ISABELLA'S POV
Pauwi na ako galing sa date namin ni Lance. Ang saya ko dahil nagkasama na naman kami. Hindi naman nakakasawa kahit araw-araw king magkasama dahil natutuwa ako sa presensya niya.
Kinuha ko ang phone ko sa bag nagbabasakali na nag message siya pero wala. Baka siguro nakasakay na.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong pumasok sa aking silid. Kinuha ko ang phone ko at ngumiti dahil nag message siya.
"Ayoko na. Maghiwalay na tayo. Huling mensahe ko na to sayo Isabella."
Kasabay ng paglabas ng mga luha sa aking mga mata ay ang pag guho ng aking mundo. Hindi ko alam parang nawalan ako ng lakas. Parang may patalim sa aking dibdib. Narinig kong may nahulog sa aking sahig. Pero hindi na ako nag abalang tignan kung ano ito at ilang minuto pa ay narinig ko na ang galit ng langit. Malakas na kulog at kasabay nito ang pagliwanag ng kalangitan. Ilang sandali pa ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Ang hagulgol ko ay sumasabay sa mga kulog. Dinadagdagan ng panahon ang aking kalungkotan sa mga oras na ito. Nais ko na lamang matulog pero kahit iyon ay hindi ko magawa. Sa tuwing pipikit ako, mga butil ng luha ang umaagos galing sa aking mga mata. Naiisip ko ang mga huli niyang mensahe. Hindi na ako nag abalang mag reply sa kaniya dahil ayaw kong mas masaktan pa.
Buong magdamag ay nakaupo lang ako sa kama. Nang tumingala ako para tignan ang labas ng bintana, tumigil na ang ulan at unti-unti ng sumisikat ang araw. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng aking kama, 5:30 am na.
Tumayo na ako mula sa kama. Nagpunta ako sa CR at naligo para makapag ayos na. Pagpasok ko sa CR ay agad akong tumingin sa salamin.
"Ang pangit mo ngayon." Sabi ko sa sarili ko.
Pinilit kong ngumiti pero kahit anong gawin ko ay peke ang lumalabas. Sampung minuto akong ganon sa salamin. Hanggang sa napagpasyahan kong wag nalang pilitin ang sarili ko na ngumiti.
Magsisimula na akong maligo. Umaagos na mula sa gripo ang tubig papunta sa balde. Tinitignan ko lamang ito. Kahit punong-puno na ang balde ay hinahayaan ko lang ang gripo na naka on. Maya-maya ay nakarinig ako ng parang may bumagsak. Parang lumabas ang puso ko dahil sa kaba. Nang tingnan ko ito ay ang tabo lang pala na kanina ay hinawakan ko. Sinimulan ko ng kumuha ng tubig mula sa balde gamit ang tabo at ibinuhos ito sa aking ulo. Naka ilang tabo ako bago ko sinabunan ang aking katawan. Maya-maya pa'y nag shampoo na rin ako. Nang bumula na ito sa buong buhok ko ay nagsimula na akong magbanlaw.
Matapos kong maligo ay agad akong bumalik sa aking kwarto. Kinuha ko sa aking cabinet ang aking uniform. Isa itong palda na hanggang tuhod na kulay grey. Ang upper naman ay kulay light pink. May mga butones ito sa gitna at kwelyo na kulay grey.
Lumabas na ako ng kwarto. Hindi na ako nag-abala na tingnan ang sarili ko sa salamin.
Paglabas ko nakita ko si mama. Hindi siya umimik pero nginitian niya ako. Yumuko lang ako saka pumunta sa hapag-kainan. Nagsimula na akong kumain ng ampalaya at kanin.
Alam kong nais malaman ni mama kung napano ako. Pero ayoko pang sabihin sa kaniya. Nakayuko lamang ako mula simula hanggang sa matapos akong kumain. Nang patayo na ako ay nakita kong hindi kumain si mama. Pero hindi na ako nag komento nagpatuloy ako sa pagtayo at pumunta sa kusina para nag toothbrush. Matapos kong mag toothbrush ay kinuha ko na ang bag ko sa inupuan ko kanina.
"Alis na ako ma". Paalam ko kay mama sabay mano sa kaniya.
