Chapter 9 Pagbibigyan ba kita?

74 1 0
                                    

Chapter 9

Pagbibigyan ba kita?

Em’s POV

Uwian na.

Di ko pa rin nakikita si Joy. May gagawin pa naman kami dapat. Tsk

Hahanapin ko nga muna.

Ervin’s POV

Nawawala si Tin? Saan kayo nagpunta yun? Baka nasa condo niya lang.

Pupuntahan ko nga.

“Babe babye ingat ka :*

Paalam ko kay Marie at pumunta na ako sa condo ni Tin pero wala siya. Saan kaya nagpunta yun?

Park? Wala din siya?

Bar? Wala din.

Shemay. Kinakabahan na ako. Ano kaya nangyari dun?

Balikan ko nga sa school baka andun lang yun sa may garden.

Pabalik na ako ng school ng makita ko si Tin. Nasa tennis court. Nagtetennis mag isa?

Teka? Umiiyak?

Hala isang cart ng mga bola nangangalahati na?

Ano ba problema nito?

“Tin

(--)

Tumingin lang siya at nagpatuloy sa ginagaw niya.

“Tin

“Umalis kana

Ang cold niya. Bakit kaya?

“Bakit? Tin anong problema?

Hinawakan ko yung raketa. Nakikita ko umiiyak siya?! Ano ‘to?

“Problema?

“Bakit ka nagkakaganyan?

“Nagtatanong ka pa? All this time nagmamanhid manhidan ka lang pala. Letche ka.

Hnahayaan mo akong masaktan ng ganito? Tangna naman!

“Ano ba mga pinagsasabi moTin?

“Pinagsasabi ko? Vin alam mo na pala pero—

“Tin sinabi ba sayo ni Ermarc?

Di na siya nagsalita. Lintik naman ‘tong si Ermarc. Bakit sinabi niya pa? Bakit di niya muna hinayaan na ako ang magsabi?

“Kasi Tin—

“Ayaw mo akong masaktan. HAHA. Nice Vin.

“Tin hindi naman sa ganun, kaso di ba dapat ikaw ang magsabi nun? Hinihintay ko lang naman tsaka kakausapin talaga dapat kita.

“Bakit mo ko hinayaan na mahulog sayo ng ganito? Kailan mo pa alam?

“Nung nagbreak kami ni Vic. Naglasing ka nun sa condo mo, andun ako. Narinig ko lahat. Noong una Tin di ko matanggap kasi ayoko na masaktan ka. That day gusto kitang kausapin pero naduwag ako. Mahalaga sakin yung friendship natin ayoko masira kapag nag away tayo dahil dun.

“Ganun lang ba?

“Alam ko mahalaga din ‘to sayo kaya hinayaan kita. Hinayaan at umasa na mawawala din yan

“Bakit hindi nalang ako?

“Ayoko Tin, ayoko kitang masaktan. Noong una sumagi din yan sa isip ko pero alam ko masasaktan ka kasi di tayo pantay ng nararamdaman at—

“Kaibigan lang ang turing mo sakin? Bakit Vin? Mas mahal ka ba ni Marie kaysa sakin? Handa naman akong maghintay sayo. Or should I say nandito ako naghihintay.

“Tin im sorry

Yayakapin ko sana siya alam ko nasasaktan siya pero—

“Umalis ka na!

“Tin

“Umalis kana, im going to be fine. Wag ka mag alala bukas back to normal ulit. Hayaan mo na lang muna ako at kalimutan mo yung mga nangyari ngayon. Umalis ka na. Kahit ganyan yung mga sinabi mo sakin di pa rin ako susuko. Mag aantay pa rin ako Vin. Hihintayin ko na mahalin mo ako. Alam ko. Darating din ang araw na yun.

Umalis na ako. Ganyan ba talaga katigas ang ulo niya? Ayoko siyang nagkakaganyan.

Damn

Destiny’s POV

Ang sakit pero di ko pa rin siya kayang isuko. Ayoko. Papakalma lang ako ngayon pagkatapos nito back to normal. Walang nangyari, nananaginip lang ako.

Pagkatapos ko maglaro uminom ako. Kanina ko pa ‘to binili.

Gusto ko magwala. Gusto ko manakit.

Ang sakit. Mahal ko siya. Mahal na mahal.

“Tin?

Em’s POV

Kanina pa ganyan si Joy. Hindi siya tumitigil sa pag-iyak pagkatapos nilang mag usap ni Ervin. Oo kanina pa ako nandito kanina ko pa sila tinitingnan. Aaminin ko nasasaktan ako na makita siyang ganyan, bakit kasi ayaw pa niyang bumitaw? Andito ako. Andito.

Umiinom na siya tapos na siyang maglaro. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Alam ko.

Wag ka mag alala Joy hinding hindi ako aalis sa tabi mo. Di kita iiwan.

Lumapit ako.

“Tin?

Nagpunas siya ng luha.

(--)

“Tin

“Umalis kana. Kasalanan mo lahat ‘to. Kasalanan mo. Umalis kana.

Tinulak niya ako.

“Tin

“Umalis ka na. Dahil sayo magkakalamat na kami. Dahil sayo.

“Tin matagal na kayong may lamat. Ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan kasi takot ka. Duwag ka. Bakit ka ba ganyan ha? Takot ka bang maubusan ng lalaki?

Slap

“Ano!? Wala kang pakialam. Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Alam mo ba na masakit? Alam mo ba na mahirap? Paano ako pag iniwan niya ako? Paano ako?

“Hindi siya naging sayo. Magkaibigan lang kayo. Alam mo yan simula’t sapol. Gumising ka sa katotohanan na di niya kayang suklian yang pagmamahal mo. May iba siyang mahal. Hayaan mo naman ang sarili mo na maging masaya.Walang mangyayari kong aantayin mo siya. Gaano na ba kayo katagal ha? Wag mong sabihin na di mo kayang mabuhay na wala siya bakit? Siya ba ang hinihinga mo? Di mo naisip na sobrang tanga mo na sa kanya? Di mo ba naiisip na pwede ka ding maging masaya? Na hindi ka na iiyak? Hindi mo na kailangang magpanggap? Joy wag mong paikutin sa kanya ang mundo mo. Harapin mo ang katotohanan. Umusad ka sa buhay mo. Hayaan mo siya.

Niyakap ko siya.

“Joy andito ako. Handa kitang tulungan na makalimutan siya.

 Author's Note <3

Medyo matatagalan po ang UD ko. Magiging busy po kasi si ako. Pero update agad ako. Pasensya po. Medyo wrong move ata ang paglagay ko nito agad na di pa tapos. Pero so much thankyou po sa mga nagbabasa. Loveyou all.

Comment and be a Fan po.

Pwede din kayo mag sauggest :)

Godbless :)))

True Love Waits?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon