Read at your own risk."Miss,hatid na kita sa inyo,baka umulan na ano pang mangyari sayo"sabi ng isang lalaki dito sa daanan.
Pauwi na ako ng bahay,bumili lang ako ng mga de lata at bigas para sa isang linggo.Tahimik na naman dito sa daanan,mukhang sarado na ang mga bahay.Gabi na rin kasi.
"Huwag na po kuya,kaya ko naman po"sambit ko.
Kinakabahan na ako sa kanya,
bukod sa amoy alak siya ay pula ang kanyang mga mata at humihithit pa ng sigarilyo."Halika na,wag ka na tumanggi hahatid na kita"sabay kuha sa kamay ko.Binaba na niya ang sigarilyo niya.
"Manong,ayos lang po talaga bitawan niyo po ako"naiiyak na ako sa higpit ng hawak niya.
"Masyado ka namang pabebe miss,ikaw na nga tinutulungan eh,halika na"aakbayan niya sana ako ng lumayo ako sa kanya at nagsimula ng maglakad.
"Miss,huwag ka nga pa-hard to get,alam naman nating gusto mo rin ang hawak ko"
Hinahabol niya pa din ako.Pabilis ng pabilis at palaki ng palaki ang hakbang ng mga paa ko pero parang balewala lang sa kanya dahil matangkad ang lalaking ito.
At hindi ako nagkamali,nahabol niya ako at inakbayan.Sinubukan kong lumingon kung may mahihingian ako ng tulong pero lahat ay sarado na.Maging ang mga tindahan.
"Hindi ka masasaktan miss,samahan mo lang ako buong gabi"at sinimulan niyang halikan ang leeg ko.
"Tulong!Tulungan niyo ko!"tuloy-tuloy kong sambit habang umiiyak na ako sa takot.
Dahil sa lakas ng boses ko,nairita ang lalaki na ito at sinikmuraan ako.
Ayaw ko na ng ganito,pagod na pagod na ako.
"Miss,masyado ka naman atang pabebe,eh halatang gusto mo rin naman,tignan mo nga yang damit mo,halatang inaaya mo ako eh"sambit ng lalaki.
Hindi ko to ginusto,walang taong gusto magkaganito.
Nang mabigyan ako ng pagkakataon,tinuhod ko siya at tumakbo ng mabilis.
Nabitawan ko ang mga de lata at bigas na pinaghirapan kong bilhin.Pero isa lang ang nasa utak ko ngayon,ang makaalis sa lugar na to.
Nang makauwi ako sa apartment ko.nanghihina akong napaupo.
Halos maghalo na ang uhog at luha ko.Iniisip ko kung ano ang kakainin ko sa isang buong linggo.Hindi naman ganito ang buhay ko dati.Kung maibabalik ko lang,kung pwede lang.
Dumiretso ako sa drawer ng mga gamot at kinuha ang dalawang haba ng sleeping pills.
Sabay-sabay kong sinubo ang mga ito habang lumuluha.
Sa wakas,matatapos na ang paghihirap ko.
~~~
BINABASA MO ANG
The So Called Perfect Girl
Fiksi RemajaLiliana Anne Santiago is not your typical girl.She's not afraid to take risk because for her risk is better than regret.Everyone adores her.She is beautiful,charming,sexy,talented and brainy.She has everything that every girl wants.She is THE perfec...