A CSRs Tale (First Act)

66 0 0
                                    

First Act (1 of 10)

Introduction

Characters:

Jasmine Deluz

Evelyn Ivy Martinez

Caroline Winters

            Hi I’m Jasmine Deluz 18 Year old and an Information Communication Technology Graduate, I decided to enter the BPO industry, wala lang kasi gusto ko lang, iniisip ko kasi na baka ito yung mag ahon sakin sa kahirapan at baka ito yung magtupad ng mga pangarap ko, Alam mo yun? Yung mga pangarap ng simpleng babae? Mamahaling make up at mga magagarang damit. Well hindi naman ako nahirapan maghanap ng trabaho kasi magaling naman ako sa English. Na hire ako December 17, 2011 sa Arin Business Processing and Outsourcing as a call center representative, ang account na hawak ko ay Solus Softel Telecommunication. Mahirap ang training kasi madaming kinakabisado pero carry naman, madami akong nakilalang friends at isa dun ay si Evelyn Ivy Martinez or kilala sa tawag na Ivy. Maganda at mabait si Ivy, may pagka sleazy nga lang pagdating sa pananamit kaya palaging sinasaway at laging nabibigyan ng memo, pero ganon paman eh best friend ko parin si Ivy.

So ayun na nga, after ng mahirap na training eh mag t take na kami ng calls sa January 10, 2012  pero bago yun eh mag kakaroon muna kami ng Ops Manager Talk. Ang operations manager na may hawak samin eh ang Half American Half Pinoy na si Caroline Winters, sabi nila si Caroline Winters daw ang pinaka sadistang Operations Manager sa buong Arin BPO, pero habang di ko pa napapatunayan yun eh hindi muna ako maniniwala sa kanila.

January 3, 2011 (Operations Manager Room)

            3:00pm eh nag set ng meeting si Caroline Winters sa kanyang room sa 10th floor. Medyo kabado ako kasi iba yung ambiance sa room niya uhm… pano ko ba I d describe yung room niya? Parang bakanteng room lang siya, walang ka design design, wala man lang mga picture frame sa desk niya, tapos anlaamig lamig pa, eto pa yung nagpapa gloomy sa room niya, pag pasok mo at pag tingin mo sa desk, mga termination of contract kaagad ang makikita mong naka hambalang sa desk niya. Sinu ba namang hindi matatakot pag nakita mo yung mga blankong termination of contract papers? Kahit naman sino. 3:30pm na wala parin si Caroline, medyo naainip na kami ni Ivy kakahintay until mga 3:35 dumating si Caroline Winters. Nakasimangot at mukhang badtrip, umupo kaagad si Caroline Winters sa harap ng computer niya at nag type, maganda si Caroline Winters at sa tansya ko eh nasa edad siya na 26-29. Kissable lips, blonde hair, sexy at may katangakaran, Yun nga lang eh laging nakataas ang kilay at nakasimangot. Pero kung I t try niya mag smile mas maganda pa siya kay Ivy. Habang tinitingnan ko si Caroline eh biglang niyang hinampas yung table niya at nagulat kami ni Ivy.

            “I received another resignation letter!?”Sigaw ni Caroline Winters

Natakot kami kasi parang feeling naming eh bigla nalang kaming babatuhin ni Caroline ng kung anu ang Makita niya na pwede niya ibato, pero bigla siyang huminga ng malalim at nagbuntong hininga.

            “Thank you for patiently waiting girls; by the way my name is Caroline Anne Winters the operations manager of Solus Softel Telco, I assume that you know me already”Mahinahong sabi ni Caroline.

            “My Name is Jasmine Deluz and nice meeting you Ms. Caroline Anne Winters”Sabi ko naman.

            “My Name is Evelyn Ivy Martinez, nice meeting you Ms. Winters”sabi ni Evelyn

Inirapan ni Caroline si Evelyn dahil sa soot nitong mini skirt pero deadma lang tong si Evelyn

            “Well, I just want to tell you that I hate incompetent representatives, the moment I feel that you are incompetent that’s the time I’ll serve a black envelope. I expect magnificent deeds from both of you. And one more thing I don’t want to catch you guys using cellphones in floor I don’t want to throw another cellphone outside. And don’t forget English Only Policy! That’s it! You may go now”Sabi ni Caroline Winters.

No Cellphones? Ugh! Napaka cruel nga pero wala akong magagawa,, kelangan ko ng trabaho eh. Kaya magtitiis nalang ako. To Be Continued

End of Act One (1-10)!

A CSRs Tale (First Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon