CHAPTER 5

53 4 0
                                    


Buong maghapon, nasa tabing dagat lang ako pero hindi na ako umiiyak no'n. Pinapakalma ko lang ang sarili ko, 'tsaka hindi naman ako nababasa noong umulan ng malakas dahil may sinisilungan ako. 


Noong tumila na ang ulan, nagpasiya na akong umakyat sa itaas. Nagpapagpag ako ng mga buhanging dumikit sa binti ko at tinutupi ang nilatag kong blanket. Bago ako makapaglakad sa stone stairs, nahagilap ng mata ko ang isang pigura ng taong nasa kanang bahagi sa itaas. 


He's crouching a bit at ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa barandilya na nasa harapan niya. Jacob is like a predator, looking around to find his prey, which is me. Nagtama ang paningin namin at nangatog ang binti ko sa kalamigan at kaseryosohan ng mata niya. Parang binabasa niya ang nasa isip ko, kahit medyo malayo siya saakin, parang kitang-kita niya ang kaluluwa ko. 


Umiwas ako ng tingin at dire-diretso nang umakyat sa itaas. Ngunit bago pa ako makarating sa may teresa ng mansiyon, humarang na siya sa daanan ko at kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko na dumiretso, tumama na ako sa dibdib niya. 


Nag-angat ako ng tingin sakaniya at nagulat ako sa lapit naming dalawa. Napaatras ako ng kaunti pero bago ko magawa 'yon, nahagilap na niya ang siko ko. He tilted his head na parang may kung anong bumabagabag sakaniya. 


"Umiyak ka?" 


Nanlaki ang mata ko. So, kanina pa siya nandoon sa pwesto niya? Edi nakita niya ako? Inisip ko kung nakagawa ba ako ng ingay habang umiiyak... o... halata lang talaga sa mata ko. 


"Hindi..." 


Nag-iwas na lang ako ng tingin sakaniya. Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko para maiharap sakaniya ang mukha ko. Nag-init ang pisngi ko lalo na noong naalala ko ang nangyari sa falls. Napatingin ako sa labi niyang namumula at mas lalo akong pinamulahan. 


"Alam kong nahihirapan ka... kung may tanong ka... sasagutin ko. Pero... hahayaan naman kita sa gusto mo. Ayoko lang mawala ka... ulit..." 


Ilang segundo kaming magkatitigan at tumango na lang ako sakaniya. Iniisip ko kung mas magandang desisyon ba na tanungin sa tungkol sa nakaraan ko... o hayaan ko ang sarili ko na makadiskubre noon. 


Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan... pero hindi ba't mas maganda kung manggagaling mismo saakin 'yung memorya ko? Dahil may mga pangyayari na hindi alam ni Jacob saakin at baka rin point of view niya lang ang maikukwento niya saakin. 


Pero... hindi naman masama kung tanungin ko siya hindi ba? Sana lang, kayanin ng utak ko at hindi ito mag-trigger na hindi na bumalik. 


"Ah nga pala... are you free tomorrow?" 


"W-wala naman siguro kaming gagawin bukas ng mga pinsan ko... so... oo?" 


"Hmm... gusto mo bang mangabayo? Marunong ka pa ba?" 


Bakit ba hindi ko kaagad naisipang sakyan si Forte? Hmm... sana lang hindi umulan bukas at maaliwalas ang panahon. 

Still You (Alcantara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon