Part3 (Best Suggestion’s Background music : Diwata by Abra ft. Chito Miranda)
“Oy Christian,, oy anu at natulala ka dyaan?” Sabi ni Ron. “ ah ala pre” sagot nya.. “ pre hindi bat si Yazmin yun” bulong ni Ron “ ah “ oo, sya nga diba parang malaki pinagbago nya?” sagot ni Christian “Bakit pre mukang iba na yan, Di kaya Totoong pag-big nayan?” suhol ni Ron sa paglalakad nila . Halos nasa harap lang naman si Yazmin at naririnig nyang pinag uusapan sya ng dalawa,. Kaya nagpanggap nalang na walang siyang naririnig at hawak na kunwaring may ginagawa sa celphone,. Sinadya pala ito ni Yazmin na sa harap nila Christian dumaan at mga panahong iyon ay naiisp nya ang sakit ng naramdaman nya nuon na naging dahilan ng kanyang pagbabago pero ang di nagbago sa totoo lang ay ang pagiging crush nya kay Christian,. Matindi syang magkaroon ng Crush, aalamain niya lahat ng bagay at seryosong muling babawi para mapunta sa kanya ang atensyun ni Christian,, nasaktan man sya ay patuloy parin sya gumawa ng paraan dahil para sa kanya ay first love never dies. Nalaman nya rin kay Cez na wala syang Crush kay Christian at alam nyang maraming lalaking nabibigla lang at siya kagad ang tinuturo at saka isa pa ay torpe si Christian
Pero malaki din ang pinagbago ni Christian sa loob ng apat na taon sa kanilang school,, lalong naperfect nito ang pagiging artist dahil ndi lang sa bulletin nagpapaskil ng kanyang artwork kundi sa wall na mismo ng art room nila ay andon ang paint drawing na may pirma niya. Di rin tumigil sa pagbisita si Yazmin sa art room at iniba lang ang reason to visits nya sa recordbook para sa mga guestlist. Samantalang si Cez ay nag transfer naman ng school dahil malayu na ang kanilang tirahan. Ngunit ang di hinayaan ni Yazmin sa pagkakataong iyon na hindi na siya ang lalapit parin kay Christian para magpapansin,. At dahil 4rth year na sila ay di nila inaasahang magiging magkaklase muli sila,. At hindi lang magkakalase kundi magka seatmates pa,. ang akward para kay Christian dahil sa di nya alam kung panu nya ito babatiin,. Si Yazmin naman ay confident na nagiisip para sa pagpapakilala sa mga bagong classmate na kanilang first day school's topic kasama ang kanilang bagong teacher,. “ok Class I’m Ms. Isabell your adviser for this year at syempre dahil 4rth year na kayu ay magpapakilala kayu pero sa Apelyido na ang itatawag sa inyu para pagdating nyu ng college ay masanay na kayu,. At ang gusto ko mangyari para mabilis ang oras ay tagdadalawa kayung
magpapakilala” sabi ng Teacher nila.. at dumating na sa pagkakataon na silang dalawa na nga ang magpakilala,. Tumayo noon si Christian at Yazmin at dahil sa akward parin ang tinginan nilang dalawa ay sumabay si Christian sa pagbangit ng pangalan, nagkatitigan sila at parang nahiya si Christian at natawa ng palihim si Yazmin,. “sorry” sabi ni Christian "sorry saan ?" sabi naman ni Yazmin na parang may laman dahil ang gusto nyang palabasin ay nagsisi na nga ito sa nagawa sa kanya nuon’, Sa tagal nilang magkatinginan ay di napigilan ng mga classmates nila ang mag sabi ng “Ayieee”, ayiee’’ at napasigaw pa si Ron habanag nasa likuran “Di ba bagay sila ?” at nagtawanan ang mga magkakaklase,.. “ok class proceed, wala na tayu oras” sabi ng teacher nila,. At duon na muli silang nagkapansinan at nakapagusap matapos ang di nila pagpapansinan nuon,.. halos sabay narin sila kumain pag breaktime,, nanumbalik narin ang ngiti ni Christian, bumalik narin ang pagbati sa kanya ni Yazmin sa umaga at pag uwian naman ay “good bye and see you tomorrow ”
Kinabukasan sa isang bakanteng oras ay nagtanung si Ron kay Christian “Pre anung Level na kayu?” “Level? anung Level” tanung ni Christian. “Level sa Love hahaha” sabay tawa ni Ron,. “anu kaba Kami ba ni Yazmin?” tanung muli ni Christian,. “Oh hindi ako nagsabi ng pangalan ha’’ Huli kana pre,, o anung level na nga” sambit ni Ron na parang nangaasar,. “Ewan pre magkaibigan lang kami” pabulong na sinabi ni Christian. “ang labo mu pre, bakit di mu sya konprontahin diba malapit na ang js?,,o pagkakataon muna, saka pre di kana bata para matorpe” sabi ni Ron. “susubukan ko”bulong muli ni Christian,.. Ngunit sa pagiging torpe parin ni Christian ay wala naman itong ginawa kundi ilihim ang lahat kay Yazmin ang nararamdaman nito,.hangang sa nagkaroon na ng partner ni Yazmin ,. Dumating na nga ang araw ng JS ,....