Kabanata 1

9 4 0
                                    


Kung nagustuhan nyo po yung prologue let me know po :) napakahalaga po sakin as nagsisimula palang. sana magustuhan nyo din po to and comment and like nadin po. pakiadd po sa library para po pag may update may notif po kagad kayo love u all :)


******************************

- Pitong Letra -



Sa gabing iyon ay hindi ako makatulog. Nakatatak sa isipan ko ang mga sinabi ni tita. Inisip ko ang lahat ng apilido ng mga kakilala ko, mga kakase ko o di kaya naman ay mga kakilala nila mama sa business.


Ano bang ibig sabihin niya sa pitong letra?Napakadami kong nakikita. Hindi ako mapakali.


Ayoko man aminin sa kanilang dalawa na hindi ako naniniwala sa palmistry at foretelling, pero hindi ko ito masabi kila mama dahil siya ang numero unong naniniwala dito.


Si tita Dolores din ang nanghuhula sa mga magaganap sa business namin. Bilang pamilya, mahirap na sabihin ko sa kanya iyon pati narin kila mama at papa.


Isang malalim na paghinga, yun nalang ang tangi kong magagawa.


Ayokong maniwala pero hindi maalis sa isipan ko.


 Bakit? Ano bang gagawin nito sa akin? Sino ba siya? Kapighatian?


Isa lang ang alam ko na kahit di ako naniniwala kinakabahan parin ako.


 Habang tinitignan ko sa facebook ko ang mga friends list ko at kahit gabing gabi na ay nagbibilang ako ng mga letra.


Shettt bakit ba ako naghahanap? Akala ko ba hindi ako naniniwala? Pero bakit ako kinakabahan?Ang gulo ko din nuh??


Matutulog nalang ako para bukas pagkagising ko hindi ko na to iniisip at isa pa first day ng second sem ko bukas sa school. Baka dahil lang sa pagod kaya hanggang ngayon dala dala ko padin ito.


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil medyo excited ako kasi matagal tagal nadin akong nabakasyon. Mabilis akong naligo at bumaba na para kumain. Dahil palaging busy si papa sa restaurant namin ay madalas si mama ang nagluluto sa akin ng almusal.


Nadatnan ko siyang naghahain ng plato sa mesa. Nagtagpo ang aming mga mata.


"Anak kamusta, magiingat ka ngayon sa unang araw ng klase mo ha." lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Sweet talaga si mama sakin  dahil halos pagkabata ko sya na lagi nakakasama ko kumpara kay papa.


"Salamat ma. Nasa restaurant parin po ba si papa?" wika ko habang nagsasandok ng kanin.


 Ayokong magpakabusog ngayong umaga dahil palagi akong nahihirapan, pakiramdam ko ay bundat na bundat ako saka alam nyo na baka ano hihi, hindi yun pwede kaya kumuha lang ako ng konting hotdog at bacon na nasa harap ko.


"Ay oo anak. Busy siya ngayon lalo pa na unang araw ito ng klase. Marami pa naman ang nagpupunta duon sa branch natin malapit sa school mo para mag lunch." Kasabay ko ay naupo din siya at sumabay sa akin sa pagkain.


"Saka nga pala. Tungkol dun sa sinabi ng tita Dolor mo."


Napatigil ako sa pag-nguya at napatingin sa kanya.


"Ma, sigurado ba kayo dun? At saka wala po akong balak makipagkilala sa kahit sino." Ayoko pa talagang makipag boyfriend feel ko distraction lang yun


"Study first po muna ako."


Pinilit kong makapag palabas ng ngiti, kahit ayoko ng pag usapan ang tungkol dito.


Against The CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon