1
"Ang galing talaga nung kambal no?!"-elvira
"Oo nga! Wala na atang tatalo sa kanila."-ako.
"Tama kayo jan sis!"-kat.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!"-mga tao.
Pababa na ng stage yung kambal. Ang swerte nila! Para silang artista.
Sila ang magagaling sa sumayaw sa school namin. Trasnferee sila dito at sumikat agad.
Samantalang kami? ayun! Ordinaryong tao lang!
Ako nga pala si Cris Fernandez. Matalino, maganda, pero simple lang. Di ako katulad ng mga babae jan no! Na ipalandakan na maganda sila! We act normal. Kailangan pa naming mag nerdy shades para di pagkaguluhan.
ELvira Ramirez at si Katrina Alejandro. Mga bestfriend ko sila. Actually magkababata kaming tatlo. Transferee student lang din kami. Nagkaroon kasi kami ng problema dun sa dating school namin. Kaya nilipat kami dito. Kung saan ay nagbagong buhay kami.
At yung kambal. Sila si Anne at Ana Park. Hindi naman sila magkamukha, kaya madedetermine mo kung sinu sa kanila si Ana or Anne.
Maganda sila, matalino rin at tinitingala ng marami. Magaling kasi sila. No wonder.
Pagkatapos ng show na yun, uwian na ng mga estudyante pero kami, sa library dumeretso. Ang goal kasi naming tatlo ay atupagin muna ang pag aaral. Saka na ang career namin.
You're right! Sa dating school namin, tinatawag kaming trio. Ang pinakamagaling kumanta. Ilang competisyon na ang pinanalo namin. Kaso nagkaroon ng problema. Saka ko na sasabihin ung problemang yun kapag nagkalayo na tayo.
"Miss ako kasi nauna sa librong to eh."-?
"Pwede ba mister. Magpakagentleman ka naman!"-kat.
"Anung gentleman! Wala ng ganun sa panahon natin!"-?.
"Ah, basta! Akin to!"-kat.
"Akin nga sabi eh!"-?. tapos hinila niya ung libro kay kat. Napasubsob naman si kat.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
KAT's POV
sabi ko na nga bang wala ng gentleman sa panahon na ito eh. Tignan mo tuloy ung nangyari sa akin! Asar! Puruhan ko kaya to ng matauhan! Haler! Kung alam lang nila kung sinu tong babaeng to! Kung bakit kasi damay pa kami ni cris sa eksena nitong elvira na to! Edi sana di ako ginaganito!
"sis, ok ka lang?"-cris.
"Haler! Sis! Sinung di magiging ok no! Tatandaan ko ung mukha ng lalakeng yun! Lintik lang ang walang ganti!"-ako.
"Kat..."-elvira. Medyo naluluha na siya. Alam niya kasi kung bakit kami andito, at kung bakit kami ganito. One for all, all for one ang tema namin! Pero ok na rin un. New life. Pero ang ayaw ko lang ay yung ginaganito ako! Asar!
"elvira, kapag ikaw umiyak sa harapan ko ngayon. Masasapak ko yung lalakeng yun!"-ako. Ayoko kasi siyang nakikitang umiiyak. Oo, galit ako sa kanya. Pero di sa totally galit. Galit ako sa ginawa niya. Pero nangyari na. Wala na akong magagawa.