Pahina 1

29 1 0
                                    

'tamang tama, andito na pala sila.' nakangitimg sabi ni Nate at tumayo ito't kinawayan ang magkasintahan

hindi na natuloy ang kaniyang sinasabi dahil nandito na ang magkasintahang tinutukoy niya. Taas noong naglakad si Eli patungo sa amin, suot ang kaniyang red tube dress na fit sa hubog sa kaniyang katawan at pinatungan ito ng blazer niyang black and paired with black pointed heels at karga ang kaniyang red purse. Elizabeth herself screams a powerful aura, na kahit maamo ang mukha nito at parang anghel pero dahil sa kaniyang tindig, kilos, pananalita, at pananamit ay maiintimidate ka talaga.

Sa kaniyang likod naman si Laurence na ang tangkad ay hindi pampilipino, ang katawan nito ay humubog na rin, nakasuot lamang siya ng puting long sleeves at itim na pantalon at belt. Ang kaniyang buhok ay nasa tamang ayos at kaniyang gupit ay malinis at bagay na bagay sa kanbagay

Nang makarating na sila sa table ay tumabi si Nate sa akin upang ilahad ang bakanteng couch sa aming harapan.

Ngayong magkaharap na kami ni Eli mas lalo ko pang na appreciate ang kaniyang kagandahan. With her glasses on, pansin parin ang mahahabang pilikmata sa kaniyang mga mata, ang tangos nang kaniyang ilong, at ang mapupula at maliit nitong labi. Makinis ito na morena kaya mas lumitaw ang kaniyang pagka Filipina.

Bago pa man umupo ay bumeso siya ky Nate at sa akin sabay sabing

"Sorry, napaghintay namin kayo."

Agad akong napailing at sinabing
"No, we're just early." at nginitian siya kaya umupo naman kami at tinawag na ang waiter upang makapag order narin sila

"So, madam Eli as your request. Their team will organize your wedding and she will be your wedding coordinator." panimula ni Nathan sabay lahad sa akin

"Persephone Angeles of Prestige Events." pormal kong pakilala sabay abot sa aking kamay kaya't nginitian niya ako at nakipag shake hands sa akin

"Elizabeth Fuente and this is my fiance Theo." sabay pakilala naman ky laurence na nasa tabi niya kaya napunta sa kanya ang aking atensyon at simpleng nginitian ko rin ito at naglahad rin sa aking kamay

"Theodore Arellano" seryoso niyang sambit agad kong binawi ang aking kamay matapos ang aming batian at pagpapakilala

"I am glad na bakante pala ang iyong schedule today Ms. Angeles, it's really my dream to have my wedding catered by the one and only Prestige Events." puri niya pa sa aming team kaya napangiti ako at ibinalik rin ang kaniyang mga papuri

"It is actually our privilege to cater the wedding of the powerful Attorney Elizabeth Fuente and Mr. Theodore Arellano or should I call as the wedding of the decade is a great shot for our team." nakangiti ko ring sabi kaya't namula naman siya at napainom rin ng kape si Laurence sa aking sinabi

"Well then, calling me "attorney" is too formal, just Eli since we'll be working together for the mean time." sabi niya pa

"and you can also call me Percy as well Ms. Eli and Mr. Theodore." sabi ko rin at napatango nalang ito

"so shall we start?" dagdag ko pa

tumango lang ulit sila at nakinig na sa akin

"So these are the selection of your desired wedding." sabi ko sabay pakita sa mga magazines na dala ko

"First of all, which type of wedding do you want?" tanong ko naman

"Church Wedding." agad na sagot ni Eli na may pinalidad kaya napatingin naman ako ky Laurence sa sinabi ng kaniyang fiancee marahil alam ko na ang nais niyang kasal ay isang Beach wedding dahil hindi siya naniniwala sa mga relihiyon

Dream of a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon