4
VIE's POV
"Miss vie."-?.
Anu ba! Ang ganda ganda na ng tulog ko eh.
"Miss vie! Mahuhuli ka na po sa klase niyu."-?.
Habang niyuyugyog ang kama ko.
"ANU BA!"-ako. Napaupo ako, pero... oppppsssss
Nahulog ako! Letse! Sa sofa nga pala ako natulog.
BOGSH!
kamalas malasan nga naman oh! Nauntog pa ako sa mesang yun! Asar!
"ayan kasi! Di tinitignan!"-?.
Tinignan ko siya ng masama.
Di man lang ako tulungan.
"You have 20 mins, para maligo, kumain at magpalit. Malelate na kasi tayo."-?.
"ayokong pumasok!"-ako. Tapos tumayo ako at naglakad papuntang kusina.
"Kabilin bilinan po kasi, sa oras na di kayo papasok without any reason, ay kukunin po ang atm cards nyu."-?.
napatingin ako sa kanya.
Hawak hawak niya ang wallet ko.
"OO NA! PAPASOK NA! LETSENG TANDA YUN! PINAPAHIRAPAN AKO!"-ako.
At ayun nga! Naligo , nagbihis, kumain. Lahat lahat na.
Kung di ko lang mahal ang cards ko. Di talaga ako papasok.
Lumabas ako at nakita ko yung lalakeng nabwisit ng araw ko na nag aantay sa labas. Pareho kami ng school? Wow huh! Siguro working student to!
Pinagbuksan niya ako ng pinto dun sa may harapan.
"Excuse me! Di ba dapat sa likod ako umupo?"-ako.
"Andun kasi ang gamit ko miss vie."-?.
No choice! At mga gamit niya pa talaga ang inalala niya ah!
i saw his name sa id niya. Jomar Fortalejo.
Fortalejo?
parang narinig ko na yan. Pero di ko alam kung saan.
Nang makarating kami sa school. Di niya na ako pinagbuksan. Syempre atat ako!
nagulat na lang ako ng bigla kaming pinalibutan ng maraming babae.
Wow! May welcome party ba dito?
"hi jomar!"-?.
ewwwww... flirt!
"sinu yang kasabay mo? maid nyu?"-?.
"Excuse me?"-ako.
"Ang sabi ko. Maid. Bingi!"-?.
ako? Bingi? maid? in her dreams!
"wag mong sasabihing bingi at katulong ako. Kasi di hamak na mas mukha kang katulong! Gets mo!"-ako.
Tapos naglakad naman na ako. Asan kaya dito ang room ko.
Nakita ko si jomar na humingi ng paumanhin dun sa babae. Edi siya na ang mabait!
"Vie!"-jomar.
Di ko siya pinansin.
"Vie!"-jomar.
"Problema mo?"-ako.
"Eto na yung classroom natin!"-jomar.
Letsugas! Lagi na lang akong sumosobra! Asar!