Chapter 1

7 0 0
                                        

When we met, you exposed me to every color, to every angle, to every pixel. It was beautiful but you were gone in a flash, and now all I'm left with is a wasted film.

-Perry Poetry

.

Napabalikwas ako ng bangon nang managinip nanaman ako ng kamatayan ng isang tao. Babae iyon and I saw how her boyfriend raped her then killed her. She was screaming for help. Tumayo ang balahibo ko nang maalala ko kung paano unti unting sumara ang mata nung babae habang nakatingin sa akin habang humihingi ng tulong na parang nakikita niya ako. Damn, It's creepy.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sanay  na makakita ng gano'n gayong matagal na akong nagkakaroon ng panaginip na gano'n. Gusto ko man na tulungan sila, hindi ko magawa. Babaguhin ko nga ang tadhana nila pero anong mangyayari sunod? Baka sa akin mangyari iyong mangyayari sakanila o sa mga taong malapit sa akin. Every action has its consequences.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Bumungad sa akin si Mama na may malalaking ngiti sa mukha. Ano'ng meron? Bakit ngiting-ngiti si Mama ngayong umaga? Ngumuso ako at tinaasan siya ng kilay.

"What's with your smile, Ma?" I asked her. Nakalapit na siya ngayon. Umupo na siya ngayon sa kama ko kaya magkatabi na kami. Hindi pa din niya ako sinasagot kaya kumunot na ang noo ko. What the hell is going on? Nagulat ako nang kurotin ni mama ang tagiliran. Hinawakan ko ang kinurot niya at pinikit ang mata sa sakit no'n.

"Ang aga aga mo mang-inis, Mrs. Cartasano." Inirapan ako ni Mama. Ano ba kasi meron?!

"Mas okay na 'yon kaysa naman iyong ke aga aga tapos andiyan sa baba yung manliligaw mo!" Pinandilatan ako ni Mama at sinubukang kurutin ulit ako sa tagiliran pero naka-iwas agad ako. Sinong manliligaw? Wala namang nanliligaw sa akin, ah? Amporkchop, buti pa si Mama alam na may manliligaw ako.

"Nakakainis ka, Stella Maris Cartasano! Dapat sinabi mo agad para nakapagluto ako ng sosyal na almusal!" Naiinis na sabi ni Mama. Kulang na lang magpadyak padyak na siya, eh. Ang arte talaga nito ni Mama! Akala mo dalaga pa din, eh! Dalagang Pilipina ka, Girl?

"Ewan ko sa'yo, Ma! Ang arte mo po! Sumbong kita kay Ssob Sirius." 

"Ewan ko din sa'yo. Sumbong mo'ko, mahal ako no'n masiyado para awayin ako." Pang-iinis ni Mama kaya nagulat ako pero mas nagulat ako nang nag hair flip si Mama. Nalaglag ang panga ko habang naka-titig sakaniya.

 "Mag-ayos ka na para makapasok ka na at makapag-almusal kasama ang manliligaw mo." Nagmartsa na paalis ang Senyorita ng bahay bago pa ako makipag-away nanaman sakaniya. Napasabunot ako sa buho ko sa inis. Ang gandang simula ng araw.

Mabilis ako naligo at nag-suot ng usual kong sinusuot ko sa office. Pencil skirt at chiffon blouse with lace. Hindi ko kinalimutan suotin ang aking Miraculous Medallion. Of course, kahit kakaiba ako, I'm still thankful to God and Mama Mary. May dahilan kung bakit ganito ako. Alam kong may plano sa akin ang Panginoon kaya tanggap ko ang sarili ko.


Mabilis ako bumaba sa hagdan namin dahil sobrang curious ko talaga kung sino ang sinasabi ni Mama na 'manliligaw' ko daw. Tumingin ako sa sala pero walang tao do'n. Baka nasa dining room na. Mabilis akong naglakad patungo sa dining room at nakita kong nagchi-chikahan si Mama at Yadiel habang si Papa naman ay tahimik na nakikinig sa usapan nila.

Napatingin sa gawi ko si Yadiel. Ngumisi siya sa akin at tumayo para hilahin ang upuan sa tabi niya. Dumiretso ako do'n. Nagpasalamat ako sakaniya at nginitian niya lang ako sabay kindat. Halos lahat kami sa hapagkainan ay napatiingin sa gawi ni Mama dahil sa mga munting hagikhik niya.

The Man Of My Dreams.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon