Panimula

0 0 0
                                    

Pagkatapos kong marinig ang lahat bigla akong natauhan. Hindi ko kaya. Mas mahal ko sya.

Agad agad akong nagpunta sa bahay nila. Sa sobrang lakas ng kalabog ng puso ko, nahihirapan na akong huminga, ang sakit ng puso ko. Ngunit ngayon pa ba ako mamimili? Mas gugustuhin kong maging masaya siya, kahit ikakasakit ko.

"Kuya, si ate Fallon." tawag ni kate sa kuya niya.

"Fall!" niyakap niya ako agad. No. Itinulak ko siya agad. Halatang biglang bigla siya sa ginawa ko.

Masakit rin iyon para sa akin pero, sa ngayon 'di ko siya kayang piliin.

"Aalis na ako! Hindi ko na kaya kahirapan mo! Akala ko nung una ayos lang basta masaya pero nagkamali ako, hindi tayo pwede! Mahirap ka, mayaman ako. Hindi tayo same level!" sigaw ko sa kaniya, walang pakealam kung may makarinig ba sa akin. Mahirap sa aking magsalita ng ganoon sa kanya habang pinipigilang hindi tumulo ang luha.

"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan niyang tanong pero meron akong nararamdaman na parang alam niya.

"Ayoko na sayo!" sabay talikod ko ngunit hinawakayan niya agad ang kamay ko.

"Lalaban tayo, ipaglalaban natin ang pag-ibig natin!" nangungumbinsi niyang sabi.

Hindi ko alam kung paano ako nakumbinsi ni Hale, ngunit bumalik na lang ang diwa ko nang nasa kotse niya na kami.

"We'll take the risk!" si Hale.

tumango na lamang ako.

Ambilis! Ang rupok mo, Fall! Nakakainis ka! Napakaselfish mo!

Nakarating kami sa bahay, lumabas kami sa kotse niya at dumiretso sa gate. Sinalubong kami ng aming mayordoma, si Manang Letty.

"Anak, galit na galit siya sayo. Bakit mo pa dinala si Hale?" nagaalalang tanong ni Manang Letty.

"I'm sorry, Manang. Baka po may paraan pa. Gusto kong lumaban. Buong buhay ko siya na ang kumontrol sa buhay ko. I'm already eighteen, Manang. Sorry." sabi ko at nilagpasan si Manang. Dumiretso ako sa loob na hawak ang kamay ni Hale.

Pagtapat ko pa lamang sa pinto ay natanaw ko na si tita Gina, kapatid ni mama, na hindi ko alam kung naawa ba sa akin o dismayado. Dire-diretso pa rin ako sa sala, kung nasaan ang pinakamamahal ko. Ang nanay ko.

"Ma, sorr-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na niya akong sinampal. Ang sakit, sobra. Napahawak na lang ako sa pisngi ko habang umiiyak.

Mabilis akong inalo ni Hale, "Tita! Wag niyo pong sasaktan si Fall-" hindi natuloy ni Hale ang sasabihin kay mama dahil nakatanggap din siya ng malakas na sampal mula kay mama.

Hindi ko na kaya 'to.

"Ma! Tama na p-" nakatanggap akong muli ng sampal mula kay mama sa kaliwang pisngi naman. Muli akong napahawak sa pisngi ko.

"Falencia! Anak mo yan! Wag mong saktan! Tama na yan!" alo ni Tita Soledad kay mama.

"Hindi ate! Dapat lang sa kaniya ang ginawa ko!" sagot ni mama kay Tita Soledad. " At ikaw, Fall! Ang kapal ng mukha mong dalhin dito sa bahay ang lalaking 'yan! Ang kapal ng mukha mo!" dinuro-duro ako ni mama habang sinasabi iyon sa akin.

Umiling-iling ako kay mama, hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi ni mama. Ibang iba siya ngayon, parang kung hindi siya hawak ni Tita Soledad, mapapatay niya ako.

"Hihiwalayan mo yan o ako ang hihiwalay sayo? Mamili ka!" sigaw ni mama sa akin.

Umiling ako. Naguguluhan. Lito kung sino ang pipiliin. Nakakatawa, kanina ang lakas ng loob kong pumunta kela Hale tapos ngayon lito ako kung sino pipiliin ko.

"Ano? Fall!" Napatalon ako sa sobrang lakas ng sigaw ni mama.

Hindi na ako nakapag-isip at bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga katagang, "Sorry, Hale. Lumayo ka na. Maghiwalay na tayo!" walang luha pero sobrang bigat sa pakiramdam.

Nagulat si Hale sa biglaan kong sabi, kahit si Tita Soledad hindi rin makapaniwala.

"A-ano yun, Fall?" nauutal niyang tanong. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, masakit.

"Lumayo ka na. Ayaw na kitang makita. Maghiwalay na tayo." malamig kong sambit sa kaniya.

Bumuka ang mga labi niya, halatang may sasabihin pero tumalikod na. Ngunit huminto siya at lumingon sa akin, sa huling pagkakataon. "If that's what you want, baby. I love you." at tuloy tuloy na siyang naglakad palayo sa akin.

Hale. At tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko, ayaw tumigil. Gusto ko siyang habulin pero pinigilan na ako ni mama.

Hindi ko kayang tingnan si mama, kaya dumiretso ako sa kwarto at nagkulong buong araw.

Konting panahon na lang, magiging magkapatid na rin tayo. At sa panahon na iyon sana wala na akong nararamdaman sa iyo kundi pagmamahal na lang bilang isang kapatid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Glad We Tried AgainWhere stories live. Discover now