Chapter 2

7 0 0
                                        

"You think nicotine is addicting

Until you kiss lips that taste vaguely of spearmint

and you realize the most dangerous drug of all

Is the feeling of somebody's body pressed against your own."

---Emmerson Grin.


"Stella!" Napakurap ako nang biglang sinigaw ni Yadiel ang pangalan ko. Tumitig muna ako sakaniya bago ko narealize na nasa harap siya ng desk ko. Tumayo ako at yumuko ng bahagya.

"Sorry." Kinagat ko ang labi ko pagkatapos humingi ng tawad. 

"Anong nangyari sa'yo? Ang sigla sigla mo pa kahapon, ah?"

Sisihin mo'yong putanginang panaginip na iyon! Napakaaga ko nagising kanina dahil do'n. Alas quatro ng umaga! Pesteng yawa. Bwisit na panaginip talaga. Ayaw akong patahimikin! 

"Pagod lang siguro 'to. Ano ka ba, Yads! Magtrabaho ka na nga doon." Pinilit kong gawing masigla ang boses ko habang siya panay ang angal hanggang sa naitulak ko siya papasok ng opisina niya. Nakahinga na ako ng maluwag nang ako na lang ulit ang mag-isa. 

Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin na may nanghihingi ng tulong sa akin sa pamamagitan ng panaginip ko. Hindi pa ako handang makasama 'yong mga kapwa ko sa mental.  Pagod ako na umupo sa couch ko at bumuga ng marahas na hininga. 

Kaninang umaga nga hindi ko namalayan na sinusulat ko na pala 'yong binigay sa aking impormasyon nung babae! Wala akong balak tulungan silang dalawa, okay? I don't care if they die. Kahit gaano kasakit at nakakaawa, never pumasok sa isip kong tulungan sila at mananatiling gano'n iyon. 

Bigla nanaman pumasok sa isip ko 'yong itsura nung lalaki habang sa sahig na hinihigaan niya ay puno ng dugo. Hinilot ko ang sentido ko at inis akong napabaling sa cellphone ko nang magvibrate iyon. Kinuha ko iyon at nakitang may message doon ng kaibigan kong si Kim.

From: Kimberly

Sup, Poks! Publix tayo later with Bella and the gang?

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at agad humupa iyong inis na nararamdaman. Publix? Hmm... I might need this. For sure makakalimutan ko na iyong panaginip kung iinom ako.

To: Kimberly

G.

Binaba ko na ang cellphone ko pagkatapos kong reply-an si Kim. Kumunot ang noo ko nang marealize ko ang message niya. Publix? So, nakauwi na siya? Akala ko next month pa uwi no'n. Never mind. Excited na ako mamaya. What a nice way to end this day.

At dahil diyan, namotivate ako lalo na magtrabaho. Nakangisi na ako ngayon habang pinagpapatuloy ang trabaho ko. Nasa kalagitnaan ako nang pagtrabaho nang may kumatok  sa desk ko. Akala ko may ilalagay lang na files kaya hindi ko pinansin iyon pero nang ilang segundo na ang lumipas at nanatili lang nakatayo yung taong iyon sa harapko hindi pa din gumagalaw, inangat ko na ang tingin ko sakaniya. I gaped when I saw who's standing infront of my desk.

"Yisroel!" Maligaya kong tawag kay Yisroel. Magkambal sila ni Yadiel. Kung si Yadiel binansagang gentleman, itong isang 'to naman kabaliktaran niya. Napaka gago nitong isang 'to. Sagad na sagad katarantaduhan nitong isang 'to.

Sinalubong niya ako nang may malaking ngisi na halos aabot sa langit. Naghihintay siyang yakapin ko siya pero tinaasan ko lang siya ng isang kilay habang nakakrus ang mga braso ko.

"Napaka-attitude mo naman." Natatawa niyang sambit atsaka binaba ang dalawang braso na nakalahad. His annoying grin is still plastered on his handsome face. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man Of My Dreams.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon