"Patuloy lang po ang imbistigasyon ma'am wag po kayong mag alala" rinig kong sabi ng isang pulis sa labas, nakita ko pang napasapo sa noo si sam at tumingin sakin.
Minulat ko ang mata ko at nagulat siya na gumising na ako. Nakasuot na siya ng uniporme at halatang stress na stress. Bumangon ako sa kama at umupo sa dulo nito.
"Anong nangyari bat may pulis?" Tanong ko sakanya, agad niyang isinara ang pinto sabay lapit sa akin.
"Kilala mo si Cole diba? Yung friend ko sa school natin dati?" Tumango ako sakanya at nagtataka parin. Nakita ko yun si cole kahapon ha kasama niya yung guy na nabangga ko.
"Nakita ko siya kahapon kasama yung lalaking nakabungguan ko." Nagulat siya sa sinabi ko at umiling iling. Naguguluhan ako sa inasta niya kaya kumunot ang noo kong nakatingin sakanya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang nakaupo siya sa tabi ko.
"I called her kahapon, nung umalis ka. Sabi ko sakanya magbobonding tayo ngayon pero nabalitaan ko ngayon na p-patay na pala siya" tumulo ang luha ni sam at ako naman parang binuhusan ng malamig na tubig.
Nanatili ako sa posisyon ko at unti unting pinoproseso sa utak ko ang sinabi ni sam. Hindi ko parin tanggap na patay na si cole, kahapon lang e kasama niya yung guy.
"P-p-pero pano nangyari yun? Kahapon lang nakita ko siyang kasama yung guy tapos h-huh? Naguguluhan ako teka" tumayo ako sa kinauupuan ko at naglalakad ng pabalik balik.
Nakayuko lang si sam habang nakakuyom ang kamao niya. Siguro yung guy yung pumatay kay cole. Di naman imposible yun ha pero wala tayong ebedensya.
Pinakalma ko si sam at dahan dahang minamanmanan, ako na ang nagluto ng breakfast. It's already 8:30 at 9 yung pasok namin kaya may 30mins pa kami para kumain. Pinainom ko ng tubig si sam at kumalma naman siya.
Hinanda ko na ang bag niya at ang bag ko habang siya kumakain pa nakatulala pa din. Siguro hindi niya inaasahan na mamamatay yung friend niya. Kahit ako di ko aasahan yun.
Nakaramdam ulit ako ng kirot ng ulo ko at napahawak ako sa noo ko, pumipikit habang pinipilit na pawalain yung sakit.
"O-okay kalang kal? Ininom mo na ba yung gamot mo?" Lumapit si sam sakin at inalalayan, pinaupo niya ko sa sofa at kinuha yung pills na nasa kabinet. Ininom ko agad yun at wala pang minuto nawala na ang sakit ng ulo ko.
"Sa susunod kasi dalhin mo na tong gamot mo at ilagay mo sa bag mo, higpit na binilin ni tito na dadalhin mo to kung saan ka pupunta. Ikaw kasi antigas ng ulo mo." sermon niya sakin. Nakanguso lang ako at nilagay yung pills sa bag ko.
Umalis na kami ng condo at tumungo sa school.
Nagdidiscuss yung teacher namin about sa Social Dance, nang may biglang pumasok sa classroom namin. Nagulat ako ng nakita ko yung guy na nakabungguan ko kahapon.
"Mr. Hernandez, why are late again?" Nginitian niya lang yung teacher namin at tumungo sa likod ko which is upuan niya siguro yun. Nginitian niya lang gamit ang charms niya at nauto naman yung teacher namin at umiling nalang ito at bumalik sa discussion.
Tapos na kaming magpakilala kanina kaya buti naman di niya nalaman yung pangalan ko.
Oh so ano namang pake niya kung malaman niya pangalan ko.
"Kaliber right?" He whispered behind my back. Teka pano niya nalaman pangalan ko? Naramdaman ko yung hininga niya malapit sa leeg ko kaya nairita ako.
Hindi ko siya sinagot at tumuon nalang sa discussion ni ma'am. He chuckled sa inasta ko kaya nilingon ko siya sabay irap.
Okay so ngayon ko lang na notice na ang gwapo niya pala pero ano nga bang kwenta sa kagwapuhan kung wala namang respeto sa kapwa.
YOU ARE READING
Dear Liam
HorrorWarning!!! This story may contain some R18+ and not suitable for young readers. Read at your own risk.