A CSRs Tale (First Act Two of Ten: Floor)

59 2 0
                                    

First Act (Two of Ten)

The Floor

Characters:

Jasmine Deluz

Evelyn Ivy Martinez

Shaimy Delacruz

Yuki Yamamoto

Vito Mckay

J Henderson

Sherenee Delacruz

January 10, 2012 (9:00pm)

Naka pwesto na kami ni Evelyn sa mga cubicle naming at ready na mag calls, may agwat ang unit namin ni Evelyn kasi station 100 siya at 102 naman ako, medyo awkward kasi ang katabi naming dalawa ay mga veteran na sa call center, sa kanan ko ay isang babae na pagka ganda ganda, at sa kaliwa ko naman ay isang lalaki na napaka ganda ng boses. Ready for calls na ako at naka headset na, excited na ako sa calls mga 9:15 wala paring pumapasok na calls. Nagulat ako kasi biglang nagsalita sa Evelyn.

"Thank you for calling The Solus Softel Customer Support Center my name is Ivy how may I help you today?" sabi ni Evelyn

Kinabahan na ako at nanginginig, napansin ako ng katabi ko na baba.

"Nine nyerbyos kaba? Natural lang sa una after ng first call mo eh wala na yang kaba"

Nilakasan ako ng loob sa sinabi ng katabi ko sakin pero andito parin yung kaba

"I thought tagalog is not allowed here?" tanong ko sa katabi ko

Natawa yung babaeng katabi ko na parang biro yung sinabi ko

"Naku! Pauso lang yan ni Caroline, actually lahat kami dito nag ta tagalog pag walang calls, as long na hindi niya marirnig, at saka wala namang magsusumbong sayo. By the way, I'm Shaimy Delacruz" Pakilala niya

Nawala na talaga yung kaba ko at nagugustuhan ko na agad si Shaimy kasi sobrang bait niya, pero di ako tomboy ah? Magpapakilala na sana ako ng biglang magsalita yung lalaking katabi ko

"Shaimy tinuturuan mo agad ng kalokohan yung katabi mo mamaya matangal kaagad yan, kaya ka laging wala katabi eh, tapos nagrereklamo ka na wala kang katabi?" tumigil siya ng magsalita si Shaimy

"Hoy hindi ah! Kaya lang naman umalis si Bunny at Praea kasi nag asawa na sila, walang kinalaman ang pagsasalita ko ng tagalog sa pagkawala nila!" Pagalit na sabi ni Shaimy

"Sabi ko nga, wag mainit ang ulo Shai, by the way ako nga pala si Vito Mckay, CSR ako dito for almost 2 years na, kasabayan ko yan si Shaimy, ganyan lang talaga yan" Pakilala ng lalaki

"I'm Jasmine Deluz nga pala, bago lang po ako dito" Pakilala ko

Nagka call si Vito pagkatapos kong magpakilala, nung tiningnan ko si Evelyn eh mukhang hirap na hirap siya. Habang iniiisip ko kung anung uri ng call ang papasok sa akin, bigla namang nagsalita si Shaimy

"By the way Jasmine, wag ka masyadong maglalapit sa gwapong lalaki nay un" Sabay turo sa isang gwapong lalaki na nasa malayong side

"Siya si Yuki ang grand playboy ng Arin, madami ng dumaan na babae sa kamay niya. Kaya ingat ingat ka sa kanya" Babala ni Shaimy.

Pinagpatuloy naming ni Shaimy ang pag k kwentuhan at nagkakasundo na kami ng sobra. Hanggang sa may dumating na lalaki, cute siya as in pero para siyang si Caroline, nakasimangot at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang expression niya. Tumigil sa pagsasalita si Shaimy pati ako tumigil narin.

"Shaimy? Why you're not taking calls? Look at your phone, you're logged off?" Sabi nung lalaki

"Down po ang line natin sir J hindi rin ako maka receive ng call tapos fino force log out ako ng phone" Sabat ni Vito

"Yes sir J, our system is currently down and by the way she is Jasmine Deluz our new agent, Jasmine meet sir J our team manager" Pakilala ni Shaimy

"Oh! Hello there Jasmine it's nice meeting you, and who's that girl?" Patanong na sabi ni J

"She is Evelyn Ivy Martinez my best friend, she is also new here like me" Sagot ko sa tanong niya

Ngumiti si J at super cute niya nung nag smile siya, I think I like him. Pumunta siya sa likod ni Shaimy at tiningnan ang phone sinubukan niya mag login at nugn ma confirm niya na down nga ang phone line eh umalis siya.

"Siya si J ang team manager, super bait ng taong yan, kaso super tahimik din, yung pangalan niya ay simpleng letrang J lang. Later on makikilala mo rin yung quality analyst natin, mamaya padating nun eh" Paliwanag ni Shaimy

Kahit ako nagtataka rin kung bakit parang super sad ng team manager at bakit sinabi ni Shaimy na super tahimik yung Si J. Di ko na mapigilan ang sarili ko at nagtanong narin

"Shaimy, bakit super tahimik niya? At bakit feeling ko parang super sad din niya" Nagtatakang sinabi ko

"HIniwalayan kasi siya ng Girlfriend niya mga 2 years na ang lumipas, ang reason ng paghihiwalay nila ay 3rd party. Nagtangka din yan magpakamatay pero fail, tapos ayun ganyan na siya" Kwento ni Shaimy

"So ganyan na talaga siya? I mean? Di ba sya sumasama pag gumi gimmick kayu? Or lumalabas ng buong team" Tanong ko

"Minsan oo minsan hindi, kung sumasama man siya, eh siya yung super di nag e enjoy, ewan ko ba Jasmine basta ganun sya, teka teka... bakit ba si J ang usapan natin? May gusto ka sa kaya noh?" Tanong ni Shaimy

Aba!? Nagtatanong lang ako eh may gusto na agad? Di ba pwedeng curious lang muna? Tsk tsk, pero ganun paman yung impormasyong nakuha ko kay Shaimy ay sapat na para ipaliwanag kung bakit ganun si J. Hindi pa naman katapusan ng mundo madami pa siyang matatagpuan pero sa inaasal niyang yun eh wala talagang magkakagusto sa kanya. Teka teka natahimik ako ng matagal sa tanong ni Shaimy ah! Mamaya sabihin niyang Silent means yes, kelangan ko sumagot!

"hindi! Curious lang ako, saka bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Tingnan mo ang gloomy gloomy ng aura niya tapos ang lungkot pa ng face niya? Hahahah!!" Sagot ko sa tanong ni Shaimy

"Hoy wag ka, madami ng nanligaw na babae kay J, yun nga lang eh wala siyang sinagot hahaha!"

Tumawa ng malakas si Shaimy, at biglang may sumagot sa kabilang cubicle

"Sus akala mo wala siyang gusto kay J, naku Shaimy Aminin mo na kasi" Sabi ng babae sa kabilang cubicle

"Manahimik ka jan Sherenee ah di ka kinakausap, pasabugin kita jan" Pagalit na sabi ni Shaimy

"Sige subukan mo, sisimulan ko sa payong mo" Sabat ni Sherenee na parang nagbabanta

"Joke lang po ate peace na tayu" Pakiusap ni Shaimy

Natawa ako dun ah ahhaha! Pero pinigilan ko tumawa kasi mamaya ma offend si Shaimy or si Sherenee teka teka ang weird ng mga name nila, Shaimy? Sherenee? Unique names

"Sinu yun si Sherenee?" Tanong ko kasi ang kulit ko haha

"Kapatid ko yun, magkaiba kami ng account ni Sherenee. Bale ako ang bunso sa aming dalawa" Sagot ni Shaimy

So magkapatid pala sila kaya pala parehas silang may weird name. Well oh well, habang pinagpapatuloy naming ang chit chat ni Shaimy, eh biglang nag beep yung phone ko meaning may pumasok na tawag at kelangan ko kaagad sagutin yun. To Be Continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A CSRs Tale (First Act)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon