FAVORITISM

19 11 1
                                        


flashback~~
-5 years old me:

"Mama bilhan niyo po ako kagaya nung laruan ni bunso" sambit ko kay Mama na kakauwi lang galing divisoria at binilhan niya si bunso ng isang magandang barbie

"Sa susunod na sayo Cassandra" sagot ni Mama at umalis na sa harapan namin ni bunso

Limang taong gulang palang ako at si bunso naman ay tatlong taong gulang pa. Wala na si Papa dahil na aksidente ito sa pinapasahan nitong jeep. Pinanood ko nalang si bunso habang naglalaro sa kanyang magandang barbie

"Bunso laro tayo" anyaya ko sa kanya pero agad niya akong sinipa kaya natumba ako

"Mama si Cassandra oh sinisira ang barbie ko!" sigaw nito at agad naman pumunta si Mama sa kinaroroonan namin at pinalo ako ng walis

"Arayyyy Mama tama na hindi ko naman sinisira ang laruan ni bunso" pagpapaliwanag ko at umiyak nalang dahil kahit anong gawin ko ay lalabanan pa rin ni Mama si bunso

-12 years old me:

"Mama first honor ako sa klase" nagagalak kong sabi kay Mama sabay abot ng medalya at Certificate na natanggap ko. Hindi kasi siya pumunta kanina sa reading of honors namin kasi raw busy siya

"Umalis ka nga dito sa harapan ko Cassandra ang ingay ingay mo may pinag uusapan pa kami ng kapatid mo" pagtataboy ni Mama sa akin sabay tulak

Umiyak nalang ako papunta sa kwarto ko at sinilip ko kung ano ang pinag uusapan nila

"Mama hindi ako pers honor" paliwanang ni bunso kay Mama

"Okay lang yan anak, wag kang mag aalala pupunta tayo ngayon sa Jollibee" nagagalak na sabi ni Mama

"Di mo po ba isasama si Ate? Di ba pers honor siya" sambit ni bunso

"Wag na nating isama ang Ate mo malaki na yun tsaka may pagkain naman dito" sambit ni Mama sabay tayo sa upuan "siya sige magbihis kana at pupunta na tayo ngayon" dagdag pa nito

"Yey pupunta kami ng Jollibee ni Mama" nagagalak na sabi ni bunso sabay punta sa kwarto niya para magbihis

Bumalik nalang ako sa higaan ko at naglukob ng kumot at doon umiyak.

flashback end~~~

Kahit ano palang maganda at tama kong gawin ay talo pa rin ako kapag paboritismo na ang pag uusapan. Kahit na malaki na ako ngayon ay ganun pa rin ang trato ni Mama sa akin. Siguro kung buhay pa si Papa ay di ako ginaganito ni Mama. Lagi nalang akong talo eh. Naiiyak nalang ako kapag favoritism na ang pinag uusapan

ONE SHOTS STORIESWhere stories live. Discover now