CHAPTER 6

75 5 1
                                    

agad ako akong humarap sa kanila na kabado

“bakit my problema ba?” Tanong ko sa kanila

“wala gutom na kasi kami kaya maghanda ka ng makakain namin”sabi ni Chad nakaupo nanunod ng tv

“bakit hindi na lang si Clarke?” sabi ko sa kanila si Clarke ang magaling lang magluto sa kanilang apat

“miss ko na kasi luto mo Nicole” sabi din naman ni Xlots

“Umuwi na lang kayo tinatamad talaga ako” sabi ko ulit

“dito kami matotulog sa ayaw at sa gusto mo” sabi ni Blood sabay harap sa akin

“at bakit naman? May bahay naman kayo ah”

“dito kami matotulog sabi ni tita at isa pa wala yung mga parents namin kasama ni tita miron daw silang tour meeting kaya dito kmi matotulog" paliwanang sa akin ni Clarke sa akin 

“kainis naman kaya ko naman sarili ko e bakit kailangan pa kasama kayong mga shokoy” Aniya ko

“ano nicole magluluto kaba O sasapakin namin bukas si papa kai mo?" Sabi ni Xlots sa akin nakakatakot siya tumingin ayaw ko masira ang mukha ng papa kai ko kaya dali-dali akong tumakbo sa kitchen para magluto.

(* Blood  *)

Tumakbo papunta sa kitchen si Nicole takot talaga siyang saktan namin yung Kai na yun? Ano ba miron sa kaniya?

“Bukas may War battle tayo” sabi ni Xlots sa amin

“Anong oras?” tanong ni Chad

“Pagkatapos ng Classes” sabi ni Xlots sabay harap sa phone niya

“kailagan nating matago bukas si Nicole mahirap na dilikado ang kalaban natin” sabi ni Chad

“Ako na ang bah-”naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Clarke

“hindi ka pwede malate Blood leader ka ng Fgang kaya Hindi pwede, ako na ang bahala sa kaniya bukas Blood okay lang naman na malate ako ng dating sa War Battle” sabi ni Clarke sa akin oo nga pala baka kung ako maghatid sa kaniya bukas baka mapahamak pa siya.

“Dapat hindi siya madamay dito Clarke” Aniya ko “ako ang bahala”

“Natatakot ka blood na makahanap siya ng iba?” sabi Xlots tiningnan ko naman siya

“Blood tandaan mo leader ka at hindi pwede na maging sayo si Nicole hanggang Leader ka pa” sabi ni Chad

“nasa Rules natin yun” sabat naman ni Clarke tama sila hindi pwede baka masaktan lang siya o baka mapahamak ng dahil sa akin sa school pa nga lang ng pipigil na akong minsan lapitan siya lalo na kung nanjan ang kalaban namin kaya naman ibat-ibang babae ang nilalapitan namin sa school para hindi nila malaman na si Nicole ang prinoprotiktahan namin.

“so ano balak mo Kai na yun?” tanong sa akin ni Clarke

“ayaw ko pagusap yan gayun bukas na lang pagkatapos ng Laban natin” aniya ko at sabay tayo

“Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Xlots

“pupuntahan ko lang siya” sabi ko sa kanila

nglakad ako papunta sa kitchen nakita ko naman siyang nakatalikod sa akin ‘nakikita ko sa kaniya ang Future ko’ nilapitan ko lang siya siguro na ramdaman niya ako na lalapit sa kaniya kaya sa humarap sa akin tamang tama pagharap niya sa akin hinarang ko ang magkabilang braso ko sa gilid niya at yumoko sa kaniya nakikita ko naman na momutla siya

(* Krystyl Nicole *)

habang busy ako sa pagluluto naramdaman ko naman na parang may tao sa likod ko kaya humarap ako sa kaniya nagulat naman ako na si Blood yun nakatingin lang siya sa akin tapos yung dalawa niyang braso hinarang niya sa gilid ng ulo ko nakakatakot yung tingin niya

“a--ano gus-to mo?” pautal-utal na tanong ko sa kaniya maslalo akong kinabahan ng ilapit niya ang mukha niya sa akin ayaw ko ng ganito to pero pinikit ko parin ang dalawang mata ko ng bigla na lang siyang tumawa ng mahina at may  binulong siya sa akin

“wag kang Feeling hindi kita type akin na yung phone mo?” Aww sakit nun ah alam ko naman bakit kailagan mo pa sabihin sa akin harap-harapan

“ayaw ko” sabi ko sa kaniya

“ayaw mo? Sige saan mo gusto ko ilibing si Kai ng buhay?" Sabi niya sa akin dahil sa takot ko ayun binigay ko agad yung phone ko pero mas natakot ako nung narining ko ang ringtone ng phone ko kinabahan ako ng sobra kasi ba ka si Luke ang ng text 

“tignan niyo oh may iba pa palang kaibigang babae si Nicole” sabi ni Chad na mas kinakaba ko kasi si Luke lang naman ang bagong kaibigan ko at isa pa pinalitan ko ang name ni Luke na pagbabae na Ella para hindi ako mahuli 

“Ella ang name siguro maganda to try natin tawagan” rining kung sabi ni Chad 

“ano gagawin mo ngayun Nicole” pabulong na sabi ko sarili ko at dali-dali akong nagtago sa ilalim ng mesa patay tayo nito. 

“ayan na” sabi ulit ni Chad nawala ang ingay nila saglit pagkatapos narining ko na ng sigawan ang mga nawawalang shokoy 

“KRYSTYL NICOLE” rining kong sigaw ng mga shokoy na galing sa dagat na mga naligaw sa lupa.. 

MY FOUR BAD BOY'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon