Hold-up
Kaagad naman akong napaupo sa may upuan na malapit sa locker ko dahil sa sobrang sakit ng paa ko. Nalate kasi ako ng gising kanina dahil sa pagod ko kahapon kaya nakalimutan kong lagyan ng band-aid yung paa ko.
"Hoy babae! Late ka na nga kanina kaya ka napagalitan tapos ngayon may sugat naman yang paa mo? Ang swerte mo ata ngayong araw na to!" bungad saakin ni Joy na mukhang pumuslit lang na makapasok dito para pagsabihan ako.
"Late na rin kasi kami nakauwi kagabi kaya ayun, late na rin ako nagising kaya ang bunga ito na." saad ko habang kinukuha na rin ang tsinilas ko locker para makauwi na dahil tapos naman rin ang shift ko.
"Hays ikaw talaga. Oh! Ilagay mo diyan sa sugat mo." saka niya itinapon sa akin ang isang maliit na box na pawang band-aid ang laman. "Pabaya ka talaga kahit kailan, at talagang napagalitan kapa sa araw ng ating sahod ah." dagdag niya na para bang natatawa at habang nakasandal na sa kanyang locker.
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Okay lang basta't nag-enjoy ako kahapon." saka tinapon ko ulit sa kanya ang box pabalik. "Salamat nga pala."
"Sayo na yan may extra pa naman ako. Mauna na ako atsaka mag-ingat ka papauwi! Huwag kang maghintay sa masyadong madilim na lugar." paalala nito saka kaagad na umalis dahil mukhang hinahanap na siya doon sa labas.
Nang tumahimik na ulit sa loob ng locker room naisipan ko naman na hatiin yung perang sahod ko ngayon para sa mga bayarin namin doon sa bahay at sa bayad ng matrikula ng aming kambal.
Medyo may kamahalan na rin kasi ang libro nila dumagdag pa yung pagtaas rin ng tuition kaya dapat maging maingat ako sa paggastos ng pera para hindi kulangin. Napangiti ako ng mapait at napabuntong hininga na lang.
"Mukhang isasantabi ko muna ng mga pangarap ko ngayon ah." nalulungkot kong sabi pero kaagad naman din akong umiling-iling. "Nako Ashia! huwag kang mawalan ng pag-asa! Pastilan ba gayod!" sabi ko na at mahinang sinampal ang sarili ko.
"Made-delayed lang muna ang pangarap Ashia, pero hindi ka dapat kailanman susuko!" pagmo-motivate ko sa aking sarili. Dahil wala namang ibang mag-uudyok na ituloy ko ang pangarap ko kundi ang aking sarili diba? Pano ko yun kakayanin kong ako mismo hindi naniniwala sa sarili ko.
Matapos kong hatiin yun at nakipag-usap sa sarili ko ay napagdesisyunan ko nang umuwi. May iilan pa naman na tao sa labas na kumakain pa ang iba nama'y naliligo sa dagat na matatanaw mula rito sa hotel.
Kaagad bumati ang malamig na simoy ng hangin sa akin nang makalabas na ako sa hotel. Kaya kaagad ko namang isinuot ang jacket ko saka dahan-dahan sa paglalakad dahil sa parang nakadikit ang mata ko sa mga magandang tanawin sa langit.
Tanging kaluskos lang ng mga dahon dahil sa hangin at huni ng mga kuliglig ang maririnig. Napangiti naman ako sa aking nasaksihan. Walang ano mang bakas ng ulap ang makikita sa langit at pawang mga nagliliwanag lang ay ang buwan kasama ang mga bituin.
Sandali akong napahinto ng may napansing falling star. Kahit matanda na ako naniniwala pa naman rin ako na pwedeng matupad ang hiling mo basta't maniwala ka lang.
Nawa'y dinggin ang hiling ng pusong humihiling. Walang ibang tanging dinadalangin kundi unta ang tanan puhon kay madungog og makab-ot sa tamang panahon.
Saka nang dumilat ako tumambad kaagad ang pagmumukha ni Chase kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.
"Lintik na aso!" wala sa sarili kong saad.
BINABASA MO ANG
Puhon
Roman pour Adolescents(El Cantra Trilogy 1.) Unta ang tanan 'puhon' kay madungog og makab-ot sa tamang panahon. Sana lahat ng 'puhon' (pangarap at panalangin) ay maabot sa tamang panahon. Photos that is being used is not mine. Credits to the rightful owner.