Pansin at dama kong napapatingin ang mga tao sa akin. Yumuko lamang ako at hinawakan ng mahigpit ang aking bag. Nagmadali akong naglalakad papuntang sakayan. Nahahawi ng hangin ang aking nakalugay na buhok.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa sakayan at agad naman akong nakasakay ng jeep.
Pagdating ko sa university, marami ng estudyante ang naglalakad papasok.
Dati, may nag-aantay at sumasalubong sa akin pagdating ko dito. Ngayon, kahit anino ay wala. Naramdaman kong may namumuong tubig sa aking mga mata. Agad akong tumingala sa langit upang mapigilan ang pag-agos nito. Ngunit nabigo ako. May mga butil parin ng luha ang kumawala at umagos sa aking mga mata. Kasabay din nun ay ang pag dilim ng kalangitan.
"Let's get inside the campus. Uulan na naman" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang estudyanteng nakikipag-usap sa kaibigan niya.
Bago ako pumasok ng tuloyan ay tumingala muna ako.
"Another day. You can survive this Isabella." Sabi ko sa sarili ko.
Pumasok na ako ng tuloyan sa campus at pagdating ko sa unang klase ko ay biglang lumakas ang ulan.
Agad akong lumapit sa mga kaibigan ko. Tinitignan nila ako ng maigi. Wala silang alam.
"What?" Tanong ko sa kanila pero lumingo lingo lang sila at nagpatuloy na sa mga ginagawa nila.
Alam naman nila kung kailan sila dapat nagtatanong. Alam nilang sa puntong ito, hindi pa oras para mag-usap kami.
Nang sumapit ang hapon, nagpaalam ako sa kanila kaagad. Nagpunta ako sa 7/11 sa may kanto.
Bumili ako ng siopao at isang mineral water na 500ml. Matapos kong magbayad ay agad akong umalis dahil pupunta ako sa park.
Alas 4:00 ng hapon. Maraming bata doon pero di bale na. May hideout naman ako doon.
Malawak ang park ng bayan na ito. May parteng napatag na kung saan naroon ang mga bleachers at naglalaro ang mga bata. May parte naman na may maraming puno kaya may masisilongan ka.
Nagpunta ako sa pinakasulok na puno.
Dito ko gusto. Malayo sa tingin ng mga tao. Nais kong makapag-isip ng maayos.
Kinuha ko ang phone ko at earphones mula sa bulsa. Isinaksak ko ang earphones sa phone at nagpatunog ng "Nang Iwan"
Habang nakikinig ako sa kanta ay napapaiyak ako. Pinigilan ko ng pinigilan pero pilit na umaagos ang aking mga luha. Ang dating dinig kong nga sigaw ng mga bata ngayon ay di ko na dinig. Kahit ang tunog at himig ng aking pinakikingang kanta ay di ko na dinig. Ang naririnig ko na lamang ay ang aking pag hikbi at ang sakit ng aking puso.
Pilit kong kinakalimutan siya. Pero napakahirap.
Hinanap ko ang panyo sa aking bag, pero wala ito. Nataranta ako kasi ano na lamang ang aking ipamumunas sa aking mukha.
"Kunin mo" napalingon ako sa nagsalita.
Isang lalaking nagaabot ng pulang panyo. Matangkad, moreno at medyo malaki ang kulay brown na mata. Napaka-neat ng pagkakaayos ng buhok. Magandang ang tindig. Naka tshirt ito at naka jeans.
Napatingin ako sa kaniya tapos sa panyo. Tinitigan kong maigi ang panyo. Nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba.
"Sige na." Inangat ko ulit ang ulo ko dahil nagsalita siya. Nagsalubong ang aming mga tingin. Kita ko sa kaniyang mga mata ang sinsiredad niya kaya napag desisyonan kong tanggapin ang panyo. Nagpasalamat ko atsaka iniyuko ko ang aking ulo habang pinapahiran ang aking mukha. Lalong na ang aking nga luha.
Nag-angat ako ng tingin para sana magpasalamat at sabihing lalabhan ko muna ang panyo bago isauli. Kaso, wala na siya. Hinanap ko siya baka sakaling may anino pa niya, pero wala. Sino kaya yun? Paano ko ito maisasauli?
BINABASA MO ANG
SAILOR
RomanceTime is people's greatest enemy. It creates and destroys relationships. It strengthens and breaks a relationship. It does not only fuels love but also fuels hatred in the heart. Time is such a beautiful destroying element in earth. It makes two peop...