Part2 (Best Suggestion’s Background music : Bakit nga ba mahal kita by Rocel nava)
Kaya nagbago ang lahat na sa tuwing pumapasok si Christian sa school ay parang naiisip nya na may kulang sa kanya,. At iyon ay ang pagbati ni Yazmin sa kanya tuwing umaga. Sa tuwing may activities sila ay matahimik narin si Yazmin,. Dinamdam ni Yazmin ang pagkadismaya,. “Sa bagay sinu ba naman ako para sa kanya at isa pa napakaganda ni Cez at marami talagang nagkaka crush sa kanya” ang tanung sa isip ni Yazmin habang nakatingin kay Christian. “ iiwasan ko na ang laging magiisip sa kanya, ang magdrawing ng muka nya sa likod ng notebook ko na may nakasulat na –“Gud Morning My King” ang tumawa sa mga joke nya na talaga namang corny, pati pagsilip sa mga artwork nyang nakadisplay sa art bulletin room,.” dagdag pa nya sa isipan nya,. At ang mga pangyayaring iyon ay tinuloy nga ni Yazmin hangang matapos ang 1st year school year nila.
Lumipas na nga ang tatlong taon ay 4rth year na nga sila. Ganun ang buhay ng isang Highschool,. Mag aral ng mabuti para sa exam,. Kailangan maipasa ang mga activities,. Pag walang akalat humawak ng mga photo copy ng hands out,.ang gumising ng umaga at pag uwe sa bahay ay pagisipan ang mga homework at sagutin, ang tuksuhan during break time, paghihintay sa hallway para sa next subject,. At pagdating nga ng panibagong taon ay di murin masasabi na ang kaibigan mo ay makakasama mu parin hangang 4rth year dahil depende iyon sa average grade na makukuha sa buong taon,. Sa panibagong grupo ni Christian ay si Ron lang ang natira sa kanyang mga kaibigang at naging kaklase mula 1st year hangang 4rth year dahil hindi nagkakalayo ang total average ng kanilang grado,.. Kilalang kilala na ni Ron Si Christian,. Lalo sa pagiging kwela nito , sa pagiging lapitin ng mga babae nuon ganun din ang pagiging torpe nito at sa di pagiging seryoso. 1st day ng kanilang pagiging 4rth year nuon .“Naisip mo naba ang gusto mung kurso pag dating ng kolehiyo?” Tanung ni Christian kay Ron habang naglalakd sa hallway “ako ah tingin ko engineering” sagot ni Ron “bakit, sa palagay mo ikaw makukuha mu ba ang pagiging Fine arts pre? Sa laki ng gastos at saka kahit scholar ka ay kaya ka pabang suportahan ng parents mu?. Dagdag pa nya kay Christian. “sa palagay ko bahala na, siguro magaaply parin ako ng scholarship pagdating ng pasukan sa college.” Bangit ni Christian, Simple lang din Kasi Ang buhay ng pamilya ni Christian dahil nasa probinsya Ang kanyang mga magulang at tanging Tito lang nya ang nangangalaga sa kanya Kung saan sya naninirahan . At duon lang sa mga araw nayun na muli nya Makita si Yazmin na napakalaki ng pinagbago,. Halos wala na syang tagyawat at may maayos na pananamit sa sarili, parang isang ganap na magandang dalaga at bumalik narin yung dating niyang pagngiti,. Dumaan ito sa gilid ni Christian hanggang sa mapunta ito sa kanyang harapan na naglalakad ngunit di manlang pinansin si Christian. Nag iba ang pakiramdam at pagtingin ni Christian, muli nyang naalala sa gate ang madalas nitong pagbati sa kanya,. At ngayun lang sya nagkaroon ng ganung kakaibang pagtingin, naiisip din nya na sobrang bait sa kanya ni Yazmin nuon,. Na sa tuwing bibili sila ng Burger ay hindi sya pumipila pa dahil sa Tita ni Yazmin ang tindera sa canteen ay nauuna syang nakabibili nito,, pati ang shake na si Yazmin na ang gumagawa para sa kanya,. Naisip din nya ang mga visitor signs sa Art room ay halos araw araw ang pangalan ni Yazmin nuon at naka sulat pa na –Visiting for My King -Christian’s Art work. Ma effort din sya sa pagsusulat ng report nuon sa manila paper kapag may activities sila nuon at may nakapagsabi din sa kanya na crush na crush sya ni Yazmin nuon,. Na hindi agad nabatid ni Christian,.