-Matthew's POV-
PAGKAHATID ko kay Lanna hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa kanya. Hays buti nalang monday bukas makikita ko siya sa school hehe, papasikat na ulit ako joke. Dumeretsyo naman ako sa dorm ko na medyo malayo sa dorm ni Lanna. Pag kadating ko naligo na ako at chinat ko si Lanna pero hindi na siya nag reply. "Ano naman nangyari dine? " tanong ko sa sarili ko, "kala mo'y masasagot mo eh ano nga Matthew." dagdag ko
Chinat ko naman si Ali at tinanong kung may nangyari ba kay Lanna, nag reply naman kaagad siya at sagot niya ay mahimbing na natutulog si Lanna. Nag reply nalang ako ng okay at napabuntong hininga.
"pagod na pagod ang isang bata aba ayan tuloy nakatulog" sabi ko sa sarili ko at nag simula ng mag gawa ng requirements. Nang matapos ako mag gawa, kumain na ako at natulog na.
MONDAY
Sarap ng pakiramdam ko pagkagising ko dahil saktong napanaginipan ko si Lanna kagabi. " best way to start my morning! joke mas better kung katabi ko siya pag gising hehe. Sa future na yon nasa present palang tayo at ang present ko ngayon ay excited na ako pumasok dahil makikita ko siya. Mag mamadali ako maligo, kumain at mag bihis para may free time pa ako kung sakali para kay Lanna hehe" masaya kong sinabi sa sarili ko.
Agad na akong tumayo sa pagkakahiga ko at nag madali nang kumain at maligo para makaalis na agad at makapasok sa school. Habang nag lalakad na ako papunta sa school ay napatinggin ako sa may Mcdo kung saan nakita ko si Lanna kasama si Ali. Napansin ko na nag-iintay nalang sila ng order nila kaya nag madali na akong tumawid at pumasok ng mcdo. Saktong pasok ko ng Mcdo ay hawak hawak na nila ung order nila pero naka harap paren sila sa may counter.
Naririnig ko naman ang usapan nila ni Ali na tungkol sa panaginip niya kagabi, at base sa tono ng boses niya, kinikilig siya ng sobra sa mga kaganapan sa panaginip niya dahil kasama ako dito. "yie kilig hehe" bulong ko sa sarili ko. Namangha naman ako dahil ganon din ang nangyari saakin kagabe. "Ano hindi ka man lang lalapit Matthew? tatayo nalang, makikinig sa usapan nilang dalwa?" sabi ko sa sarili ko na may halong inis. Kaya naman wala ako sa sariling tumakbo at tinakluban mata ni Lanna.
"AYYY!!" sigaw ni Lanna
"shh wag ka namang sumigaw aba" painis na bulong ni Ali "nakakahiya na HAHAHA nung isang araw ka pa nasigaw" dagdag pa niya. Tumingin naman ako kay Ali at bakas sa akto niya tuwang tuwa siya at kinikilig din dahil sa nangyayari samin ni Lanna.
"teka muna Lanna ha, mag c-cr lang ako, tulungan kita mamaya. Diyan ka muna kung sino man asa likod mo" sagot muli ni Ali
Umalis na si Ali at nandito parin kami ni Lanna sa may counter habang naka taklob padin ang kamay ko sa mga mata niya.
"Ano ba naman yan Max, nakakahiya tuloy, napasigaw pa ako ng malakas dito" sagot ni Lanna na may hawak nang kape at naiinis na.
"si Max ba talaga ang nakakapit sayo ngayon Lanna? hshs" sabi ko sa sarili ko habang nag tatago ng selos.
Nairita na si Lanna dahil akala niya si Max iyon na nataklob ng mata niya. Pinilit niyang alisin ang kamay ko sa mga mata niya kahit na may hawak siyang kape kaya nuang maalis ko ang mga kamay ko at nang siya ay naka harap na saakin.
"MATTHEW?!!?" sigaw niya saakin, at natapon niya ang kape niya sa aking uniform.
"SHIT. SORRY SORRY KASE NAMAN E NAGULAT AKO DAHIL SAYO HUHU TAS KALA KO IKAW SI MAX KAYA-" sinasabe at tuloy parin na pasigaw saakin ni Lanna.
BINABASA MO ANG
Twitter Game: Serendipity or Fate? *on going*
Teen FictionTwitter Game: SERENDIPITY OR FATE? Serendipity in simple terms "happy coincidence" or is Fate meaning it is meant to happen? Lanna Marie Hermosa, in short me, is moving on from Brylle after breaking up with him. Ang lupet diba ako nakipag break per...