Chapter 12

2 0 0
                                    

Still Flashback....

Im still shock  at the documents  i found.

It's  been four day but i can't  ask mommy  and daddy about that.

Nang isang araw narinig ko silang nag aaway dahil dito sa nawawalang documents nila.

Pero kailangan  kong kausapin sila. Hindi ko malalaman ang katotohanan kung hindi ako magtatanong  sa kanila.

I found them talking at the living room.

“Bakit ba naman kasi winala mo yun.Pano kung makita yun ni Marcko ha! ”

“Hindi ko naman alam na nawala eh.Hindi ko naman kasi ginagalaw yun.”

Lumapit ako sa kanila.

“Mommy, Daddy ito po ba ang hinahap nyo?”

Agad silang natigilang dalawa saka napatingin sa hawak kong dokyumento.Nanlalaki ang mga mata nilang sabay tumingin sakin.

“Mommy,daddy  i need your explanation  about this”

Umupo ako sa tapat nila.

Nagsalita si Daddy.

“So i guess we need to tell you the truth.”

Tumingin muna sya kay mommy.Tumango naman si mommy sa kanya.

“ Sigurado akong nakita mo ang health certificate  ng mommy mo.”

Tumango naman ako sa kanya.

“Yes.Baog ang mommy mo hindi kami pwedeng magkaanak. Pero hindi kami nag ampon. That time ang mommy at daddy ni Biangcha ang gustong mag ampon pero kasabay ng pag ampon nila sayo nalaman nila na buntis pala ang mommy ni Biangcha.Hindi ka nakaapelyido sa kanila na talagang ipinagtaka naming mag asawa pero hindi kami nakialam kung anong gusto nilang mangyari.Hanggang sa nagkaron ng car accident.Mag kakasama kayo nun.Malakas ang impact ng sasakyan kaya hindi nakaligtas ang mommy at daddy ni Biangcha but you too survive but wala kayong maalalang pareho.Kasabay naman nun dumating yung  attorney  ng mag asawa saka may iniwang last will.”

Si mommy naman ang nagkwento ngayon.

“Ang nakalagay sa last will ng magulang ni Biangcha ay  kalahati ng mana sa kanya mapupunta while the half is for you  pero makukuha ni Biangcha ang mana nya pag nasa tamang  edad na sya.While for you makukuha mo lang ang mana mo pagpinakasalan mo si Biangcha”

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Mommy.

“Nagulat din kami sa nakasulat pero may iniwang sulat para saamin ang mag asawa it says. You can have Marcko as your son but we can't  fully adapt you.Inalagaan namin kayo ni Biangcha kaya siguro naisip nyo na magpinsan kayo.Hindi mo rin naman talaga dala ang apelyido namin. Hindi mo lang yun napapansin kasi hindi namin sinasabi ang apelyido talaga namin.”

“Parehas kayong matalino kaya hindi kami nahirapang pag aralin kayo.Nang dumating na sa tanang  edad si Biangcha ibinigay na namin ang mana nya na agad naman  nyang napalago.Naging busy kayo  pareho kaya siguro hindi nyo na tanda na magkasama kayong lumaki.But we didn't  want to push you to marry Biangcha kasi kaya naman naming iprovide ang kailangan mo. Saka alam din naming maguguluhan si Biangch pag sinabi namin sa kanya ang nalaman mo ngayon.”

Natagalan ng mga ilang minuto bago naproseso ang mga sinabi nila sa utak ko.

Isa lang ang tumatak sa isip ko.

Kissing CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon