Magic 5
"Hi Ember" nangiting bati nya sakin
"Maka Ember ka naman akala mo close tayo" mataray na sabi ko sa kanya
"Go out with me" mapangakit na sabi nya or sadyang feelingera lang talaga ako?
"Bakit naman ako sasama sayo? Eh hindi nga kita kilala!"
"Kaya nga sumama ka sakin para makilala mo ko"
"Pana pag ayaw ko?"
"Hindi pwedeng ayaw mo" at nag smirk sya
"Ayoko bahala ka dyan!" sabi ko at papasok na sana ako ng bahay
"Napagpaalam na kita sa magulang mo"
"As if naman na pumayag sila" alam kong hindi pumayag ang mga magulang ko dahil you know "Strict Parents"
"They agreed." napatingin ako sa kanya at napalingon sa likod ko I saw my Dad and Mom
"Stop the chitchat Ember. Go with your friend. You must be here at 8:00 in the evening." sabi ni Daddy at sumakay na sa kotse kasama si Mommy at panganga na lang ako
"See? They agreed" naka smirk na sabi ni Sphere
"Ayoko parin" sabi ko
"Boredom will strikes you later" napaisip ako sa sinabi nya sabagay wala naman akong gagawin
"30 minutes" sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay
Nagsuot lang ako ng floral dress with my fancy violet heels at bumaba na rin ako
"San ka ba pupunta sa party?" nagulat ako ng biglang nasa harapan ko si Sphere
"Bakit san ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sakanya
"Basta wear some simple clothes" sabi nya sakin at tinulak ako pataas ng hagdan
So I changed my clothes from dress to simple high waist short and violet cropped top and from fancy violet heels to violet mesh flat shoes.
"Ok na ba?" tanong ko kay Brenan habang nakapamewang
"Much better" sabi nya at lumabas na ng pinto. Sumunod naman ako sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan.
"San nga tayo pupunta?" pangungulit ko habang nagdadrive sya
"Basta wag ka nga makulit nagdadrive ako baka mabangga tayo"
"Eh san nga?"
"Matulog ka na nga lang muna. Gigisingin na lang kita mamaya pag nandon na tayo"
Sabagay ang aga kong gumising ngayon araw.
ZZzzzzzzzzzZZzZzZzZzZZZzzzz
"Pag laki ko dito kita papakasalan" sabi ng isang batang lalaki habang nakatingin sa magandang tanawin
"Eeew. Ang pangit mo kaya ayoko sayo!"
"Hindi ako panget sabi ng Mommy ko ako ang pinakapogi sa lahat"
"Ayoko sayo! Gusto ko kay Apollo !"
"Basta pag laki ko dito kitapapakasalan kahit lagi mo kong tinatarayan"
"Ayoko nga sabi sayo eh! Ang kulit kulit mo! Friends tayo diba?"
"I love you "
"I hate you!"
"Gising na Ember!" narinig kong may isang lalaking nagsalita
Panaginip na naman pala lahat. Hindi ko alam kung sino kasama ko sa aking panaginip. Alam kong ako ang nasa panaginip ko pero hindi ko maalala ang muka ng lalake dahil blurred ito.
"Andito na tayo" minulat ko ang mata ko at nakita ko si Sphere
"Bumaba ka na andito na tayo"
Knock knock*
Napatingin ako sa bintana dahil may kumatok at nakita ko si Sphere "Bumaba kana dyan" sabi nya sakin
Bumaba ako at nakita ko ang isang lugar na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko
"Nasan tayo?" tanong ko sa kanya
"Tagaytay. Ang ganda ng Taal no? Alam mo ba nung bata ako gusto ko tumalon sa pinaka butas nyan hahahahaha ngayon narealize ko na ikamamatay ko pala yon" sabi nya habang tumatawa
Pinagmasdan ko ang buong lugar. Maganda nga dito. Malawak. Makikita mo ang kagandahan ng nature sa Pilipinas. Madaming mga puno. At konti lang ang mga tao.
"Anong tawag sa lugar na to?" tanong ko sa kanya
"Picnic grove" nakangiting sabi nya
"Alam mo dito kami nakatambay ng kababata ko dati. Sabi ko sa kanya dito ko sya pakakasalan" sabi nya at tumingin sakin
"Nasaan na sya?" inilihis ko ang tingin ko sa kanya dahil na naiilang ako
"Wala na sya" naramdaman kong tumingin ulit sya sa Taal Volcano
"Ayy. Sorry. Matagal na syang patay?" tanong ko sa kanya
"Hindi sya patay. Basta isang araw bigla na lang syang nawala" tumingin ako sa kanya at nararamdaman ko kung gaano sya nalungkot
"Sorry ulit. Balang araw makikita mo rin sya" sabi ko sa kanya
"Tara na nga kumain na tayo"sabi nya at naglatag ng parang kumot i forgot kung anong tawag don
Kumain kami. Namasyal at kung ano ano pang ginawa namin
"Tara picture tayo!" sabi ko sakaya at nagpicture kami kasama ang Taal Volcano
"Picture rin tayo sa cellphone ko" sabi nya
"Alam mo ang saya saya ko thank you!" niyapos ko sya at halatang nagulat sya
"Tara uwi na tayo 7:00 na" sabi nya at hinawakan ang kamay ko
Tama nga sya. Nakilala ko na sya ngayon.
-----------------------------------
VOMMENTS ARE TRULY APPRECIATED!
SORRY FOR THE TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS.