CHAPTER 2

95 9 3
                                    

Ang plano namin kahapon ay overnight lang pero halos lasing na mga pinsan ko kaya kumuha na lang kami ng kanya-kaniyang cabin dito sa resort. Dapat doon kami sa rest house namin pero hindi pa tapos ipagawa at baka abutin pa ng mahigit dalawang linggo.

Naalala ko nanaman ang mga nangyari kagabi at buti na lang ay nakatulog kaagad ako dahil na rin sa dami kong iniisip. Pinilig ko ang ulo ko dahil biglang kong naalala ang imahe ng dalawang taong naghahalikan.

Jusko 'wag mong sabihin na kakakilala ko pa lang sakaniya ay nagkagusto na ako sakaniya?

Matangkad ako at payat ngunit nasa tama na ang hugis ng katawan ko. Minsan naiilang akong magdamit na masisikip dahil malaki ang hinaharap ko pati na rin ang aking pwetan. Pero kumpara sa tangkad ko, halos hanggang balikat lang ako ni Jacob. Medyo mahaba ang buhok nito na umaabot ang ilang hibla sa kaniyang mata ngunit tila napakalambot nito na gusto kong hawakan. Itim na itim ang kaniyang mata na kapag tinititigan niya ay nanghihina ako. Mahaba rin ang pilikmata niya at matangos ang ilong. Malaki ang katawan niya at malalaki ang muscles na alam mong nagwoworkout siya pero hindi ito nakakadiring tignan dahil bumagay sakaniya. Sa tingin ko, labi niya lamang ang malambot sa lahat ng pisikal niyang kaanyuan.

Parang kaya ka niyang ibalibag. Hmm.

Bago ako makatayo galling sa pagkakahiga, naramdaman ko ang init ng isang katawan sa likod ko. Lumakbay ang mata ko sa bewang ko at nakita ko ang isang brasong nakapulupot saakin at ang binti rin ay nakadantay saakin na tila ayaw ako pakawalan.

Nang tinignan ko kung sino ang katabi ko ay tinulak ko siya ng ubod ng lakas at pagkalalag-lag niya ay lumikha iyon ng isang malakas na kalabog kaya tawang-tawa ako sakaniya.

"Putangna!" malutong na mura nito at sinamaan ako ng tingin. Unti-unti siyang tumayo na nakahawak sa bandang pwet niya at umaabang lumapit saakin para saktan ako.

Halos madapa ako sa kakatakbo ko papunta sa CR at nang naisara ko na ang pintuan, hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa dahil sa nangyare kay Kuya Andrei.

Naligo na ako at lumabas na ng CR na naka roba. Paglabas ko ay wala na si kuya. Siguro nasa labas at naliligo sa dagat. Pumunta ako sa may cabinet para kumuha ng damit. Pinili ko ang isang yellow summer dress na spaghetti strap.

Tinitigan ko ang sarili ko habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin. Natural na chesnut brown ang buhok ko na nagmana kay mama. Almond shaped ang mata ko at color gray ito tuwing natatapatan ng araw pero kapag natititigan o hindi nasisinagan ng araw ay nagiging light brown. Mahaba ang pilikmata ko kaya nasasabihan din ako na kapag tumitingin ako sa isang tao ay halos malunod sila sa sobrang lalim ngunit hindi mo makikitaan ng rahas at puro pagiging inosente ang mga mata ko. Tama lang ang maliit kong ilong sa mukha ko at ang labi ko naman na kapag binabasa ko ay mas pumupula kaya minsan ay hindi na ako naglalagay pa ng kung ano dahil natural na itong mapula. Sinasabi ng mga kaibigan ko na isa sa nakakaakit saakin ay ang aking mga labi na parang naghihintay lamang itong matikman.

Dala ko na ang mga gamit ko at hula ko'y nakay kuya na ang kaniya dahil wala na roon. Lumabas na ako sa cabin at nilock ko na ito.

Nakarinig ako ng mga tawanan kaya lumapit ako roon. Nakita ko ang mga pinsan kong bihis na at inaantay na lang ako. Ah, kulang pa pala kami. Sila Jacob at Gwyneth ay wala pa. Hmp.

Nang makita ako ni Tristan ay nginitian niya ako at nilapitan.

"Hi, good morning!" pag-bati niya saakin at kinuha ang mga gamit ko na hawak ko.

"Good morning!" bati naman ni Rouge saakin

"Anong good sa morning kung ikaw naman ang bubungad saakin?" pagtataray ko sakaniya.

Still You (Alcantara Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon