TAKOT AKO

11 1 0
                                    

Don't read it alone!

_____

Palabas ako ng bahay ng bigla akong tawagin ni Mama, nakataas ang kilay nito at parang isasako ako ano mang oras.

"Oh san ka nanaman pupunta?" tanong ng nagluwal sakin.

"Mag momovie marathon kami nila berjunjun sa bahay nila"

"Siguraduhin mo lang tutoy, pag ikaw talaga!" sigaw nito sakin, eto nanaman kame, bibigyan nanaman ako ng pabaon kahit sa harap lang ng aming bahay yung bahay nila berjunjun. "Pag ikaw talaga nakabuntis ka!"

Napakamot ako sa ulo, nadamay nanaman ako sa ginawa ng aking magaling na kuya, e wala nga akong jowa.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.

"Ma naman, wala nga akong jowa e. Tsaka diyan lang oh, para naman akong babae niyan e! " tinuro ko yung kaharap na bahay. "Walang tiwala si mama am"

Binatukan niya ako, "Tiwala tiwala ka diyan. Nung nagtiwala ako sa kuya mo? nasira diba!? Aba'y umayos kang bata ka! Lumayas kana" pumasok na ito sa loob ng bahay.

Piste--yawa ang sakit ng batok ko.

PAG-PASOK KO ng kwarto ni berjunjun ay nag uumpisa na silang manood. Agad akong umupo sa tabi ni jomar, isa pa naming kaibigan at kumuha ng chichirya.

"Oh bat ngayon ka lang?" tanong ni berjunjun.

"Nag rap pa si mama e, alam niyo naman yon."

"Binigyan mo ng beat?" umiling ako, "Sayang gago!"

Tinignan ko siya ng masama.

"Gago kaba? Nakaraang binigyan ko ng beat sinampal ako kaliwat left right!" inis kong sambit

"Kaya nga, ganun ang gusto kong mangyari" binato ko siya ng unan na nadampot ko.

"Eh bakit naman kase biglang naghigpit si Tita? Dati naman kahit di kana mag paalam" tanong ni jomar

"Alam niyo naman nangyari kay kuya diba? Ayaw ni mama na makabuntis din ako ng maaga kaya naging istrikto."

"Edi dapat sinabi mo na gumagamit ka naman ng proteksyon! Bobo mo naman tutoy!" ani berjunjun

Tumawa naman ng malakas si jomar, "Kaya nga par!" sang ayon pa nito.

Napailing nalang ako sa dalawang kaibigan.

Nagpatuloy na kami sa panonood habang kumakain. May hawak rin ng mga unan ang dalawa, para daw panakip kapag mararamdaman nilang may manggugulat.

Tawa naman ako ng tawa hanggang sa matapos yung pinapanood namin.
Habang sila ay pawis na pawis.

"Yawa pre, ang pangit niyo magulat!" natatawa kong sabi, hinampas naman nila ako ng unan.

"Tangines yan! pangit yung palabas" umiiling na sabi ni berjunjun habanga si jomar naman.

"Samahan niyo ako sa cr pre!" pag aaya ni jomar, tumawa agad ako ng malakas.

"Pangit niyo kasama manood. Mga takot!" pang aasar ko pa sa kanila, tinignan muna nila ako ng masama bago pumunta ng banyo.

Pag balik ay nag inuman kami, nag yaya si jomar na magkwentuhan daw ng nakakatakot. Agad naman akong pumayag.

Unang nagkwento si Berjunjun.

