The Trouble King

698 22 0
                                    

NADINE
        " President Nadine!" narinig kong may tumawag sa kin.

        "Oh Kate,anong problema?" tanong ko sa kanya.

        "Si James po." sagot nya. 'Arghhh ano na naman bang ginawa nung makulit na yun?!'

        Sya nga pla ako si Nadine Lustre. 16 year old, senior student. President din ako ng student council dito sa school namin. At sino naman si James na sinusumbong ni Kate? Siya ang kinikilalang 'The Trouble King' Bakit? Dahil sa hindi mabilang na kalokohang nagawa nya.

        "Ano na naman ba ang ginawang kalokohan ng mokong na yun?!" inis na tanong ko.

        " President andun sya ngayon sa rooftop nagbabalak tumalon!" pagsusumbong nya.

        "Ano?!" sigaw ko. Hindi ko na sya inantay at tumakbo na ko papunta sa rooftop. 'Arghhh James. Ano na naman ba ang trip mo?!' I thought.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~~

        Pagdating ko sa rooftop, totoo nga yung sinabi sa kin ni Kate. Nakatayo si James sa railings at anytime pwede syang malaglag. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba,takot at pag-aalala. " Hoy James! Ano na namang trip to?!" inis na tanong ko.

JAMES
        Pinigil ko ang sarili ko sa pagngiti. Nagtagumpay naman ang plano namin ng tropa. Nandito na si President. Tumingin ako kay Marco and gave him the signal. Tumango naman sya. Simula na ng plano.

NADINE
        Naguluhan ako sa pagtitinginan nina James at ng ka-tropa nyang si Marco, pero syempre pinabayaan ko na lang. "President Nadine! Tingin ka sa likod mo." utos netong si James. 'Arghhh kung makapag-utos naman tong lalaking toh ehh tsk tsk.'

        Pagtalikod ko sa kanya. Nakita ko ang ilan naming mga kaklase na may hawak na 1/8 na nakatalikod.(yung black part yung nakaharap sakin) "Sige ipakita nyo na." narinig kong utos ni James. 'Hayyy napaka utosero naman ng lalaking toh.'

        Pagkasabi nun ni James hinarap na nila sa kin yung illustration board. Sa bawat illustration may isang letter na nakadikit. Napatakip ako ng bibig ng mabuo ko na ang nakalagay sa mga illustration board. Ang nakalagay kasi ay ~PRES.NADINE I LOVE YOU SO MUCH!~ Lumapit naman sa kin si Jack, younger brother ni James, napansin kong may hawak din syang illustration. Inabot nya yun sa kin sabay bulong ng "Buksan mo President." pagkasabi nya nun umalis na rin sya sa unahan ko.

        Hinarap ko sa kin yung illustration only to find a letter written by James. Pano ko nalaman? Alam ko naman kasi yung sulat nya ehh.

        Dear President Nadine,

                Sorry dahil sa kalokohang ginawa ko na naman ha? Wag kang mag-alala kasi this time may reason na ko kung bakit gumawa na naman ako ng kalokohan. Ginawa ko to dahil gusto kong malaman mo kung gaano kita ka mahal. Ang bading pakinggan noh? hahaha. Pero kahit ganon gusto ko ring malaman mo na kaya ako laging nagawa ng kalokohan is para mapansin mo ko. Lagi naman ako successful sa plano kong magpapansin sayo yun nga lang, gusto ko kahit bago man lang tayo magtapos ng high school gusto kong aminin tong nararamdaman ko sayo.

                 ~James

        Pagkatapos kong basahin yung letter nagsalita naman mula sa likod ko si James. "President siguro naman tapos ka nang basahin yung letter." pagkasabi nya nun humarap ako sa kanya, only to see na nakatungo sya. Parang bang nahihiya?

        "President Nadine Lustre. Aaminin ko na sayo ang nararamdaman ko. Mahal kita mahal na mahal. 1st year pa lang tayo ng magustuhan kita. Yun ay ng iligtas mo ang kapatid kong si Jack mula sa mga bullies. Na-inlove ako noon sa katapangan mo idagdag pa ang kabaitan, kagandahan, katalinuhan at higit sa lahat ang tiyaga mo sa paghuli sa kin sa araw araw." sabi nya sabay tingin sa kin, di ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang pamumula nya.

        "Kaya Pres-" hindi ko na sya pinatapos by cutting him off. " Alam mo James, para sa isang lalaki ang daldal mo." natatawang sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

        "Mahal din kita James." sabi ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya

        "A-ano p-president?" gulat na tanong nya.

        I crossed my arms. "Uulitin ko lang yun kung bababa ka dyan." sabi ko agad naman syang bumaba and in an instant nasa unahan ko na sya. Medyo nagulat naman ako.

        "Ano ulit yung sinabi mo President?" ngiting ngiti nyang tanong. I smiled back. "Sabi ko mahal din kita." pag-uulit ko.

        Ngumiti sya then nagulat ako ng bigla nyang kong halikan.

        This is our story.

        Our story of love.

        Of how we fell inlove.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ok that's it. Hope you like it. Is it lame? Kung oo sorry, heheheh first oneshot ko lang toh eh hehehehe

The Trouble King (JaDine Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon