Special Chapter part 2

972 65 13
                                    

A/N: Hi guys! (Talagang abno si otor sa mga author's note) eto na yung part 2. Enjoy! :)

Oo nga pala, dedicated to sayo :D haha! Ikaw kasi nagpush sakin na tapusin to. Salamat :*

*****************

Thunder's POV

Sumakay na ako sa kotse pagkatapos ihatid si Rain sa gate nila. Uuwi na ko dahil mabuti at ok na siya. Masyado akong nagalala dun. Ang taas kasi ng lagnat niya. Nanginginig na nga siya ng gabing yon. Haayy kawawa si Yam. Iandar ko na sana ang kotse ng may tumunog..

~Dati-rati'y sabay pa nating-- Napatingin ako sa tumunog sa cellphone at kinuha yon.

Teka?! Cellphone to ni Rain ah? Tss. Talaga yung babaeng yon. Inandar ko na ng tuluyan ang kotse at tiningnan ko yung text .Ok lang naman kasi wala kaming secreto sa isa't isa. Baka kasi importante malay nyo? *wink*

Screeeeeecchhhh..

"The f*ck?!" Napahinto ako ng mabasa ko yung text. "Sino 'to?! Ang lakas maka I love you ha?! At nandun pa siya sa bahay ni Rain ngayon? I miss you ULAN?! Aba! G*go to ah! Malaman ko lang kung sino ka patay ka sa'kin!" Bumalik ako sa bahay nila Rain kahit alam kong malayo-layo na ako kasi mabilis lang akong magpatakbo. Tss.

Pagdating ko dun agad kong binuksan ang gate. Wala akong paki ngayon kung mapagkamalan akong magnanakaw. Badtrip ako. Sobra!

Kumatok ako ngunit walang nagbukas. Asan ba si Rain? Psh. Busy siya sa lalaki niya?! Hindi! Hindi ganun si Rain.

At dahil badtrip nga ako binuksan ko nalang dahil mukhang walang tao. Pero ang g*go lakas makapunta kuno dito! Tss. Maniwala ba ako dito o ano? Arrggh.

O___O

"ANO 'TO?!"

"Y-yam?!" Napabitaw sila sa pagyayakap. HUH!? Oh ano? Nagulat siya na nahuli ko silang magkayakap at nagsasabing 'MAHAL KITA MAHAL RIN KITA?!?'

Hindi ako makapaniwala. Niloko niya ako. Bwisit!

"Gulat kayo no? Sige tuloy niyo yan. Aalis nako. Sorry naabala ko pa kayo sa PAGLALAMBINGAN niyo. Pasensya talaga." Umalis na ako at nagmamadaling sumakay sa kotse. Nakita ko pa siyang nagmamadaling humabol sa akin. Bahala sila!

Ngayon pa siya nagloko na 2 years na kami? Ngayon lalaki lang ba ang nangangaliwa? Tss. At yung gag*ong yun? Ang kapal!

"DAMN! BULLSH*T!" Napahampas nalang ako sa manibela.

Siguro ganun nalang ang gulat niya sa ospital ng makita ko siyang may katext. Yung g*go siguro yun! Alam na alam kong nagsisinungaling siya! Pero di ko nalang pinansin at gusto ko siya ang magsabi dahil nga walang taguan ng sikreto! Pero nagawa niya talaga! Bwisit!

Di ko alam kung anong mangyayari sa susunod na araw..pero sigurado akong ayaw ko muna siyang makita.

*********

Rain's POV

Napahagulgol akong umiyak sa kwarto ko. Galit si Thunder. Galit na galit.

"Rain! Ok ka lang? Pasensya.. Ng dahil sa akin nagaaway kayo ng boyfriend mo." Rinig kong sabi ni Wind sa labas ng kwarto ko. Patuloy pa rin siyang kumakatok. Ayaw ko muna ng kausap ngayon. Gusto kong mag-isa. Gusto kong mag-isip paano ako mage-explain. Masama magtampo si Thunder. Pero alam ko sa mga mata niya na hindi lang siya nagtatampo. Galit siya.

"Umalis kana muna Wind. Gusto kong mapag-isa." Sabi ko. Di naman ako nakarinig ng sagot ngunit alam kong umalis na siya.

Tatawagan ko nalang si Thunder. Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa rin sa pagbagsak.

Text Clan (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon