Third Person POV
Makulimlim ang panahon. Madilim ang langit, at malakas ang simoy ng hangin. Tila uulan sa bayan ng Sta. Ana. Gayon paman patuloy na naglalaro ang mga bata. Masaya silang naglalaro ng bato lata. Ang kanilang mga tinig ay tila nagbibigay ligaya sa mga tao sa paligid. Kahit maingay ay hinahayaan nila ito. Ika nga nila, minsan lang maging bata.
Sa isang eskinita ay naglalakad ang isang babaeng naka bistida ng puti at nakalugay ang buhok. Bagay na bagay sa kaniyang kompleksyon na maputi. Ang bag niya ay kulay itim. Siya ang anak ni Bertha, si Isabella.
Sa kaniyang pagdaan malapit sa mga bata ay napapalingon ang mga tao sa kaniya. Kadalasan naman itong nangyayari dahil sa labis niyang kagandahan. Isa pa, lagi din itong nakangiti kapag dumadaan ito. Hindi rin siya nakaligtas sa mga bata. Lumapit ang mga bata sa kaniya na tilay tuwang tuwa. Naglabas ng candies si Isabella at ibinigay ito sa mga bata.
Matapos niyang gawin ito ay umalis na siya papunta sa sakayan ng jeep habang nakangiti.
Bumaba si Isabella sa isang mall sa kabilang bayan. Naglakad siya papasok ng mall habang bitbit ang kaniyang cellphone. Lumilingon si Isabella sa paligid na may galak sa kaniyang mga mata at balik na naman ulit ang tingin sa cellphone. Matapos ang limang minuto ay naghanap siya ng mauupo-an. Pumunta siya sa may fountain ng mall at doon umupo sa mga bench.
Matapos ang 30 minutes ay may dumating na isang lalaki. Malapad ito at kasing tangkad lang din ni Isabella. Maputi din ito. Maitim ang buhok. Matangos ang ilong at medyo malapad na pinkish na labi. Ang mga maitim na mata nito ay sakto lang ang laki.
Nang tumingala si Isabella ay ang lalaki na naka half-smile agad ang kaniyang nakita. Tumayo si Isabella at agad na yumakap. Yumakap din pabalik ang lalaki. Pero ang mga ngiti sa mga labi ng lalaki ay unti-unting nawawala.
Matapos ang yakapan ay agad silang ngumiti sa isa't isa at patuloy na naglakad papuntang Jollibee. Ang mga kaliwang kamay ni Isabella ay nakapatong sa kaniyang isang kamay na nakahawak sa kaniyang maliit na bag. Habang ang sa lalaki naman ay nakapasok sa kaliwang bulsa ang kaniyang kaliwang kamay at naka hawak naman ng cellphone ang kanan na kamay.
Nang dumating sila sa Jollibee ay agad na nagusap sila kung sino ang oorder. Sa huli ay si Isabella na ang umorder at ang lalaki ay dumiretso na sa upoan.
Habang pumipila si Isabella ay nakayuko naman ang lalaki sa kaniyang inuopo-an. Nakakunot ang nuo nito na halos pumupula na ang mga pisngi. Tila malalim ang iniisip. Nakatutok lamang ito sa kaniyang cellphone pero wala namang ginagawa. Dumaan ang ilang minuto ay napakamot na lamang ito sa kaniyang ulo. Subalit bumalik pa rin ito sa una niyang posisyon na nakayuko at tumitingin sa kaniyang cellphone.
Agad naman na napakiramdaman ng lalaki na paparating na si Isabella. Inangat niya ang kaniyang tingin at nakita niya si Isabella. Dala nito ang kanilang order na pagkain. Napaka babae kung lumakad, sobrang hinhin. Ngumiti ang lalaki at agad ibinulsa ang kaniyang cellphone.
Inilapag na ni Isabella ang kanilang order sa kanilang mesa at nagdasal. Matapos ang pagdadasal ay agad silang kumain ng chicken joy at yam burger. Tahimik lamang silang kumakain. Walang umiimik.
Matapos nilang kumain ay naglibot lamang sila sa mall. Nagsasalita si Isabella at ngumingiti ang lalaki. Subalit ngiti na parang may lungkot sa mga mata. Kahit papaano ay sinasagot naman niya ang mga tanong ni Isabella.
Buong maghapon ay naglibot lamang sila sa mall. Pumunta sila sa department store. Naglaro ng arcade.
Nang sumapit ang gabi ay umuwi na rin sila. Gusto pa sanang kumain ni Isabella kasama ang lalaki. Subalit tumanggi ito dahil gabi na daw at kailangan ng umuwi ni Isabella.
Walang nagawa si Isabella at umuwi na nga ito. Naghiwalay ng landas ang dalawa ng sila ay lumabas ng mall. Sumakay si Isabella ng jeep habang ang lalaki ang sumakay din ng jeep papauwi sa kanila.
