ripped jeans at puting v-neck t-shirt at nagsuot ng sapatos, ay siya namang pagkatok ni Talia sa pintuan ko. Panay ang pagbubunganga nito.

"Ang tagal mo, Lieutenant, nagmamaktol na si Justine doon." I shrugged and closed the door behind me at naunang naglakad.

Panay ang talak ni Talia sa likod ko at napailing na lang ako.

"Alam mo bang nandoon na rin si Captain Sullivan? At sa table na naman nina Alessia naki-upo. Eh p'wede namang sa mesa natin, 'di ba?" Napaismid pa ito nang sinipat ko.

"He can sit wherever he wants, Talia."

"Tsk! I know. Pero seryoso? Doon talaga siya kina Alessia? Eh halatang masyadong pabebe naman iyon kapag nasa mesa nila si Captain!"

"Then why don't you invite him?" medyo naiirita kong saad. Ngumuso si Talia dahil sa sinabi ko bago nagsalita ulit.

"Eh! Halata naman na ikaw ang type noon, Lieutenant!" Mas umismid ako dahil sa narinig.

Ano naman ang basehan nito?

"Tsk! How can you say that?" taas-kilay na tanong ko.

"The way he looked at you, Lieutenant." Talia grinned. I rolled my eyes to her.

"Hindi nagba-base sa paraan ng pagtingin iyon, Talia. Anong pinaglalaban mo sa paraan ng pagtingin no'n e tinginang playboy ang meron no'n. Tsaka, quit assuming."

"Nah uh... I'll bet my ass to that, Lieutenant." Nginiwian ko pa ito at hindi na pinansin.

Pagpasok pa lang sa restaurant na kinainan namin kanina ay agad na dumapo ang mga mata ng mga customers sa gawi namin. May ibang mga piloto at mga crews na rin na nando'n. Nakita ko ang mga ito kanina habang nagche-check ako ng eroplano.

Namataan ko ang paglingon ni Santi sa amin at ang pag-ismid ni Alessia. Pero agad akong nag-iwas nang tingin at seryosong naglakad palapit sa mesa kung saan nakaupo sina Adonis, Justine at Alaister.

"I'm hungry," reklamo kaagad ni Justine ang narinig ko.

"Why don't you eat? Dinala ba namin ni Lieutenant Monroeville ang pagkain?" sabay irap ni Talia.

Suminghap ako at napailing na lang dahil sa nagsisimulang bangayan na naman ng dalawa.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang pagkain namin. And thankfully tahimik kaming kumain. Mabuti naman at natahimik din ang dalawa kahit sandal.

Umiinum na kami ng wine nang magsalita si Justine tungkol sa unang araw namin dito sa DIA.

"I already sent the report to General Eliazar. So far, sa unang araw natin dito ay wala pa naman tayong napapansing kahina-hinala. And we're doing our best for this, kaya nagpasalamat si General sa atin." I nodded, gano'n din ang mga nasa mesa.

"Gaano kaya tayo katagal dito?" Si Alaister iyon habang sumisimsim ng wine sa wine glass nito. I shrugged dahil hindi ko rin naman alam. Naghihintay lang din kami sa utos ni General Eliazar at kung kalian namin matatapos ang misyon na ito.

Bahagya akong nag-angat nang tingin at agad na sumalubong sa paningin ko ang seryosong titig ni Santi sa akin. I arched my brows na ikinatiim ng bagang nito.

Kanya-kanya ang pag-akyat namin sa kanya-kanyang kwarto. Ipinilig ko ang ulo ko pakaliwa't kanan habang minamasahe ang batok at bahagyang pinikit ang mga mata habang naglalakad papasok sa elevator. Agad ko itong pinindot at pumasok nang bumukas ito at nakitang walang tao sa loob. Humilig ako sa gilid nang papasara na ito, pero agad napatayo ng tuwid nang bumukas ulit ang elevator. Pumasok si Santi na seryoso ang mga matang dumapo sa akin.

He's wearing a V-neck black T-shirt kaya lumilitaw ang pagiging maputi nito dahil sa suot. Ang mamahalin nitong relo ay agad na mapapansin. Bumabakat din sa suot nito ang braso at hindi ko maipagkakailang maganda iyong tingnan sa kanya.

He's standing beside me. Sa laki ng elevator ay kaunti lang ang distansyang pinamagitan nito sa amin. Napalunok ako nang mapagmasdan ang perpekto nitong panga. Ang matangos na ilong nito ay nagsusumigaw ng dugong banyaga.

Napakurap ako nang lumunok ito at mahinang nagmura.

"Quit staring, Lieutenant, I'm having a hard time," sa napapaos nitong boses. Hindi ko man lang nakuha ang ibig nitong sabihin kaya napatitig ulit ako.

Sh*t! Nakakabobo naman ang lalaking ito!

Santi hissed.

"I'm warning you, Lieutenant. I don't have enough control to myself if you keep on staring at me. I might kiss you. Right here, right now," sa nagbabanta nitong boses.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa seryoso na boses ni Santi. My eyeballs almost popped out nang bigla itong lumapit sa akin at bahagyang yumuko at ilang pulgada na lang layo ng labi nito sa labi ko! Nararamdaman ko na rin ang hininga ni Santi dahil sa sobrang lapit.

-
GorgeousYooo ✈️

Soul Of An Airplane- INCOMPLETE VERSION (PUBLISHED Under GSM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon