𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3: 𝓝𝓮𝔁𝓽 𝓘𝓷 𝓵𝓲𝓷𝓮

3 1 0
                                    

"Breaking news! Bangkay ng lalaking nagngangalang Giro Trinidad ang natagpuang naka balot sa isang trash bag, hiwahiwalay ang iba't ibang parte nito at maging ang ulo ay hindi na naka dikit sa kanyang katawan. Kalunos lunos na pangyayari...."

Naka tulalang tingin ni Jamie sa kanilang TV habang pinapanood ang news kung saan ipinapakita ang mismong itsura ng nangyari sa kanyang nobyo.

Unti unting bumagsak ang mga luha ng dalaga, agad itong niyakap ng kanyang mama at saka sya humagulgol ng iyak. "Ma, bakit to nangyayare. Bakit kay Giro pa, wala naman syang ginawang masama eh huhuhu"

humagulgol ito ng humagulgol.

Makalipas ang ilang oras medyo kumalma na ito ngunit natutulala parin dahil naiisip neto ang kalunos lunos na nangyare sa kanyang nobyo.

"Anak, may sasabihin si mama" rinig nyang saad ng kanyang mama kaya hinarap nya ito at nakinig ng maigi.

"Baby, I will be on a out of town business for 3 days, kaya ikaw na muna at si Yaya ang maiiwan dito okay?" saad ng kanyang mama, hinalikan sya nito sa noo at saka umalis.

Mga ilang oras ang maka lipas "9pm" naka ramdam ng pagka-crave ang dalaga sa favorite nitong ice cream, tinanong nito ang kanyang yaya kung may ice cream pa ba silang stock

"ay pasensya na iha naubos na ang ice cream sa ref, kung gusto mo lalabas ako para bilhan ka" agad namang umiling si Jamie at sinabing sya na lamang ang lalabas dahil malapit lapit lang naman ang 7/11 sa kanila.

Lumabas ang dalaga at nag lakad papuntang 7/11 bumili ito ng tatlong iba't ibang klase ng ice cream, ng palabas na ito ay may nabangga itong tao ngunit busy ang dalaga sa kanyang cellphone kaya hindi na lamang nya iyon pinansin at nag sorry na lamang habang naka tingin parin sa kanyang telepono.

Habang nag lalakad ang dalaga biglang napundi ang ilaw ng dalawang street light kung saan sya banda naka tayo, malayo layo ang kasunod na street light na naka sindi.

Kinakabahan ito dahil madilim at halos walang ibang taong nag lalakad, naka ramdam ito na parang may naka tingin at sumusunod sa kanya kaya nag madali itong mag lakad.

Ngunit bago nito maabot ang kasunod na street light na naka ilaw ay agad itong nahilo at tumumba ng may humampas na matigas na bagay sa kanyang ulo.

Nang magising ito naka tali na sya sa isang upuan na may dalawang arm rest kung saan naka tali din doon ang magkabila nyang kamay, naka tali ang kanyang katawan at ang mga paa.

"Hello, Jamie" rinig nyang salita agad ito nag panik at sinubukang kumawala sa kanyang pagkakatali ngunit bigo ito.

"SINO KA?! AT ANONG KAYLANGAN MO SAKIN!?" pasigaw na tanong ng dalawa, unti unting may naaninag itong tao naka long sleeves at naka maskara.

"Hi Jamie, kamusta, naenjoy mo ba ang balita?" nakakalokong bati ng naka maskara, hindi pinansin ni Jamie ang tanong nito bagkos napansin nyang pamilyar ang boses na kanyang narinig ngunit hindi pa ito sigurado kung sino o kaninong boses iyon.

"S-sino ka ba hah? A-t bakit a-ako nandito, anong g-gagawin mo sakin?" takot at kabadong tanong ng dalaga, tumawa lang ng mahina ang naka maskara saka ito lumapit pa ng kaunti sa dalaga.

"Jamie naalala mo ba yung truth or dare? Yung kung paano nyo gustong mamatay?" gulat ang naging ekspresyon ng dalaga, napaisip ito kung paano nalaman ng naka maskara ang laro nilang inyon, agad din nag flashback sa dalaga ang pangyayaring yun...

Tumagaktak ang pawis nito sa noo ng maalala ang kanyang sagot sa larong iyon, habang ang naka maskara naman ay kinuha ang mga gamit nito at ipinakita sa dalaga.

"So Jamie, handa ka na ba?" umiling iling sa takot ang dalaga at nag makaawang wag iyon gawin sa kanya ngunit sadyang ayaw magpatinag ng naka maskara at ngumiti ito ng nakakaloko.

"Para may trill ang laro natin ganito bibigyan kita ng isang kahilingan... pero... Hindi kasama ang salitang pakawalan kita. Pagkatapos nun iisa isahin natin ang mga sinabi mo noong gabing yun" ngumisi ito sa dalaga at saka nag labas ng bote.

"Handa ka na ba... Jaime?".

The Psychopathic Game: Truth or Dare?Where stories live. Discover now