"Hoy ano ulam?!" sigaw ni Melanie sa akin habang kakagaling lang niya maglakwatsa
"May tuyo dyan anak" mahinahon kong sagot
"Tuyo?! Lagi nalang tuyo ulam natin tay wala bang fried chicken o spaghetti dyan!" galit sa sabi nito
"Anak wala pa kasi akong pera eh" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi umalis na ito at lumabas ng bahay
Lagi nalang ganito and eksena namin ng kaisa isa kong anak na si Melanie. Iniwan na kasi kami ng nanay niyang si Selma dahil sumama na siya sa ibang lalaki. Tanging pagtitinda lamang ng balot ang trabaho ko dahil hindi ako nakatapos ng pag aaral dahil kapos kami sa pera noon. Si Melanie naman ay patigil tigil sa pag aaral dahil nabaliw na siya sa mga barkada niya at halos lasing kung ito ay umuuwi. Kahit anong gawin ko kay Melanie ay di pa rin ito tumitino
"GANITO DAPAT LAGI ANG ULAM NATIN!!" sigaw ni Melanie sa akin habang pinapakita ang Fried Chicken at isa pang masarap na ulam na dala niya
"Pasensya kana talaga anak" pagpapaumanhin ko
"PASENSYA?!" sigaw nito habang kumakain "ANONG MAGAGAWA NG PASENSYA MO HA?! TANG*NA NAMANG BUHAY TO" galit na sabi nito
Matapos siyang kumain ay umalis na at di man lang nagpaalam. Umiyak nalang ako dahil sa masasakit na salitang binitawan ni Melanie. Nagpapakatatag nalang ako para buhayin siya at para makapagtapos ng pag aaral
Gabi na ng makauwi si Melanie at lasing na naman ito. May naghatid rin na lalaki dito sakanya na ang pangalan ay Josh, nakita raw niya si Melanie na nakahilatay na sa daan dahil sa kalasingan kaya sinubukan niyang dalhin dito sa bahay
Pinatulog ko nalang si Melanie dahil sa kalasingan, hinatid ko na siya mismo sa kwarto niya ng bigla itong sumigaw
"TULONG!!TULONG!! NIRE-RAPE AKO!!!" sigaw nito at agad naman na pumasok sa bahay ang mga kapitbahay namin at isa isang nag chichismisan
"TULUNGAN NIYO AKO NI RAPE AKO NG WALANG KWENTA KONG PAPA!" naiiyak na sabi ni Melanie
Di ko alam kung anong pinagsasabi ng anak ko pero sa totoo lang hindi ko yun magagawa may konsensya ako sa sadili kong anak kaya hinding hindi ko iyon magagawa
Maya maya pa ay may pulis na dumating sa bahay at agad akong pinusasan
"Sir hindi ko yun magagawa sa anak ko" pagmamakaawa ko sa mga pulis pero hindi pa rin sila nakinig
"Wag kayong maniwala dyan ni rape niya talaga ako!" galit na sigaw ni Melanie
"Sir hindi---" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi pinasakay na ako sa sasakyan ng mga humuli sa akin
Tanhing pag iyak lamang ang nagawa ko. Paano kaya ito nagawa ni Melanie, nagsisinungaling siya. Hindi ko siya tinuruan na magsinungaling at lalong lalo na ang mangbintang sa iba
Pagkadating namin sa prisinto ay agad kami sinalubong nung isa pang pulis
"Anong kaso nito?"
"Rape sargento"
"Sir maniwala kayo hindi ko yun magagawa" pagpapaliwanag ko
"Ipasok na yan"
SOMEONE'S POV
Makalipas ang ilang taon ay namatay din ang Papa ni Melanie sa loob mismo ng prisento. Ng dahil din kay Josh na nagpatunay na nakulong ang Papa ni Melanie ng walang kasalanan at tanging kasinungalingan lamang ang pinagsasabi ni Melanie. Tanging pag iyak lamang ang nagawa ni Melanie ng malaman niya na namatay na ang Papa niya
YOU ARE READING
ONE SHOTS STORIES
Historia CortaMore stories you need read. Explore and learn more things