24 HOURS MAGJOWA CHALLENGE

28 0 0
                                    


Sabado ngayon at wala kaming pasok. Maaga pa lang ay nandito na agad si Kassandra sa bahay. Nakiki-wifi. Kassandra is my childhood bestfriend. Wala kaming magawa kaya nanood na lang kami sa YouTube. Andami na namang nauusong challenge ngayon. Isa na nga rito ang '24 hours magjowa challenge'.

"Beatricie?" tawag sa akin ni Kassandra.

"Oh?" walang ganang sagot ko dahil alam kong may kalokohan na namang naiisip 'to.

"Alam mo na 'yung bagong nauuso na challenge?" Sabi na eh, may binabalak na naman 'tong gagang 'to.

"Alin do'n? 'Yung 24 hours magjowa challenge ba?" Parang 'di ko gusto tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Chance mo na 'to, 'wag mo na palampasin!"

"Chance?" Medyo naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasabi niya.

"Oo, yayain mo na si Kean," Gago ba siya? Gusto niya atang mapahiya ako.

"Ayoko." panigurado hindi papayag 'yon. Dami-dami nagkakagusto do'n eh, magaganda pa ta's samantalang ako cute lang.

"Sus, bilis na, 'wag mo na palampasin ang pagkakataon na 'to."

"Nakakahiya," kunwari pa ako eh gusto ko rin naman.

"May hiya ka pala?" hahampasin ko na sana siya ng bigla niya akong nginisihan. "Ano ka ba, kaya mo na 'yan," tama siya, sayang ang pagkakataon na 'to kung papalampasin ko. Kapag pumayag edi happy, kapag hindi edi alak. Gano'n lang 'yon.

Napabuntong ako ng hininga, "Hayss, sige na nga."

Maghapon ko hinintay na lumabas si Kean sa bahay. Magkapit bahay lang kami.

"Hays antagal niya naman lumabas," papasok na sana ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng gate nila. Kaya agad akong naglakad patungo sa tapat nila.

"Hi," Ang hot niya. Naka-sando't boxer lang siya. Halatang bagong gising pero infairnes ang gwapo niya pa rin.

"Hello," halata sa mukha nito ang pagtataka.

"Ah, ano kasi, alam mo 'yung nauusong challenge ngayon?" jusme lupa kainin mo na ako.

""Yung 24 hours magjowa challenge ba?" Bahala na wala ng atrasan 'to.

"Oo hehehe chinallenge kasi ako ng bestffiend ko, kakapalan ko na mukha ko ah, p'wede ka ba?" Hindi siya sumagot at tinitigan niya lamang ako. "Please, 24 hours lang naman eh, tsaka challenge lang naman 'yun." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para masabi lahat ng 'yun.

"Ayoko." Para akong binuhasan ng malamig na yelo. Naku naman, nakakahiya.

"Okay hehehe." Aalis na sana ako ng biglang, "Ayoko ng 24 hours lang." ha? Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Ngayon ako naman ang naguguluhan.

"From now on jowa na kita. Hindi lang 24 hours kundi lifetime na. Bukas susunduin kita sa bahay niyo ah? May date tayo. Bawal kang tumanggi at maslalong bawal ka na sa iba, akin ka lang, Beatricie." Hinalikan niya ko sa kamay at iniwang nakatulala sa tapat ng bahay nila.

_____

From my rp account Shantel Altena.
More stories will come!

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon