Prologue

20 5 0
                                    


This is my first book at nagsisimula palang, kung magustuhan nyo po let me know po sa likes and comments para ganahan po ako pagpatuloy to it really means a lot to me po :) pakishare narin po sa mga friends nyo and pa add sa library. Maraming maraming salamat po sa pagsuporta love ü all :)


*********************


Sa paglipas ng panahon, akala ko ay magiging ayos lang ang lahat. Na magiging madali lang ang lahat para sa akin. Iyon ang sinabi nila. Ang sumunod sa matagal ng tradisyon ng pamilya.Naranasan nyo naba yun? ang sumunod sa mga inuutos ng matatanda kahit na hindi mo naman talaga sila naiintindihan o kaya ay pinaniniwlaan pero wala kang magawa kaya gagawin mo nalang.


At iyon ang ginawa ko sa buong buhay ko.


Binibigyan ako ng karapatan na makapag desisyon sa sarili ko. Pero dapat ay lahat ng ito ay naka sang ayon sa tradisyon.


Ayon sa kwento ni mama, ay galing daw ang pamilya ni papa nuon mula sa mga chino na nanirahan dito sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaan. Nakapagpatayo sila dito ng ibat ibang klaseng businesses. Isa duon ang restaurant na minana ni papa.


Malakas ang paniniwala nilang dalawa sa fortune telling. Simula bata ako ay dinadala na ako ni mama sa kanyang kabigan na ang tawag ko ay si Aling Dolores.


Isang chubby at masiyahing matandang dalaga.


Siya ang nagsabi nuon kay papa na si mama ang tamang babae para sa kanya. Simula nuon ay naging matalik na siyang kapamilya namin.


Palagi siyang nasa bahay namin, lalo na nuong bata pa lang ako. Binibigyan niya ako ng mga bracelets o kwintas na sinasabi niyang makapag bibigay daw sa akin ng swerte.



Mabait naman siya, at sa aming pamilya. Tinuring ko narin siyang tita ko at halos nandito rin siya sa bahay sa mga importanteng okasyon. Naging malapit siya sa akin, at kila mama at papa na tinutulungan niya sa pagpapatakbo ng negosyo.


Yun nga lang.


Lumapit ako sa kanya nuong 18th birthday ko. Ayon din yun sa payo ni mama na bisitahin ko siya upang humingi ng payo.


Nagtungo ako sa kanyang tinitirahan na hindi naman kalayuan mula sa amin. Ang laki ng bahay niya mas malaki pa kung para saamin, namamangha nalang ako habang papasok kami ni mama sa loob ng engradeng bahay.


Masaya niya kaming pinatuloy at pinapasok sa loob. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga painting na nakasabit sa wall ng bahay. Iba iba ang kanilang laki at yung iba ay umaabot na kasing laki ko na. Mayroon ding mga porcelana at mga malalaking vase sa bawat sulok. Mahahalata mo na chinese nga ang nakatira rito


Habang naguusap sila ni mama ay pinaupo niya kami sa sala at iniwanan kami dahil may kukunin lang daw siya.


Nagulat ako dahil ng bumalik siya ay mayroon siyang inihelerang mga baraha sa table na nasa harap namin.


"Pumili ka anak. Ito ang mga baraha ng buhay. Iyan ang magsasabi kung ano ang magiging highlight ng buhay mo sa taon na ito." Marahan niyang wika.


"Kahit ano po ba tita?"


Tumango siya at tinitigan ko ang mga pulang baraha na may mga naka pintang ibat ibang desenyo.


Sa una ay hindi ko malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Pero ng nilapitan ko sila ay naging malinaw ang bawat isa.


Limang baraha, mayroong nakapintang patak ng tubig duon sa una, sa pangalawa ay parang mga ihip ng hangin, isang kutsilyo, dalawang isda na lumalangoy at isang bulaklak.



Against The CardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon