May dalawang magkasintahan na nagkakilala sa pamamagitan nang tinapay.
Ang weird isipin kung papano pero yun ang nangyari.Isang araw naglalakad si Ariel isang masipag at mapag mahal na anak, para maglako nang tinitinda nyang iba't ibang klase nang tinapay na sarili niyang gawa. Mapa pandesal ,monay at iba pang binebenta sa bakery, nilalako nya ito dahil wala pa silang bakery na naipapatayo dahil sa kakulangan sa pinansyal. Kahit mahirap ang buhay pinipilit paring kumayod nang binata para sa Nanay niya dahil nag- iisa nalamang siyang binata sa mag kakapatid at matagal nang yumao ang kanilang padre de pamilya.
Isang gabi habang pauwi galing sa paglalako, may isang dalaga siyang nakitang umiiyak sa kalsada, nilapitan nya ito at kinausap.
''miss?ok kalang ba?bat ka umiiyak?''.
''obvious namang hindi diba?saka anu ba pakialam mo ha?please leave me alone!!!''.
"Luh, english? nosebleed ako te hahaha.ang totoo nyan aalukin lang sana kitang bumili nang pandesal saka monay,may puto ceko pa dito mas masarap saka ung best selling puto namen spanish bread bake with love ayii english yon ha wow effort ahhaha"(with funny and wacky face)
Hindi mapigilang mapangiti nang dalaga dahil sa kakornihan nang binata na kahit emote na emote na ito ay di nya napigilang mapatawa. Doon na nag umpisa ang kanilang pagkakaibigan.
Nag daan pa ang mga araw di naglaon ay naging magkasintahan sila.
Araw araw pinupuntahan ni Ariel si Jona(kasintahan).
Tuwing dinadalaw ay may dala itong tinapay para sakanya,dahil yun lang ang kaya nito.
Noong una ay nagugustohan la ito ni Jona
ngunit di nagtagal ay di na nya ito naaapreciate, dahil nadin sa mga naririnig nya mula sa mga kaibigan.''galing nanaman ba jan yung kasintahan mung kuripot at puro puto lang ang alam ibigay sayo?ahaha di kapaba nagsasawa ano future mabibigay sayo niyan Jona ngayon palang mag isip isip kana''
''Oo nga sis dikapa nagsasawa? ako nga hindi naman sa pag mamayabang, pero sobrang alaga ako sa boyfriend ko, ang gagara nang binibgay sakin, iniispoil pa ako sa mga shoes and make ups na gusto ko''
Hindi nalang umimik si Jona dahil sa hiya
Pakiramdam nya ay pinapabayaan lang sya nang binata.
Ikinahihiya na nya si ariel.
Pero gayung paman mahal nang dalaga si Ariel kung kaya't hindi nalang siya nagpaapekto.
Sa kasalukuyan habang nag mamasa nang harina ang binata, bigla pumasok sa isipan niya na gusto na niyang pakasalan si Jona.
"Bibili ako nang sing sing"sabi niya sa sarili.Nang nasa jewelry shop na siya ay hindi niya inaasahan na sobrang mamahal pala nang mga singsing doon. Lalo na yung pinapangarap na singsing nang gf nya. Kung kaya't ang nakayanan lang sa kanyang budget ang kanyang binili.
Masaya at kinakabahan para mag propose ang binata. Hinanap niya agad ang dalaga at nang nakita niya ito ay dali dali siyang niyakap.
Nang luluhod na sana siya ay biglang naudlot nang biglang may naisingit sa usapan ang kasintahan nya.''Mahal,alam moba yung kaibigan kong si si cat ? nabalitaan ko nag propose na yung boyfriend niya. Grabe sobrang ganda nang prosopal. At yung diamond ring nya? super ganda. Niregaluhan pa siya nang kwintas. Sana mahal ang sing sing ko ganun din. Alam mo naman yung dream ring ko diba?"
Hindi na nakaimik si ariel sa sinabi nang kasintahan.
Hindi na itinuloy nang binata ang proposal. Bagkos sinabi niya sa sarili na pag iiponan niya ang singsing na pinapangarap nang kasintahan niya.
Itinabi nalamang ni ariel ang singsing na binili nya, sapagkat ang nasa isip nya, hindi ito magugustuhan ni Jona.
Nang pakahirap kumayod ang binata para lang maibili nang mamahaling sing sing ang dalaga.