Masaya si Isabella habang siya ay pauwi. Makikita mong natuwa siya sa kaniyang date. Lagi niyang tinitignan ang kaniyang cellphone kung may nag mensahe ba, pero wala. Ganon paman ay nakangiti pa rin ito.
Pagdating niya sa bahay ay agad siyang pumasok sa kaniyang kwarto. Kinuha niya ang kaniyang cellphone ulit mula sa kaniyang bag at tinignan kung may message ba siya sa messenger.
Nung una ay nakangiti pa si Isabella habang nagtatype sa kaniyang cellphone. Sasabihan niya ang lalaki na nakauwi na siya at gusto niyang itanon kung nag-enjoy ba ito sa date nilang dalawa. Ngunit di naglaon ay parang biglang lumongkot ang kaniyang mga mata. Nabitawan niya ang kaniyang cellphone at natapon ito sa sahig. Agad siyang humiga at may mga butil ng tubig na umaagos mula sa kaniyang mga mata patungo sa kaniyang magagandang pisngi. Ilang minuto pa ay nakahawak na ang mga kamay ni Isabella sa kaniyang dibdib. Maririnig sa loob ng kwarto ang hagolgol niya. Maya-maya ay may naririnig na mga kuloglog sa labas at nga tulo ng tubig. Lumakas ng lumakas ang tulo ng tubig at tunog ng kulog na halos hindi na marinig ang mismong boses ni Isabella.
Magdamag siyang umiyak ng araw na iyon. Nang lumabas siya ng bahay suot ang kaniyang uniporme ay marami ang nagtaka kung bakit ganoon ang mukha ni Isabella. Hindi nakangiti at nakayuko lamang ito. Marami ang nagtaka sa kaniyang pagbabago. Kahit ang mga bata ay nakahalata sa pagbabago ni Isabella. Kumalat agad na parang may nagbago kay Isabella at isang malaking tanong sa kanila kung anong nangyari sa kaniya.
Si Bertha, ang kaniyang ina ay nababahala na rin sa kaniyang anak dahil wala din itong sinasabi sa kaniya. Minsan, sinubukan niyang lumapit kay Isabella para sana tanongin ito pero hindi niya tinuloy. Nais niyang si Isabella mismo ang lalapit sa kaniya. Nais niyang kausapin ang kaniyang anak kung kailan ito handa.
Dalawang linggo ng walang kislap ang mga mata ni Isabella. Unti-unti ay nasasanay na ang mga tao sa pagbabago ni Isabella.
Isang araw ay umuwi si Isabella na iba na ang anyo. Ang dating nakalugay nitong mahabang buhok ay ngayon maiksi na. Ang dating halos walang kulay na mukha nito ay ngayon naka pink lipstick at blush na. Ang dating conservative sa pananamit, ngayon fashionista na. Naka shorts ito habang naka sleeveless na puti na pinatungan ng denim jacket. Naka sapatos rin ito na maputi.
Nagkasalubong si Bertha at Isabella. Ngunit hindi sila umimik dalawa. Hindi pinuna ni Bertha ang kaniyang anak. Unang nag iwas ng tingin si Isabella. Umalis siya sa paningin ng kaniyang ina at pumunta sa kaniyang silid.
Ng gabing iyon, naka higa si Bertha habang nagbabasa ng dyaryo sa kaniyang kama ng biglang may kumatok. Lumingon siya sa pintuan at nakitang si Isabella ito. Nakasuot ito ng damit pantulog, malaking tshirt at pajama. Bitbit din nito ang malaki nitong unan at ang life-sized teddy bear nito. Ngumiti si Bertha habang si Isabella naman ay yumoko.
Inoffer ni Bertha ang kaniyang braso. Parang nagsasaad na "halika dito. Yakapin kita, anak." Nakita ito ni Isabella at agad na lumapit sa kaniyang ina.
Nang makalapit si Isabella at yumakap, bigla itong umiyak ng sobra. Noon paman, alam na ni Bertha ang dahilan ng pagbabago ng kaniyang anak. Ngunit sa gabing iyon ay mas lalo niya itong napatunayan. Naiintindihan niya ang sugat ng kaniyang anak sa puso kaya hinayaan niya lang itong umiyak sa kaniyang mga bisig. Hinahaplos niya ang buhok nito. Okay lang sa kaniya na mabasa ang damit niya basta maipalabas lang ng anak niya ang sakit ng damdamin nito.
BINABASA MO ANG
SAILOR
RomanceTime is people's greatest enemy. It creates and destroys relationships. It strengthens and breaks a relationship. It does not only fuels love but also fuels hatred in the heart. Time is such a beautiful destroying element in earth. It makes two peop...