"Diyan sa kwarto nila mama, diyan daw dating kwarto ng lola ko. Diyan narin daw namatay dahil sa katandaan, hindi na sinugod sa hospital dahil ayaw na rin ng lola. May naglalakad diyan pre, tangina! Minsan pa nga bigla nalang kaming may maamoy, amoy ng matanda" pag sisimula niya, " One time pumunta ako sa kwarto nila mama, gabe yun. Naalala mo yung mag iinuman tayo sa inyo jomar, ambagan tayo?" tumango naman si jomar, " Dahan dahan pako non parang ninja, tangina tapos may biglang naglakad sa likod ko. Tangina'ng yan, akala ko si papa kase mabigat yung paa, pag tingin ko naman kila papa ay natutulog parin. Kabado bente ako non pre, labas agad ako ng kwarto nila" umiiling pa ito.

"Yawa yan pre, kakatakot kwento mo!" natatawang sabi ko, "Ikaw naman jomar"

Uminom muna ito bago magsalita, " Bago kami pumunta ng probinsya, madaling araw na yon,sabe ko kay mama na maliligo muna ako kase isang araw yung byahe, ayaw niya yon pero nagpumilit ako kase maiipon yung libag ko"

Binatukan siya ni berjunjun, "Tangina ka, seryoso nga!"

"Wait lang kase, eto na. Papunta ako ng banyo non parang ang bigat bigat na, parang may sumasakal sakin sa isip ko, parang ayaw akong tumuloy sa probinsya" huminto muna ito para uminom, "Pag pasok ko ng cr, parang may nakatingin sakin, tapos, tapos" binatukan ko siya

"Tapos ano depungal ka!"

"Tapos naisip kong hindi ko pala siya kayang iwan!" pag tatapos ng gago, tuwang tuwa habang kami inis na inis.

"Tangina mo talaga! Ikaw na nga pre!" inis na sabi ni berjunjun habang si jomar naman ay tumatawa parin.

"Game, makinig kayo ng mabuti ha!" sabi ko sa kanila, huminto na sa pag tawa si jomar. " Gabe rin non, alas dose ata yon. Naiihi ako pre kaso natatakot ako, nung gabi rin kaseng yon nanood kami ng conjuring. Putek hindi mawala sa isip ko yon kaya takot akong umihi, nagpasama pa nga ako kay kuya kaso bagsak na talaga" huminto muna ako saglit, kinuha ko yung unan. " Pinigilan ko yung ihi ko non, nakatulog ako pero nagising rin ako dahil feeling ko maiihi ako sa higaan. Nag dadalawang isip pa ako non tae, dapat nga sa bintana ako iihi e. Kaso baka may makakita kaya no choice, sa banyo ako umihi"

"Dat sa bintana ka nalang umihi e, makikita lang naman pshh!" sabat ni jomar

"Kaya nga, palagi pa naman tumatambay sila bebot don sa tindahan" sabi pa ni berjunjun, si bebot yung bakla na manyak.

"Tangina niyo ayoko nalang magkwento!" inis kong sabi

"Joke lang, eto talaga di mabiro bugbugin ka namin e! Ituloy mo na."

"So ayon nga, papunta na ako sa banyo. Pagpasok ko tangina, TAKOT AKO!" nanginig pa ako kunwari, tinignan ko silang dalawa, curious na curious kung anong nakita ko. Nagpatuloy ako, " TAKOT AKO TANGINA PAG SILIP KO SA BOWL MAY TAE PERO WALANG TAO"

Agad akong nagtakip ng unan, at ayun binugbog nila ako.

"Tangina ka akala ko may unding kang nakita!" galit na sabi ni berjunjun habang sinasabunutan buhok ko

Tawa ako ng tawa sa kanilang dalawa. Kulang pala yung isang unan, dapat pala dinalawa kona.

"AKALA KO KUNG ANO YUN PALA TAE LANG! MAY PANGINIG-NGINIG KAPANG NALALAMAN PUTA KA!" TAKOT AKO, TAKOT AKO! GAGO! " sigaw ni Jomar at hinampas ako ng unan.

" Sabi ko senyo TAKOT AKO e! "

The end.

I TOLD YOU, DON'T READ IT ALONE, PARA SABAY KAYONG TATAWA! SELFISH!

TAKOT AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon