02

21 0 0
                                    

Nagkatingnan kami at napatinggin ako sa kasama niyang babae. Inaya naman kami nung babae niyang kasama na umupo muna at mag usap, tiningnan ko ulit si Brylle at mukhang hindi siya masaya. Pumayag naman kaming dalawa ni Vince dahil nahihiya din kaing tumanggi. Nauna na silang umupo dahil bibili pa kami ni Vince ng iinumin namin.


Habang nasa counter naman tinitingnan namin ni Vince si Brylle at yung kasama niyang babae. Binasag ko naman ang katahimikan sa pagitan namin ni Vince. "tingin mo kaano ano ni Brylle yung babaeng yun?" tanong ko


"Baka jowa niya" sagot ni Vince-- natigilan naman ako.


" shit oo nga 'no, baka? ang tagal na din naming wala, 6 months. Ang ganda din nung kasama niya kaso mas maganda ako, hehe alangan namang idown ko sarili ko. --pero wala naman siyang nasasabi kahit kanino -- kaso di ren yon mahilig mag kwento --pero aa puta. Daming napasok sa isip ko"  sabi ko sa sarili ko at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa tabi ng mata ko


"Hoy Lanna! ano na, okay ka lang?" tanong sakin ni Vince "ha? hatdog" sagot ko habang nakatinggin lang kay Brylle at sa babae niyang kasama niya. "ano papel niya sa buhay ni Brylle? " sabi ko na ulit sa sarili ko. "tanga ka ex ka na pero inaangkin mo parin tama na Lanna. Last na 'to  kung may kung ano man. "


Umuna na akong umupo sa lamesa na inupuan nina Brylle habang si Vince ay nag intay ng inumin namin.  Binati naman kaagad ako nung babaeng kasama ni Brylle 


"So-- Hi I'm Julie, Brylle's girlfriend"


Naramdaman ko ang pagbuo ng luha sa mata ko pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak. "grabe yon, surprise??? haha bakit hindi man lang sinabi ni Glen? Hindi niya alam? "


"Hi I'm Lanna, Brylle's--" napatingin muna ako kay Brylle at nginitian niya ako "friend" dugtong niya. "ah friend parang ex" sabi ko sa sarili ko.


Dumating na si Vince dala ang inumin namin at tiningnan ko muna sila bago ako mag salita ulit "Ay, uuna na kami ha may gagawin pa kaming plates ih" 


Tumingin naman sakin si Vince at binigyan ko siya ng tinggin na gusto ko na ngang umalis dahil may sasabihin ako sa kanya. Tumungo naman siya sa akin at saka umimik "Oo nga, pasensya na sa susunod nalang kami babawi. Dami lang sadya naming gagawin."


"Ah sige ingat kayo, stay strong na din" sagot ni Julie. "ah hin--" bago pa makapag salita si Vince sinagot ko siya "oo sige stay strong din sa inyo ni Brylle" at saka naman kami tumayo at lumabas ng cafe. 


Pagkalabas namin ng cafe napahagulhol naman ako sa sakit na naramdaman ko. Tinulungan ako ni Vince mag lakad papunta sa isang malapit na lamesa. Nang makaupo na kami nilabas ko lahat ng sama ng loob ko. 


"Oh ayan na nga sabi ko naman sayo wag ka ng umasa. Yan tuloy napala mo, nawasak mo sarili mo dahil sa isang taong iniwan mo." -Vince


"Sorry ha? ganto ako karupok sa maling tao eh" lalo akong napaiyak dahil naalala ko lahat ng mga katangahan kong nagawa para kay Brylle.


Dumating naman biglaan ang isa kong pang barkada si Clarisse. Alam din niya ang pinapag daanan ko kay Brylle at noong kinuwento ko na ang nangyari sa cafe saka siya nag salita. "Oh alam mo na. He doesn't see you being part of his present or future. You're now part of his past that he doesn't care about anymore. Unahin mo na sarili mo. Self love is True love.

Twitter Game: Serendipity or Fate? *on going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon