Part 1 (Best Suggestion's Background Music: Mahal ka sa akin by tootsie Guevara)
Sa St. Marcent Academy ay maraming ibat ibang uri ng pagsasalarawan ng mga estudyante,.. at kadalasan dito ay grupo,. May mga magkakaibigan na hilig ang magpataasan ng grades,. Merun naman mahilig sa arts, may mga dancers o di kaya ay varsity players, merun din naman simple lang basta magkakaibigan sila,.. May isang estudyante na nagnganagalang Christian 1st year High School, simple lang at di naman kagwapuhan tulad ng iba nyang mga kagrupo,, kasama sya sa mga grupong mahilig maglaro ng online games kahit di naman siya naglalaro nito ay madalas lang syang sumasama upang manood at magresearch ng kung anung bagay sa internet,.. minsan mga assignment, project o thesis,. Gusto lang nya rin na makasama ang kanyang mga kaibigan,. Pagwalang pasok ay nagbibike sila ng kanyang mga kagrupo,, naglilibot libot sa bawat bahay ng bawat isa,. Ang ilan sa kanila ay kasama rin sa arts subject at kabilang duon si Christian,. Kwela siya at simple lang bumanat pero mapapatawa ka nalang bigla,. Pagdating naman sa mga babae ay mahilig lang syang makipagkaibigan,. Torpe sya at parang di naman seryoso,. Sa pagiging kwela nya at mahilig sa arts ay di nya alam na may mga palihim na nagkaka crush sa kanya,. Si Yazmin na isa sa may lihim na pagtiningin kay Christian,.. di tipikal na lalaki si Christian na pagkakaguluhan marahil ay sa simpleng itsura at maraming talents nya ito nagustuhan,. Nuong magkaklase sila ni Christian ay madalas naman sila nagkakausap, maaring sa report o kaya ay lagi silang magka grupo sa activities sa school,. Mapag-isa madalas si Yazmin pero may pinakamalapit siyang kaibigan, yun ay si Cez,. Walang kaalam-alam si Christian sa nararamdaman ni Yazmin,..ngunit halata kay Yazmin na malikot ang mga mata nito sa tuwing sila ay nagkakausap ,. Dumadami din ang kanyang tagyawat sa pisngi na sabi nila ay dahil daw sa pag may crush ang isang tao na madalas nitong iniisip,. Nagpapatawa kasi si Christian sa tuwing may group activities sila,. Pero madalas si Yazmin ang may pinaka malakas na tawa,.. lagi pa nyang binabati si Christian lalo pag pasok sa umaga sa skwela,.. "Hi Christian, Good morning." Sabay ngiti ni Yazmin at pagbalik salita ni Christian na "hi Good morning din",. Duon na tatakbo si Yazmin na parang kilig na kilig,.
At sa loob ng Classroom, dahil sa tuksuhan nuon ng mga kaibigan ni Christian na halos siya lang daw ang walang crushmate nuon,. At sa ayaw naman mapahiya at baka matukso nuon ay biglaan nyang sinabing "Cge na nga aaminin ko na crush ko si Cez" sabi ni Christian,.. "ayieehh ayiehh" sigawan ng mga kaibigan nito,. Pero wala naman talagang crush si Christian kay Cez, Naisip lang nya na mas maraming nagkakacrush kay Cez sa Classroom nila,, dahil bukod sa magaling umawit ay muse pa ito ng kanilang classroom,. At yun lang ang nasabi ni Christian dahil sa tuksuhan,. Nakarating kay Cez,. "Cez alam mu bang may nadagdag nanaman sa listahan na pipila para sayo" sabi ni Ron isa sa kaibigang matalik ni Christian,. "ha ha ha!! patawa ka Ron" Sagot naman ni Cez, katabi ni Yazmin si Cez noon,. Kaya napaisip ito ng malalim,. At nais nya itong alamin kung totoo,. Kinabukasan pagpasok sa gate ni Christian ay agad niyang nakita si Yazmin. " Oy Christian Gud Morning,. may itatanung sana ako" ngiting tanung ni Yazmin " Anu Naman Yun Yazmin? Tanung ni Christian.. "ahh Ah.. gusto ko lang malaman kung..." tanung na di natuloy ni Yazmin dahil paparating si Cez,.. Lumayo si Christian na parang namula ang mga pisngi dahil siguro sa hiya nanakarating kay Cez ang biruan ng kanilang magkakaibigan,.At sa mga pangyayaring iyon ay nagkaroon na ng kasagutan si Yazmin sa isipan tungkol sa gusto nyang malaman. Tuloy sa paglalakad ang magkaibigan at parang dismayado si yazmin sa kanyang nakita at inakala.