Special Chapter part 1

879 50 6
                                    

Rain's POV

After 2 years..

"Say AHH"  Pfft.. Natatawa nalang ako kay Thunder para kasing bata. May pa airplane-airplane pang nalalaman. Sinusubuan niya kasi ako. Pero kahit ganun, kinikilig ako. Hihihi. Ang sweet kasi >//<

"AHH! *nguya*" Grabe to si Thunder. Balak ba niya akong patayin? "Hoy! Papachayin *nguya* mo ba ako *lunok* HA?! Ang laki ng sinubo mo!"

"Oo. Papatayin talaga kita...sa pagmamahal ko.."

Naku >//< Bumabanat ang kulog hahaha. AH OO NGA PALA. Thunder na ang palayaw ko sa kanya dahil daw maiba. Special kumbaga.

"Ah ganun? Pero alam mo? Kelan, hindi ako mamatay sa pagmamahal mo. Mas mamatay pa nga ako SA GUTOM! Ano ba. Gutom yung tao bumabanat ka! Tch. Pero syempre joke lang. Mahal kita eh. Hahaha. Sige na subuan mo ulit ako. Gutom nako Yam." Sabi ko sabay pout.

"Wag ka ngang ngumuso. Tch. Hindi bagay ang panget mo. Pfft. Haha--ARAYY!" Binatukan ko nga. Makapanglait to.

"Oh eto! Another airplane! AHH!" Kinain ko naman. "Bilisan mong magpagaling Yam ha? Para makalabas na tayo dito at magdedate tayong dalawa."

Ang sweet.. Nandito kasi ako sa hospital kasi nagkasakit ako. Yung super taas ng lagnat ko. Pero gumagaling naman ako kaya maybe tomorrow makakalabas na ako.

"Oo ba. Magaling na ako no. Kaso bukas pa talaga ang labas ko.  Kumain ka na?"

"Hindi pa. Mamaya na siguro. Una ka na."

"Kumain ka na kulog! Talaga tong isang 'to. Baka ikaw magkasakit niyan. Sige na. Share nalang tayo."

"Wag na. Kulang pa yan sayo. Hahahaha! ARAAYY! Joke lang. Bibili nalang ako sa baba para sabay tayo kumain. Wait ka dito." Anong akala niya sakin? Baboy? Tss.

"Sige."

Nakaalis na si Thunder ng biglang..

~Dati-rati'y sabay pa nating
Pinangarap ang lahat,
Umaawit pa sa hangin
Amo'y araw ang balat--

1 message received

*open

(Insert name of text clan)
+639*********

Hi ulan! Miss na kita! :*
----------------------------------

O_o S-sino to? Wait? Isa lang ang tumatawag ng ulan sakin.. No! Wag naman sana.

"Ayssh! Delete! Delete! Di to maari! Magugulo kami ni Thunder neto."

"Pssst! Sino 'yan?"

"AY POTEK! Wag ka namang manggulat diyan! Kainis. Matatagalan talaga ang labas ko dito. Psh."

"Ba't ba kasi gulat na gulat ka?"

"H-ha? W-wala naman. Nagulat lang. Di pwede?" Arggghh nauutal pa ko. Baka mahalata ako.

"Ahh ok? Sino nga pala katext mo?"

"A-ahh sa text clan lang. Bagong member. Nag greet lang siya. H-hehe."

"Patingin!" Nako! >_

"S-sorry Yam. Dinelete ko. Bastos ng greetings eh."

"Sumali ka pa rin sa clan na yan?"

Text Clan (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon