Prologue

31 0 0
                                    

Napuno ng sigaw ng isang babaeng mortal ang buong kwarto. Abalang-abala ang mga bampirang doktor at nars na siya ring napatigil nang marinig ang daing ng babae.

"Paki-check ang heartbeat ng nanay," utos ng isang doktor. Patuloy pa rin ang pagsigaw ng babaeng pinagbubuntis ang isang bampira.

"3 months pa lang pero sinisira niya na agad ang katawan ng nanay niya," komento ng isang nars.

Napailing na lang sila dahil alam nilang wala na silang magagawa. Ilang minuto na lang ang itatagal ng babae dahil madali nang masisira ng sanggol na nasa sinapupunan ang tiyan ng kanyang ina kung saan pareho silang babawian ng buhay.

Isang imposibleng misyon. Misyon na sinimulan limampung taon nang nakararaan. Hindi pa rin sila makaaninag ng tagumpay. Wala pa ring nabubuhay na kalahating bampira at kalahating tao. Malalakas ang mga sanggol na may lahing bampira. Hindi kinakaya ng katawan ng mga inang mortal kaya't namamatay sila.

Limampung taon na ring ilegal na dumudukot ang organisasyon ng mga babaeng mortal na gagamitin nila sa pagtupad ng misyon. Lahat ng nabubuntis ng isang bampira ay namamatay.

Ang misyon nilang bumuhay ng half human at half vampire ay maisasakatuparan lang ng isang lalaking bampira at babaeng tao. Hindi maaaring mabuntis ng lalaking tao ang isang babaeng bampira sa kadahilanang hindi tatanggapin ng higit na mas malakas na katawan ng bampira ang manggagaling na sperm sa tao na siyang kabaligtaran sa lalaking bampira at babaeng tao.

"Patay na siya. Linisin niyo na." saad ng doktor at tumungo pa sa ibang mga babae na kanilang pinalalakas upang ihanda sa panganganak.

Ang buong alam nila ay hanggang ngayon, wala pa ring nagtatagumpay na makabuhay ng human vampire hybrid ngunit lingid sa kanilang kaalaman, labinwalong taon na ang nakalilipas nang magsimula itong mabuhay sa mundong kanilang ginagalawan.

Her ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon