2017
"New school here we go!!" Sigaw namin ni sam sa bagong condo na nilipatan namin. We moved here in Greenvelt condominiums in Malati kasi malapit lang ang condo namin sa school. I heard that most people here in this condo used to study in LaSalle so di namin sila masyadong kakilala kasi college sila.
Magkasama kami ni Sam sa iisang condo pero di masyadong malaki, kasi after we graduate in highschool sa Ateneo kami papasok and guess what we don't need condo anymore cuz my dad owns a house near katipunan and he insisted na dun kami titira ni Sam kasi matagal naring wala sina mom and dad nanirahan dun.
Sam's mother which is my father's sister lives in Palawan so malayo talaga, i am the one who asked tita carmen na magsasama kami ni Sam dito sa Manila at dito mag aaral, and she agreed naman tutal busy naman sila sa Beach Resort nila dun sa Coron.
"Kaliber Aubrey Santiago, bakit hindi ka nagrequest ni tito na malaki laki na condo ang liit naman dito parang hotel na hindi 5 star myghad" reklamo ni sam.
"Hoy Samuella Buelvedos ang OA mo, mag aaral tayo dito hindi tayo magdadala ng friends apakaarte" inirapan ko nalang siya habang siya nakanguso sabay tingin sa lapag sa mga gamit namin dun sa couch.
Kakarating lang namin dito galing Katipunan, i want to live there pero malayo yun dito sa Malati so next time nalang tutal senior high nalang ang dapat naming tapusin. After that College na agad.
Nilibot ko ang paningin ko sa condo habang si sam naman ay abala sa pag aayos sa mga gamit namin. Maliit nga siya pero maganda, may King Sized na bed tapos sa gilid may lamp.
Sa kabila naman may couch tapos may tv and sa dulo naman is kusina at may maliit na ref na kasya lang para saming dalawa.
Sa dulong side naman may restroom at shower room so bali magkahiwalay ang restroom at shower room.
Kinuha ko ang mga gamit ko at nilagay sa may drawer dun at naabutan pa kami ng ilang oras bago matapos ang lahat. Nang matapos namin lahat umidlip saglit si sam at ako bumaba para bumili ng pagkain namin ngayong gabi sa may malapitang convenience store.
Binuksan ko na yung pintuan sa convenience nang biglang may bumangga sakin at natumba ako.
"Ano ba! Bulag kaba ha? Alam mo namang may dadaan eh bwesit" sigaw ko sakanya habang pinagpagpag ang pwetan ko at tumayo na. Tinignan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya, aba tangina.
"Edi sorry, pintuan to kaya maraming pumapasok kaya tumabi ka jan" sabi niya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. Tangina pigilan niyo ko nabwebwesit ako sa lalaking to.
"Pucha, so kasalanan ko pa ha!" Akma ko siyang susuntukin ng biglang may tumawag sakanya sa likuran at napatingin kaming dalawa sa babae, she looks familiar to me.
Parang si cole yun ha friend ni sam dati sa previous school namin ngunit nagtransfer din dito,i heard dito siya nag aaral kaya hindi imposible na kakilala niya tong lalaking to.
Ibinalik nung guy ang tingin niya sakin.
"You're new here huh, see you around" sabay kindat niya at tumungo sa babae na cole ang pangalan at umakbay rito.
Mukhang hindi ako napansin ni cole at nagpadala naman siya nung guy.
Kalalanding lalaki yun ha tapos wala pang respeto mukhang mapapaaway ako rito ng maaga.
Bwesit kakalipat nga lang namin may hate na akong tao.
Nang matapos akong mamili umakyat agad ako sa unit namin at naabutan ko si sam na nagwawalis habang kumukunot ang noo niyang pinagmasdan akong padabog na pumasok sa condo.
YOU ARE READING
Dear Liam
HorreurWarning!!! This story may contain some R18+ and not suitable for young readers. Read at your own risk.